Part 23

9.7K 162 0
                                    


STABLE na ang kondisyon ni Mister Fredo Bondo. Sa kasalukuyan ay inaayos na ang recovery room na pagdadalhan sa kanya. It's room 201. Iyon ang sabi sa information desk nang makarating sa hospital si Blaire at magtanong. Mabuti na lang at kakilala niya ang staff kaya naging mapagbigay ito ng impormasyon. Umakyat na ng second floor ang dalaga para puntahan ang nasabing silid. Agad naman niya iyong nakita. Malawak na nakabukas ang parehong pinto na para bang nag-aabang sa paparating na stretcher. Nang sumilip siya sa loob ay wala siyang nakitang tao. Tinungo ni Blaire ang hallway at lumiko. Alam niyang prayer room ang naroon. Narating niya. May mga tao pero wala roon ang binata. Mabuti pang tawagan ko si Jake, aniya habang naglalakad. Kukunin na niya ang cellphone niya nang pagliko niya sa isang hallway ay makita ang smoking area. It was a balcony. Salaming dingding ang nagbubukod nang sa gayon ay hindi pumasok ang usok ng sigarilyo sa loob ng hospital.

At naroon ang binata, nakaupo sa isang bench na malapit sa railing kasama ang isa pang lalaki na dahil sa blonde na buhok ay nakilala agad niya na si Connor, ang pinsan ng binata na half-American. She knew it was Jake. Kayang-kaya niyang tukuyin ang binata kahit ihalo pa ito sa karamihan. Tinumbok ng mga paa niya ang kinaroroonan ng mga ito. Isang lalaki ang nauna sa kanya at nagtulak pabukas ng salaming pinto, bago iyon sumara ay nakapasok na rin siya. Tinungo ng lalaki ang dulo ng balcony. Nakita pa niya ng sulayapan ni Jake ang lalaki. She was about to approach Jake when she suddenly heard her name. Napatigil ang dalaga.

"Nag-usap na kayo ni Blaire?" ani ni Connor na tulad ng kapatid nito an si Megan ay matatas managalog. On instinct, tahimik na umatras si Blaire. Ang urge na mapakinggan at malaman ang involvement niya sa pag-uusap ng magpinsan ay malakas.

"Hindi pa. But damn it, Connor, it was so awkward. Ayon, ginawa ko ang sa palagay ko ay tama." Jacob sounded as though if he only had the power to turn back time, he would definitely do so. Nasaktan si Blaire. Jacob just saved her ass from further embarrassment.

"Parang anlaki ng problema mo kung makabuntong-hininga ka," natatawang puna ni Connor sa malalim na pagbuntong-hininga ng pinsan. Tinapik-tapik nito ang balikat ni Jake.

"I do," agad na tugon ni Jacob. "Hindi ko gusto ang nangyari. I mean, ikaw, gusto mo bang maging girlfriend ang isang babae because you were trapped? Sa ganoong sitwasyon, you're bound to do the honorable thing whether you like it or not."

Trapped. Iyon pala ang pakiramdam ni Jacob. Her heart ache. Awtomatic ang pagbukal ng luha sa kanyang mga mata. Ang bawat kasiyahang nadama niya kapag magkasama sila ng binata ay tila napalitan ng dobleng sakit.

"T-trapped? Well then c-consider yourself free," sabi niya sa tinig na pilit nagpapakatatag, pilit itinatago ang sakit. Mabilis siyang tumalikod at binuksan ang salaming pinto. "Blaire? Shit!" umabot pa ang mga salitang iyon sa kanyang pandinig bago siya tuluyang nakaalis. Malalaki at mabibilis ang mga hakbang ng dalaga na tila ba may tinatakasan siyang multo. "Blaire! Blaire, wait! Blaire!" Habang tumatakbo, pinapawi ng dalaga ang kanyang mga luha. Hindi naglaon at naramdaman niya ang mahigpit na paghawak sa kanyang braso.

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon