Part 10

9.1K 171 0
                                    


GISING na kaya siya? Ani Jacob habang nakadikit ang tainga sa pinto ng silid ni Blaire at pinakikiramdaman kung may palatandaan ng paggalaw mula sa loob. Hapon na at nag-aalala siya sa dalaga. Kape at tinapay lang ang laman ng tiyan nito kaninang umaga, pagkatapos ay alak na. Dapat ba niyang gisingin ang dalaga para pakainin o pahigupin man lang ng mainit na sabaw?

Wala siyang naririnig na yabag mula sa loob. Ipinasya ni Jacob na silipin ang dalaga. Maingat niyang pinihit ang seradura ng pinto at dahan-dahang itinulak ang dahon ng pinto. Parang dinaklot ng kamay na bakal ang puso niya nang makita niya si Blaire na nakaupo sa ibabaw ng kama, yakap ang mga binti at nakatuon ang noo sa magkadikit na mga tuhod. He was sure she was awake. Sigurado rin siya na tahimik itong lumuluha. "Blaire..." malumanay na tawag niya. "Gigisingin sana kita para kumain. Masakit ba ang ulo mo? Hang-over, I mean. May gamot doon na p'wede mong inumin, makakatulong iyon para mawala ang sakit ng ulo mo." Hindi malaman ni Jacob kung lalapitan ba niya ang dalaga o ano. But damn it, gustong-gusto niya itong ikulong sa mga bisig niya at aluin. Gusto niyang paulit-ulit na i-assure ang dalaga na magiging maayos din ang lahat.

Nag-angat ng ulo si Blaire. "Shit!" mahina niyang mura nang makita ang mukha ng dalaga na naglulunoy sa luha. Jacob gritted his teeth. Damn that Paul. Huwag lang mangyari na ang pinagtatrabahuhan ng lalaking iyon ay may koneksiyon sa alinmang negosyo ng sino mang pinsan niya because he'll make him suffer. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao, so hard he wanted to punch it on something hard. Kahit unfair, igaganti niya si Blaire.

"C-come here," basag ang boses na usal ni Blaire. Kinalma ni Jacob ang sarili. Lumapit siya sa kama at naupo sa gilid niyon. He couldn't look at her face. Pilit umukilkil sa gunita niya ang luhaang mukha nito. Umusog naman si Blaire. "P-pahiram uli ng balikat mo..." garalgal na wika nito habang itinutuon ang noo sa kanyang balikat. "P-paiyak uli sa balikat mo."

Oh, God! Napapikit ang binata ng maramdaman niya ang mainit na patak ng luha ng dalaga na bumasa sa kanyang damit at agad nanuot sa kanyang balikat. Tahimik lang umiiyak ang dalaga. Hanggang sa magkaroon iyon ng boses at muli ay mauwi sa paghagulhol. It breaks his heart. Pakiramdam niya ay siya ang nasasaktan ng sandaling iyon. Bumuga siya ng hangin bago marahang hinaplos ang buhok nito.

"Tama na, Blaire," nagpipigil ng galit na bulong niya. "He doesn't deserve your tears."

"B-bukas hindi na ako iiyak. Promise. H-hindi ko na siya iiyakan. Last na 'to, Jake. Kaya hayaan mo na ako..." humihikbing sabi nito. "One last cry. Just one last cry..."

Bawat patak ng mainit na luha na bumabasa sa damit niya, bawat hikbi ng dalaga ay nagpapasikip sa dibdib ni Jacob. Ah, kung p'wede lamang na siya na lamang ang nasasaktan at umaako sa lahat ng sakit at sama ng loob na dinaranas ng dalaga, gagawin niya. Subalit wala siyang magawa kundi hagurin lamang ang buhok at likod nito, umaasang sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang dinadalang sakit ng dalaga. Ilang minuto pa ang lumipas at naramdaman niya ang pagbigat ng balikat niya at ang marahang paghinga ng dalaga. Mukhang nakatulog na naman ito sa balikat niya. Maingat na inihiga niya ang dalaga sa kama at kinumutan ito.

Muling nagpakawala ng buntong-hininga ang binata bago masuyong tinuyo ang magkabilang pisngi ng dalaga. Hindi napigilan ni Jacob ang kanyang sarili, tulad kanina nang una itong makatulog sa balikat niya at ilipat sa kama, hinagkan niya ang noo ng dalaga. Ilang sandali pa muna niyang pinagmasdan ang dalaga bago nilisan ang silid na iyon. Funny, Blaire is hurting and he...he is on the verge of falling in love. With Blaire.

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon