"WHAT the hell was that?" pagsita ni Blaire kay Jacob, mahina ngunit mariin ang kanyang tinig.
Nakaalis na noon ang kanyang mga magulang. Masyado niyang kilala ang kanyang mga magulang para malaman na sa kabila ng pagkasorpresa ng mga ito ay tunay na masaya ang mga ito para sa kanya. Why, kung may tinatawag na Marcos loyalist, mayroon ding fanatic ang mga Valencia. Kabilang na roon ang kanyang mga magulang, bagama't subtle ang mga ito. Lalo pang tumaas ang paghanga ng mga magulang niya noong magpunta-punta na sa kanila si Jacob at masaksihan ng mga ito na tunay na mababa ang loob ng binata. She was in deep trouble. Hindi maglalaon at kakalat na ang balita na magboyfriend sila ni Jacob. Oh, for sure her mother will be too proud to brag about it. Ang mga kakilala at kaibigan niya ay siguradong tatawag at babati, magtatanong ng tungkol kay Jacob. Ano ang sasabihin niya? Ah, sumasakit ang ulo niya. Isang kumplikadong bagay ang sitwasyong ito.
"Blaire, listen---"
"Tumutunog ang cellphone mo," putol niya rito.
"Oh," bulalas nito, bahagyang frustrated. "Huwag mong intindihin. Mas importanteng makapag-usap tayo kesa sa pagsagot sa telepono."
Tumigil sa pagri-ring ang telepono pero agad din iyong tumunog. "S-sagutin mo na. Papaano tayo makakapg-usap kung makukulili ang tainga natin sa tunog niyan."
Jake grunted. "I'll switch it off," kinuha nito ang telepono mula sa bulsa ng jacket. Marahil ay nasulyapan ang pangalan ng tumatawag, nagpa-excuse sa kanya ang binata para sagutin ang tawag. Mariing ikinapit ng binata ang kaliwang palad sa baywang nito habang dinadala sa taynga ang telepono. "Mang Gusting..." Nakinig ito sa sinabi ng kausap. Then his eyes grew big. "Ho?...Saang hospital? Sige, sige. Papunta na ho ako. Salamat." Binalingan siya nito. "Blaire, kailangan kong pumunta sa MMG Hospital ngayon."
"Anong nangyari?" tanong niya, nag-aalala.
"Isa sa mga tauhan ko ang grabe ang lagay. Nagwala daw iyong isang kabayo. Pupunta ako hospital." Hinawakan nito ang kamay niya. "Puwede bang ipagpabukas na lang natin ang pag-uusap natin? Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nasisiguro na maayos ang lagay ni Fredo. Or, I'll be back later."
Tumango siya. "Go ahead," aniya. Ang pag-aalala sa mukha nito para sa tauhan ay hindi paimbabaw. That was one of the many things about the Valencias, itinuturing ng mga ito na kapamilya ang lahat ng nagtatrabaho para sa mga ito. Alam niya, dahil hindi iyon ang sabi ng mga tiyuhin niya na dating nagtatrabaho para sa mga ito.
Hinawakan ng binata ang baba niya. Ang mga mata nito ay saglit na nagpakasawa sa pagtitig sa mukha niya. Ang klase ng titig na nagpapalipad sa mga paru-paro sa kanyang sikmura at humahaplos sa kanyang puso. "I'll see you later and I'll make everything all right, okay?" Tumango siya. Dinampian ni Jake ng halik ang noo niya pagkatapos niyon ay tuloy-tuloy na itong umalis.
MAAGANG gumising si Blaire kinabukasan para maghanda at tumungo sa hospital. Hindi nakabalik si Jacob kagabi tulad ng pangako nito. Ganoon pa man ay tumawag naman sa kanya si Jake at nagbalita ng sitwasyon. Kaya ngayon ay pupunta siya roon dahil gusto niyang bigyan ng moral support ang binata. He was a very responsible man. Hangga't kailangan ito ng mga anak ni Fredo at hindi nagiging stable ang lagay ng biktima ay hindi ito aalis roon.
Her phone rang. Si Meg ang tumatawag. "Meg. Good morning," pagsagot niya.
"Good morning. Sorry sa pang-aabala ng ganitong oras. Ahm, I assume na alam mo na ang balita? I mean, tungkol sa tauhan ni Jake?"
"Oo. Actually, nandito siya noong malaman niya ang balita kahapon. He rushed to the hospital as soon as he received the news," aniya.
"Hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon."
"Hindi pa? T-tumawag sa akin si Jake kagabi, malubha daw ang lagay ni Mang Fredo at hindi niya maiwanan ang mga anak ng biktima na maliliit pa umano." Ang asawa ng biktima ay nasa ibang bansa umano ayon kay Jacob.
"Yeah. Well..." Tumikhim si Meg. "Blaire, ano... noon kasing nasa California pa si Jake, nangyari na rin ito. Isa sa mga tauhan ang napahamak...at...at binawian ng buhay. Jake felt devastated then. Na-guilty siya masyado kasi kabayo niya ang involved. And it's happening again." Blaire was shocked. Kaya pala ganoon na lang kataranta ang binata. Kung ganoon ay higit na kailangan ngayon ng binata ng moral support.
"A-actually papunta nga ako sa hospital ngayon. I thought Jake could use some moral support. B-bakit sinasabi mo sa akin ang bagay na ito?" naitanong niya.
"Why not? You're his girlfriend!" Napasinghap si Blaire. Kanino nito nalaman? "Oh, sorry...hindi pa nga pala kayo nakakapag announce ng pormal. Tumawag ako kay Tita Milagros kagabi and she excitedly spilled the beans. Kagabi mo lang daw sinagot ang pinsan ko." Napangiwi siya. Sabi na nga ba at hindi mag-a-aksaya ang nanay niya na ipagkalat ang balita. Hindi naman siguro nito isasama sa kuwento ang tungkol sa eksena ng halik. "Congratulations, Blaire. I'm too happy for both of you, cousin in law!" Cousin in law? Muntikan ng mabulunan ang dalaga. Pero aaminin niya na tila nagpapandanggo sa ilaw ang kanyang puso, kinikilig sa pantasyang sila nga ni Jacob. Gusto tuloy niyang bumirit ng kantang: Bakit 'di na lang totohanin ang lahat?
She smiled. She isn't confused anymore. In fact she already made an assumption, big assumption. Na baka may gusto sa kanya ang binata. Ah, kailangan niyang marinig ang kumpirmasyon.
Okay, aamin na rin siya. Mahal niya si Jacob.

BINABASA MO ANG
Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)
RomansaJacob Valencia's story