"SIGURADO ka ba diyan, Kuya Jake?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Megan kay Jacob. Hindi pa rin matahimik si Megan kaya kinausap siya nito at pinakiusapan na huwag na niyang asarin ang kaibigan nito. It was early in the morning. Nasa manggahan siya noon at binibisita ang mga puno ng manga na hitik sa bulaklak. Dahil makulit si Megan, napilitan si Jacob na sabihin sa pinsan ang totoong pakay niya kung bakit nais niyang makausap si Blaire.
"Yeah." Tinapik niya ang kanyang kabayo at marahang pinalakad iyon. Si Megan na nakasakay rin sa kabayo nito ay umagapay sa kanya. "Kaya nga, tinawagan kita last week 'di ba? Tinanong kita kung sila pa ba ni Paul. You said yes."
"But..." nalilitong usal ni Megan. "How can you be so sure that it was him? Ilang beses
mo lang nakita si Paul. And...how come nakilala mo agad siya?"
"Actually, hindi si Paul ang una kong nakilala kundi ang kasama niya. It's Juliet."
Nanlaki ang mga mata ni Megan. "Juliet, your ex?"
Tumango si Jacob. "Wala ng iba. Ang totoo ay inisip ko pa kung kakilala ba ang lalaking iyon dahil tila pamilyar. Hanggang sa pumasok na sa isip ko na siya ang boyfriend ni Blaire."
"I can't believe this," bulalas ni Megan na may pagkumpas pa ng mga palad.
"I know right. So, Meg, I think it is best kung ikaw na ang kakausap sa kanya. Since kayo naman talaga ang magkaibigan."
"What? How am I supposed to tell her that her boyfriend is cheating on her?" ani ni Megan. Iyon ang bagay na gusto niyang sabihin kay Blaire na pinagtataksilan ito ng boyfriend nito. He saw it on his own eyes. Sa isang mall sa Maynila, noong bumibili siya ng pasalubong ay nakita niya si Juliet na may kahalikang iba. At ang klase ng halik na pinagsasaluhan ng dalawa ay nagpapahiwatig ng kung anong relasyon meron ang dalawa. The guy seemed familiar. Hanggang sa makilala niya na iyon si Paul. Suddenly, naisip niya si Blaire. Tinawagan niya si Meg at tinanong kung magboyfriend pa ba sina Paul at Blaire. Megan said yes. Kaya naisip niya na dapat niyang makausap si Blaire at sabihin dito ang nakita niya.
"Exactly. Hindi ganoon kadali na sabihin sa kaibigan mo na pinagtataksilan siya ng boyfriend niya." Nagngingitngit na sabi niya. He felt protective towards Blaire. Bumaba siya sa kabayo nang marating nila ang parte na may mga damo. Hinayaan niyang manginain iyon roon. Inalalayan din niyang makababa ang pinsan pagkatapos ay nakahalukipkip na sumandal siya sa isang puno.
"Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ni Paul. I've met him a few times at mukhang mabait naman. Isa pa, ang tagal niyang nanligaw kay Blaire. I'm going to call Blaire," anito at agad nailabas ang telepono. Jacob watched his cousin. "Blaire, good morning..." ani ni Megan. Si Jacob ay matamang nakikinig lamang. "Tungkol kay Kuya Jacob...Yeah, well, sinabi sa akin ni Kuya ang rason niya kung bakit gusto ka niyang makausap. Blaire, it's...it's important. Y-you should hear it..." Sumulyap si Megan kay Jacob. May paghihirap sa mga mata ng kanyang pinsan. Megan really cares for Blaire. "Actually gusto ni Kuya na ako na ang magsabi sa 'yo pero...I can't. I just can't. So please, pumayag ka ng mag-usap kayo ni Kuya mamaya, ha?...Yeah, magagarantiya ko sa 'yo na importante ito at dapat mo siyang pakinggan... Okay. Thanks."
"Ano'ng sabi niya?"
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Megan. "Payag na siya."
"Come with us. Tayong dalawa ang kumausap sa kanya."
Umiling si Megan. "Hindi ko gustong makita ang pagkabigo niya."
Hindi rin niya kayang makita ang pagkabigo ni Blaire. Napagtanto ni Jacob na mahirap ang gagawin niya. Pero kailangang malaman ni Blaire ang totoo. "What if hindi siya maniwala sa akin?"
"Hindi mo kilala si Blaire, Kuya. Kapag may sinabi ka sa kanya, maaaring hindi nga agad siya maniwala, pero mag-iimbistiga siya. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang totoo."
"But this will be her first heart break, right? Magiging mahirap ito sa kanya..." Jacob sighed. Nagkataon pa naman na nakatakdang umalis si Megan patungong London para katagpuin ang kuya nito na si Connor.
"Kuya Jake, please, be there for Blaire," mangiyak-ngiyak na pakiusap nito. "Bumawi ka sa kanya this time. Matagal mo rin siyang inasar-asar."
"Iyon nga ang balak kong gawin," pag-amin ng binata.
TILA lumundag ang puso ni Blaire nang tumunog ang doorbell ng apartment niya. Dapat ay uuwi siya kahapon sa farm nila at doon gugugulin ang weekends pero tumawag siya sa ina at inimporma niya na ngayong tanghali na lang siya uuwi. Dahil sa tawag ni Megan kaninang umaga ay napilitan siyang pumayag sa pag-uusap na sinasabi ni Jacob. Importante umano ang sasabihin nito and she should hear it. Malaki naman ang tiwala niya kay Megan kaya pumayag na rin siya. Well actually she was intrigue. Naiintriga siya sa kung ano ang importanteng ssasabihin ni Jacob.
Naulit ang pagtunog ng doorbell. Kinalma ni Blaire ang sarili bago tinungo ang pinto at binuksan iyon. Tulad ng inaasahan niya ay si Jacob nga ang nabungaran niya. At hindi maunawaan ni Blaire kung bakit tila gusto na naman ng mga mata niya na tumitig sa binata. "Hi..." anito, may alanganing ngiti sa mga labi. "May padalang pinya si Meg," itinuro nito ang isang batibot na puno ng mga hinog na pinya na nasa sahig. "Can I come in? Para maipasok ko."
Gustong kumunot ng noo ni Blaire. Bakit tila maamong tupa ito ngayon? Hindi katulad noong isang araw na animo hari ito na pumasok sa opisina niya. "Uhm, c-come in. Flight ngayon ni Megan, 'di ba?" gumilid siya at hinayaang ipasok ni Jacob ang kaing ng pinya. "Thanks."
"Yeah. Mamayang gabi. By this time nasa Maynila na si Meg. Uhm...are you ready?"
"Ha? Ah. Yeah, yeah." Tinungo ni Megan ang sofa at dinampot mula roon ang bag niya. Napakakaswal ng get up niya. Pantalong maong na fit at blouse lamang. Manipis na lipstick at pulbos lamang ang nasa mukha niya. She tied her hair in a pony tail. Simple pero sopistikada ang dating niya dahil sa high heels na suot niya. Halos ganoon din ang porma ni Jacob; pantalong maong at shirt rin ang suot nito.
Bumaba na sila sa hagdan ay patuloy pa ring nakikiramdam si Blaire sa ikinikilos ni Jacob. Nananahimik ito. "P'wede bang huwag ka ng magdala ng kotse, Blaire? Sa akin ka na lang sumabay."
"Ha? Ah. No. Magdadala ako ng sasakyan ko," pagtanggi ni Blaire. Nasa first floor na sila noon. Bumati ang pang-umagang guwardiya sa kanila. Binati rin nila ito. Lumabas sila ng establisiyemneto.
"Okay. Kung iyon ang gusto mo." Sumunod si Jacob kay Blaire nang tunguhin niya ang kinaroroonan ng sasakyan na iniregalo sa kanya ng Kuya Blake niya noong grumadweyt siya ng kolehiyo. Pinindot ni Blaire ang alarm ng susi para buksan ang sasakyan. Pagkatapos ay inabot niya ang door handle sa gawi ng driver's seat para buksan iyon nang pumatong sa likod ng palad niya ang palad ni Jacob. "Let me," anang boses ni Jacob. Tila napapaso na biglang binawi ni Blaire ang kanyang kamay. Jacob opened the door. "Nakapagpa-reserve na ako sa Florida's. Okay lang ba sa 'yo na doon tayo mananghalian at mag-usap?"
"Sige." Lumulan siya sa sasakyan. Isinuksok niya ang susi sa ignition at binuhay ang makina. Hindi nakalimutan ni Blaire na ikabit ang kanyang seatbelt. "Magkita na lang tayo roon."
"Good," isinara na nito ang pinto. Pagkatapos niyon ay tinungo nito ang sasakyan na katabi ng sa kanya. Blaire was still puzzled by Jacob's action. Ano kaya ang nakain ng lokong iyon at mukhang bumait?
BINABASA MO ANG
Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)
RomanceJacob Valencia's story