Part 13

9K 156 1
                                    

"IS IT true?" tanong ni Jacob sa pinsang si Connor. Nasa hacienda sila noon at nangangabayo. "Balita ko, nagkasundo na sina Jillian at Kuya Roel na paghahatian na lang nila ang shares ng architectural department ng Valencia Achitectural and Engineering Firm."

Pumalatak si Connor. "Kinukumbinsi naman niya ako na ako na ang bahala sa engineering department."

"That's great!" Noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng meeting ang kanilang angkan. Pinaplano ng mga ito na ipaloob sa isang grupo ang lahat ng negosyo ng mga Valencia. Tatawagin nila iyong Valencia Group of Companies. Basically, they will try to build a business empire—Valencia Empire. Sa susunod na linggo ay isasagawa na ang botohan. Lahat sila ay may partisipasyon sa mangyayaring botohan. Bawat isa sa kanila ay boboto nang 'oo' na ang ibig sabihin ay pumapayag sila sa plano, o, 'hindi' na ang ibig sabihin ay mas gusto nilang independent ang mga kumpanya nila. Noong isang linggo ay nailatag na sa kanilang lahat ang mga pros at cons ng plano kaya naman kailangan nilang timbangin ng maige ang magiging pasya nila. Bagama't pag-aasesyenda ang pinili niyang landas, mayroon din naman siyang mga shares sa mga kumpanya ng mga pinsan. "So, Connor, handa ka na ba sa botohan next week? Sa tingin mo, ano ang magiging resulta ng botohan?"

Connor eyed her. "Hindi ba makakaapekto sa boto mo ang magiging sagot ko?"

"Of course not. Buo na ang desisyon ko at boboto ako ayon sa pananaw ko," aniya. Nang marating nila ang isang kamalig na nagsisilbing pahingahan at kainan ng mga tauhan ay pinahinto ni Jacob ang kanyang kabayo at bumaba roon. Naroon na sila sa taniman ng pakwan. Bumaba din si Connor. Bago siya maupo sa mahabang bangkong kahoy ay hinugot mula niya mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang cellphone niya at sinulyapan ang monitor niyon. No messages received. No missed calls.

"Well, no doubt there will be a unanimous decision. It will be a landside 'yes'," ani ni Connor. Bahagya nitong hinahaplos-haplos ang ulo ng kabayo nito.

"Iyon rin ang palagay ko," sang–ayon niya. Naupo na siya sa bangko. Ang cellphone niya ay ipinatong niya sa ibabaw ng mesa. Parang magnet iyon na hinihigop ang kanyang mga mata. "At honestly, pabor din ako sa plano. Iisang pamilya lang naman tayo. At tsaka, hello, hindi naman uso sa atin ang greediness. So, tuloy na tuloy na ang pagkakaroon ng Valencia Group of Companies."

"The building of an empire, indeed," pagsang-ayon ng kanyang pinsan. Pagkatapos niyon ay tinungo nito ang tanim na pakwan. Namili at kumilatis sa mga bunga niyon. Dinampot ni Connor ang isang bunga na kasinglaki ng bola. Pinitik nito ang balat niyon at pinakinggan ang tunog. Jacob smiled. Natutunan na rin ni Connor ang technique para malaman kung hinog o hindi ang pakwan. Marahil ay nakuntento sa tunog, pinitas ni Connor ang pakwan at dinala sa mesa. Naglabas ito ng jungle knife na nasa boots nito at hiniwa ang pakwan. "Tawagan mo na kasi."

"Huh?" clueless na tanong ni Jacob. "Tawagan sino?"

"Si Blaire. Sa palagay mo ay hindi ko napapansin na kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo? Si Blaire, ano?"

"Yeah, but---how did you know it's Blaire?" Pumalatak siya. "Megan. Of course, sasabihin sa 'yo ng kapatid mo." Natawa si Connor. Sinimulan nilang kainin ang pakwan. "In fairness, magaling ka ng pumili ngayon ha. Matamis ito."

"Iniiba mo ang usapan," akusa nito. Kinuha nito ang isang buto ng pakwan at ipinitik sa kanya, katulad ng mga ginagawa nila noong mga bata pa sila. Nailagan naman niya iyon. "Wala namang sinabi si Meg kundi 'yong incident na nahuli mo nga daw si Paul. Actually, hinuhuli lang kita. Hindi ako sure kung si Blaire nga ang umuukupa sa isip mo."

"I'm worried about her. Dalawa at kalahating araw na siyang nasa Baguio pero wala pa akong balita sa kanya."

"Why not call her? Ini-expect mo ba na siya ang dapat na tatawag sa 'yo at magbibigay ng update? Hmm. Naaalala mo 'yong larong Truth Or Dare natin noon?"

Jacob wanted to roll his eyes. "Hindi na mabilang kung ilang Truth Or Dare ang nilaro natin. Pero mukhang alam ko kung aling particular na laro ang pinupunto mo."

Ngumisi si Connor. At hindi nga siya nagkamali ng sapantaha kung ano ang nais tumbukin ng pinsan. "Yeah? Care to refresh my memory?"

Nangingiting umiling-iling si Jacob.

"Come on! Indulge me," tudyo nito.

"All right!" pagsuko niya. "In that particular game, you were the master---ang magtatanong o mag-uutos. Tumapat sa akin ang bote. Dahil kilabot ka sa mga iniuutos mo alam ko na pahihirapan mo ako kapag Dare ang pinili ko, kaya pinili ko ang Truth. So you asked me if..."

"If you had a crush on Blaire," salo ni Connor. "I should know. Sa tuwing inaasar mo si Blaire, nakikita ko ang kakaibang kislap ng mga mata mo. You were doing it not because you were bullying her but because she makes you happy."

Hindi napigilan ni Jacob ang pagngiti sa alaalang iyon. "Kailangan kong magsabi ng totoo, so I said yes. Well, it's the truth. I really had a crush on Blaire then."

"Pero bakit nga ba hindi mo siya niligawan noon?"

Nagplano siya, actually. In fact naroon siya sa eskuwelahan para batiin si Blaire sa pagtatapos nito at para humingi ng paumanhin sa mga pang-aasar niya rito noon. Pero ang naghuhumiyaw sa saya na si Paul ang eksenang nakita niya. Hindi na siya lumapit. The next thing he knew Blaire is already in Manila. Hindi niya tinangkang sundan ang dalaga. And as the days go by, nawala na rin ito sa isip niya. Noong dalhan niya ito ng kape at doughnuts sa opisina nito at muling makita ito pagkaraan ng mahigit dalawang taon, Jacob was taken aback at how rugged his heart beats were. He knew then that he was in trouble. Na kung nagawa niyang mabalewala ang pagka-crush niya noon sa dalaga, sa pagkakataong ito ay magiging napakahirap balewalain ang bagong damdamin na iyon. It was more powerful than mere crush. Iyon ang klase ng damdamin na mapang-alipin at hindi titigil hangga't hindi nasusunod ang gusto. Iyon ang damdamin na patuloy na lumalago sa bawat pagdaan ng araw. It was love.

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon