Part 20

9.1K 173 0
                                    

"ANG DAYA mo, hindi mo na ako tinatawagan," panunumbat ng pinsan niya na si Bella. Napangiwi naman si Blaire dahil aminado siya na hindi na nga niya natatawagan ang pinsan.

"It means hindi ako problematic," kunwa ay natatawang sabi niya. Gabi na niyon. She was on her unit.

"Aba at shoulder to cry on lang pala ang peg ko. Well not literally, malayo ako eh," humagikhik ito. "Magkuwento ka."

"Anong ikukuwento ko?" nakangusong gagad niya.

"Well, let me see. Ayon kay Tita Milagros, your mother dear, madalas daw sa farm si..." sinadya nitong ibitin ang pangalan. Pero alam ni Blaire kung sino eksakto ang tinutukoy nito. "Hmm. No wonder, mabilis kang nakarecover," tukso pa nito.

Sumimangot si Blaire. Ayon nga at pagkatapos akong hagkan, hindi na nagpakita. Pa-miss lang?! "Hindi naman interesdo sa akin, 'yon," hindi niya maitago ang pagmamaktol. And Bella noticed it and she laughs so hard. "Bella naman," saway niya. Pagkuwa'y tumikhim siya. "May tanong ako...k-kung...kung may humalik sa 'yo at nagustuhan mo ang halik na iyon, what does it mean?"

"Hm---m," eksaheradong pinahaba nito iyon. "Ano 'yan, hypothetical question uli?" walang duda na nanunudyo ito.

Nangalumbaba siya. "Okay, para matahimik ka, sige na. It's not a hypothetical question. Someone kissed me and I like it. Iniisip ko ang halik at ang humalik. I mean..."

"I know, I know what you mean," humagikhik ang pinsan niya. "Five words dear. May. Gusto. Ka. Sa. Kanya." Suminghap siya. Her eyes grew big and her lips parted in disbelief. Na para bang sa buong buhay niya ay noon lamang niya narinig ang mga salitang iyon. Sinikap niyang tumugon, pero hindi nakikisama ang boses niya. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang tainga ang sinabi ng pinsan. "Shit, Blaire. Namimilipit ako sa kilig ngayon. Parang alam ko na kung sino ang humalik sa 'yo!" tili ng pinsan niya.

Pagkuwa'y narinig niya ang warning ng isa pang papasok na tawag. "S-sandali, may incoming call..." Agad niyang tiningnan kung sino ang tumatawag. She blinked twice, sinisiguro kung tamang pangalan ang nababasa niya. "Uhm, Bella, tatawagan kita mamaya, ha. Bye." Natataranta, Blaire? Tukso ng isip niya. Tumikhim siya bago tinanggap ang tawag ni Jacob.

"Open the door," agad na sabi nito, nag-uutos.

"Door?" Napatingin siya sa pinto niya. Nasa labas ba ng pinto niya si Jacob? Eh bakit hindi na lang ito kumatok?

"Yes, your door," tila nabubugnot na wika nito.

My door. Yes, my door. Naroon nga sa labas ang loko. Blaire examined herself. Okay kaya ang itsura niya? Presentable kaya? Hindi kaya magulo ang buhok niya? Baka naman oily na ang ilong niya at---Blaire, Blaire, calm down! Si Jacob lang 'yan! "Iyon na nga eh, si Jacob nga eh," nakangiwi niyang sabi, kinakabahan. She knew she was acting like she was about to see her crush. May. Gusto. Ka. Sa. Kanya...anang pinsan niya na si Bella. Hanggang sa mapapitlag siya sa mga katok sa pinto. Bagama't mahina naman animo galit ang kumakatok.



BINUKSAN ni Blaire ang pinto. And there, nakita niya ang madilim na hitsura ni Jacob. Nakasuot ito ng jacket, maong, at boots. He looks so tired. Tuloy-tuloy itong pumasok at nilagpasan siya. "Hey, inimbitahan na ba kitang pumasok?" tanong niya para pagtakpan ang nerbiyos na nararamdaman.

"Bakit? May dapat ba akong hindi makita rito? Nandito ba siya?" Tiim nitong tanong. Napatanga siya sa binata. Pero bago siya makapag-react ay nagsalita na naman ito. "Makikipagkita ka ba uli kay Paul sa Sabado?" Nag-aakusa hindi lamang ang boses nito kundi maging ang mga mata na para bang may karapatan itong gawin at umakto ng ganoon. Ni hindi ito umuupo sa sofa. Pareho silang nakatayo sa pinakasala ng kanyang apartment.

"What?"

Namaywang si Jacob. He looked dangerous. "Sabi ni Meg niyaya ka niya na sumama sa kanya sa Sabado sa farm na nabili ko. Pero hindi ka daw available. Why? Dahil makikipag-date ka uli kay Paul?"

"Excuse me?" Naningkit ang mga mata niya. Ano ang karapatan nitong---natigilan siya. Tinitigan niya ang binata. He sounded and looked like a jealous boyfriend. Gustong mangiti ni Blaire. Gustong tumambling ng puso niya. Is it...is it okay to assume? That maybe, maybe Jake has a thing for her? Too? Yes, too! Dahil inaamin na niya sa sarili niya na may gusto nga siya kay Jacob. Sus! Ang haba bigla ng buhok ni Blaire! Sabi ng atri-bidang isip niya.

Sa wakas, naupo rin si Jake. Mukhang aburidong-aburido ito dahil isinubsob ang mukha sa mga palad at inihilamos iyon. Nakadama ng pag-aalala ang dalaga. Nilapitan niya ito. "Mukhang pagod na pagod---Ay!" Hinila siya ng binata paupo sa tabi nito. Hindi pa siya nakakabawi nang ikulong ni Jake sa mga palad nito ang kanyang mukha at hagkan siya. Her gasp of surprise was trapped in his mouth. Saglit lang ang pagkabigla ni Blaire. Gumalaw ang labi niya at sinabayan ang sayaw ng labi ng binata. Damn, how was it possible that his lips tastes sweeter and more intoxicating this time? Papaanong nangyari na---isang nasorpresang singhap ang pumasok sa pandinig niya....

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon