Part 6

10.1K 186 1
                                    


FLORIDA'S. Iyon ang isa sa sikat na kainan sa Naujan. Basically, iyon ay isang floating restaurant. Lumulutang sa malawak na man-made lake ang mga bahay-kubo kung saan kumakain ang mga diner. Ang pinakaatraksiyon roon ay ang mga isdang Koi na malinaw na nakikita sa man-made lake. Inuukopa na nila ni Jacob ang isa sa mga bahay-kubo at naihain na rin agad ang mga pagkain sa malawak na mesa.

"Uhm. Shall we eat?" ani ni Jacob.

"Okay." Pulos seafoods ang inihahain roon at kahinaan ni Blaire ang lahat ng klase ng seafoods lalo na ang mga sugpo. Isa pa ay oras na rin ng tanghalian at nagugutom na talaga siya. Kung nag-e-expect si Jacob na mangingimi siyang kumain sa harap nito ay nagkakamali ito. "Galit-galit muna tayo. Mamaya na kita uusisain sa sasabihin mo daw?" Itinabi niya ang mga kubyertos bago tumayo siya saglit at tinungo ang gripo. Naghugas siya ng mga kamay dahil magkakamay siya. Mas masarap kumain ng seafoods kapag nakakamay.

Naghugas din ng kamay si Jacob. "Hindi ko rin naman sasabihin hangga't hindi ka nakakakain," anito.

"This is heaven," bulalas niya habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakalatag sa mahabang dahon ng saging.

"Uhm, Blaire?" tawag-pansin nito sa kanya habang bumabalik na rin ito sa upuan nito.

Nagsimula na siyang maglagay ng pagkain sa plato niya. "What?"

"Is it too late to apologize? Sa mga pang-aasar ko noon..."

Natigilan si Blaire. Humihingi ito ng paumanhin sa kanya? "Nilalagnat ka ba?"

"Blaire Sebastian...I'm sorry," anito sa malumanay at seryosong tinig.

Naging malikot ang mga mata ni Blaire. Hindi niya malaman kung papaano sasagutin ang kaseryosuhan na iyon ng binata. Nagdudulot iyon ng kaba sa kanyang dibdib. Parang gusto pa nga niyang kilabutan. "Ewan ko sa 'yo. Kumain na nga lang tayo." Ano ba kasing problema ng lokong ito?

"Here."

Inilagay ni Jacob sa plato niya ang binalatang sugpo. "Huwag mo nga akong ipagbalat," asik niya. "Hindi tayo close."

To her astonishment, isang makahuluhang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Ang masaklap, para siyang namamagneto sa ngiting iyon. Hindi. Hindi lamang sa ngiti nito kundi sa buong mukha nito. Parang gusto niyang mapabuntonghininga habang nakatitig roon. Get a grip, Blaire! sita niya sa sarili. Ano ba ang sumasanib sa kanya at mukhang hinihigop ng lalaking ito ang kanyang atensiyon? Okay, he's handsome. She's aware of that. Well-aware of that. Pero hindi ba, immune siya sa charms nito? "Magiging close din tayo."

"That will never ever happen," agad na tugon niya. Mabuti na lang at agad rumehistro sa pandinig niya ang sinabi nito kung hindi ay mahuhuli nito na naglalakbay ang kanyang isipan.

"Sigurado ka?" tanong naman ni Jacob, may paghamon sa mga mata. "Wanna bet?" Patuloy itong nagbalat ng sugpo at inilalagay sa plato niya. Ngingiti-ngiti ito. Blaire couldn't deny how charming this man is. Hindi siya sigurado kung may girlfriend ito sa kasalukuyan.

"Jacob! Stop, okay?"

"Okay. Now eat."

"SO, ano ang sasabihin mo?" tanong ni Blaire. Nakatalikod sa kanya ang binata at inuusisa ang isang fern. Nasa orchidarium na sila noon ng Florida's, naglalakad-lakad para pababain ang mga kinain nila. Tunay na nabusog si Blaire sa pananghalian na iyon. Kasama ang orchidarium sa pang-akit ng Florida's. Isa iyong malawak na greenhouse na puno ng iba't-ibang klase ng orchids at hanging plants.

"Well..."

Naghintay si Blaire pero hindi nadugtungan ang sinabi ni Jacob. Ni hindi ito humaharap sa kanya. "Jacob, may sasabihin ka ba o ano? Look. Uuwi pa ako sa farm, okay? Kung wala ka rin lang sasabihin, mas mabuti pang---"

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon