Part 3

12.7K 206 2
                                    


HINAPLOS- haplos ni Blaire ang kanyang batok. Sinulyapan niya ang wall clock. It was seven in the evening. Hapon na ng makapagkonsentra siya sa pagtatrabaho kaya naman itinuloy-tuloy na niya. Kailangang matapos ang financial reports na ginagawa niya bago bumalik ang kuya niya.

"Blaire," pagtawag sa pangalan niya kasabay ng ilang katok sa pinto. Si Mang Justo iyon ang guwardiya ng building. Bagama't payapa naman sa lugar nila ay may mga establisiyemto na rin naman na nag-e-empleyo ng mga guwardiya katulad nila. Kapag ganoong nag-o-overtime siya ay mahigpit ang bilin ng kuya niya kay Mang Justo na kada oras ay i-check siya.

Tumayo siya at binuksan ang pinto. "Okay lang ho---"Hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil agad tumuon ang kanyang atensiyon sa lalaking kasama ng guwardiya. Si Jacob Valencia. Dalawang taon na ang nakakaraan mula ng huli niyang makita ang lalaking ito. Iyon ay noong grumadweyt siya ng kolehiyo at lumuwas ng Maynila para magpakadalubhasa at magtrabaho na rin. Ayaw man niyang aminin pero tila lalong gumuwapo ang lalaking ito. He looks manlier because of his tan. "Ikaw?! What are you doing here?!"

Itinaas ni Jacob ang bitbit nito na kahon ng doughnuts at take out coffee cups. Malawak ang pagkakangiti nito. At taglay pa rin ng binata ang pilyong kislap ng mga mata. His nose were prouder. Ang buhok ay aalon-alon pa rin. "Mukhang mag-o-overtime ka. Dinalhan kita ng---"

"Meron din niyan dito," asik niya. Hindi mapigilan ni Blaire ang sarili sa palihim pa ring pag-aanalisa sa kanyang unwanted guest. Nakasuot ito ng kulay asul na polo shirt at pantalong maong. He's only twenty five years old pero maganda na ang hulma ng batak na katawan. Ang muscles nito at magandang pangangatawan ay tila inaalagaan sa gym. Blaire knew better. Alam niyang hindi iyon nakuha sa paggi-gym. She was aware na mas gusto ni Jacob ang pag-aasyenda. Noon ay hindi iilang beses na nakita niya itong tumutulong sa mga trabahador sa pag-aani ng prutas at kung ano-ano pa. Hindi nito gusto ang pag-oospisina at pag-upo sa mga executive chairs. Ayon kay Meg, mas gusto ni Jacob na ginagamit ang katawan sa pagtatrabaho. No wonder he was physically fit, manlier, and...did she already pointed out that he's more handsome?

"Sige ho, Mang Justo, ako na ho ang bahala rito," baling ni Jacob sa guwardiya.

Her lips parted in disbelief nang agad tumalilis ang guwardiya. Hindi ba at nasa kanila ang loyalty nito? Dapat ay alam nito na mainit ang dugo niya sa lalaking ito at hindi ito dapat iwan roon kasama niya. Dapat ka pa bang magtaka, Blaire? Lahat ng mga tao sa bayang ito ay sumusunod sa isang Valencia, anang isip niya. And Blaire knew it was all because of respect. Bukod sa batid ng mga ito na mabubuti ang mga Valencia, alam din niya na noong unang panahon, bago pa magdeklara si Marcos ng dictatorship ay libreng ipinamigay ng mga Valencia ang lupa ng mga ito sa mga kababayan. Maliban sa lupaing sakop ng Hacienda Catalina. So, yeah, the Valencias are quite a hero. Tumatanaw ng utang na loob ang mga tao sa mga ito.

Pumasok si Jacob sa opisina ni Blaire. Tinungo nito ang lugar kung saan siya tumatanggap ng tao, mapabisita man o mapanegosyo. There was a set of sofa there. Inilapag nito ang mga dala sa mesita bago pasalampak na naupo sa isang settee. The nerve of this man. Akala mo kaibigan niya ito kung makaasta. But then, hindi mapigilang punahin ni Blaire na tila sumikip ang silid na iyon, pinuno ng presensiya ni Jacob. He was like a king, hindi sa asta kundi sa aura nito.

"Bakit ka ba narito?" Humalukipkip siya at sumandal sa gilid ng desk niya. "You are not welcome here."

"Aw," he said. Tumayo din naman agad ito at inilibot ang paningin sa kabuuan ng opisina. "Nice place, huh." Simula ng itake-over niya ang accounting department ng kanilang negosyo apat na buwan na ang nakakaraan, iyon ang unang pagkakataon na naligaw doon si Jacob. Dinampot ni Jacob ang coffee cup, nilapitan siya nito, pagkatapos ay inilagay iyon sa palad niya.

"Ano ba," angil niya. Napilitan naman siyang hawakan ang coffee cup dahil baka bitiwan iyon ng binata at matapunan pa siya.

Nginisihan siya ni Jacob. "Drink it," utos nito. "Binilhan din kita ng doughnuts. Sa mga pagkakataong magkasama kayo noon ni Meg, lagi kong nakikita na doughnuts ang gusto mong kapartner ng kape."

"Yeah, paborito ko talaga ang kumbinasyon niyon. Pero kung galing sa 'yo, sa palagay mo makakain ko iyan?" Sinimangutan niya ito. Ito lamang ang nag-iisang Valencia na kinaiinisan niya. Mainit ang dugo niya rito. Iyon ay dahil madalas siya nitong pagkatuwaan at inisin noon. He's like a bully. Sa kanya nga lang ito ganoon. Malakas itong humahalakhak kapag napipikon siya nito. At---napansin ni Blaire na mapanuri ang tingin ni Jacob sa kanya. "What?"

"When was the last time we see each other?" tanong ni Jacob, bahagyang kunot ang noo. It was as if he had seen her for the first time. Ang mga mata ng binata ay tila ba nalilito. There were questions lurking in it.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" muling angil niya. Mula sa pagkakaupo ng bahagya sa gilid ng desk niya ay lumigid siya sa likuran ng desk at naupo sa executive chair niya. It was an act of evasion. Hindi kasi niya matagalan ang mapanuring titig nito. Para siyang inilagay sa ilalim ng microscope at masusing sinusuri nito kung anong klaseng nilalang siya. Kung tama ang pagkakatanda niya ay dalawang taon na ang nakakaraan ng huli silang magkita nito. Pagka graduate niya noon ng kolehiya ay lumuwas siya ng Maynila. Nagmasters siya at nagtrabaho rin sa kumpanya ng Tita niya. Noong bumalik siya apat na buwan na ang nakakaraan, ginusto niyang patunayan ang kakayahan niya kaya natutok siya sa pagtatrabaho. In fact, inuukupa niya ang isa sa limang apartment sa third floor. Bihira na siyang makalabas ng building. Kapag weekends naman ay nasa farm siya. Ngayon rin lang niya napagtanto na malumbay pala ang social life niya nitong nakaraang mga buwan.

"Well, gusto mong maging honest ako?" Naupo si Jacob sa silyang nasa harap ng desk niya. Dinampot nito ang lapis niya at tila tila stick ng drums na itinambol-tambol iyon sa ibabaw ng mesa. And then he looks at her intensely. Hindi magawang salubungin ni Blaire ang titig na iyon dahil nagdudulot iyon ng wala sa ritmong pagkabog ng kanyang dibdib. Naaalala pa ni Blaire noong college days kung papaanong kiligin ang female population sa kanilang eskuwela kapag may isang Valencia na naliligaw roon, may asawa man o wala. They---The Valencias---are quite a celebrity. Papaano, aminado rin naman siya na guwapo at magaganda ang mga ito. Para bang isa ang lahi ng mga ito na masyadong mahal ng Diyos kaya pinagkalooban Niya ng napakagandang genes. "You look like a woman. A very beautiful one."

Muntikan nang mabulunan si Blaire sa narinig. "I am a woman! Ikaw lang naman ang nag-iisip na tomboy ako!" asik niya. Right. Iyon ang dahilan kung bakit mainit ang dugo niya rito. Madalas nitong pagkatuwaan ang kilos niya na aminado naman siyang may katigasan. Madalas nitong pagkatuwaan ang mga jeans at loose shirts na paborito niyang outfit noon. Lagi nitong pinag-iinitan ang maiksing tabas ng buhok niya. Madalas tuloy, kapag nakikita niya ito noon na may kausap at nagtatawanan ang mga ito, pakiramdam niya ay siya ang paksa ng mga ito. Batid niya na napakalayo ng hitsura niya noon sa hitusra niya ngayon.

"Ako lang ba?" agad na ganti naman ng binata. "Ang kuya mo kaya ang nagsabi sa akin na baka tipo mo daw si Megan."

Napatayo si Blaire. Parang umalsa ang lahat ng dugo niya. "Ano 'kamo? Tipo ko si Megan? As in type ko siya? May gusto ako sa kanya?" sunod-sunod na tanong niya. Kinilabutan siya. "Are you serious?!" nahihindik na tanong niya. Hindi pa talaga sumablay kahit minsan ang lalaking ito para pikunin siya. At kapag namumula na siya sa pagkapikon tsaka naman ito hihingi ng paumanhin. Yeah. Nagso-sorry naman ito. Pero paano ba niya tatanggapin ang sorry nito kung halos magluha ang mga mata nito sa katatawa sa kanya?

Jacob laugh aloud. "Iyon ang iniisip ng lahat. Megan's like a doll with her dresses and accessories and shoes... Tapos ikaw, ang porma mo, jeans and shirts and rubber shoes and short hair." Muli itong humalakhak. "Seriously, hindi ka aware na ganoon ang iniisip sa 'yo ng tao?"

Hindi na maipinta ang mukha ang Blaire. Bahagya siyang tumayo at dumukwang para sana paluin ang braso ng binata. Pero nahuli ni Jacob ang palad niya. And then his laughters were gone. Nag-ugnay ang mga mata nila. Pakiramdam ni Blaire ay umalon ang sikmura niya. But the feeling was far from being sick. Hindi pamilyar sa kanya ang pakiramdam na iyon. Pagkatapos ay bigla siyang nakarinig ng drum na tila mabagal na tinatambol. Was it the rush of the blood at the back of her ears or was it the beating of her heart? Pakiramdam ni Blaire ay nanunuyo ang lalamunan niya. And yet, hindi niya magawang magbawi ng paningin.

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon