"DAMN that son of a bitch!" narinig ni Blaire na galit na usal ni Jacob. She was trembling. Walang patid ang pag-agos ng luha niya dahil hayon at nasaksihan mismo ng mga mata niya ang isang mapusok na halik sa pagitan ni Paul at ng isang babae. Alas otso ng umaga niyon. Ang pagpunta sana sa bahay ni Paul ang umpisa ng pagsubaybay nila rito subalit doon na rin pala matatapos ang pag-iimbistiga niya dahil naabutan niya na palabas ng bahay si Paul kaakbay nito ang isang babae. Halatang bumubulong sa tainga ng babae dahil panay ang hagikhik nito. Tinungo ng dalawa ang isang sasakyan na nakaparada sa bakuran. Isinandal ni Paul sa sasakyan ang babae at kinuyumos ng halik ang labi.
"T-tayo na," aniya. He harshly wipes her tears away. Parang hinahati sa dalawa ang puso niya. It was so painful. "What are you doing?" gilalas na tanong niya nang umakto si Jacob na bababa ng sasakyan.
"Tuturuan ng leksiyon ang dapat na turuan ng leksiyon," gigil na sabi nito.
"What? No." Hindi kasama sa plano niya ang pagkumpronta kay Paul. Pero hindi nagpapigil si Jacob. Agad itong nakalabas ng sasakyan. Bumaba din siya. Malalaki ang hakbang ni Jacob at animo susugod sa giyera. Hindi sila napapansin ng dalawa dahil tila lumalalim ang halikan ng mga ito. Walang bakod ang mga bahay sa subdibisyon na iyon kaya nakalapit sila. Hinablot ni Jacob ang mga balikat ni Paul. Iniharap ito at ni hindi nakahuma ng suntukin ito ni Jacob. Sadsad ito sa lupa at pumuslit ang dugo sa may ilong.
Tumili naman ang babae. "Jake? Stop! Stop it!" anito bago dinaluhan si Paul.
Nalito si Blaire. Kilala ng babae si Jacob?
"B-Blaire?" tila naman nakakita ng multo si Paul nang makita siya. Namutla ito. Dagling bumangon, binalewala ang babaeng dumadalo rito, at akmang lalapitan siya. "Blaire let me explain."
Pero ang kamao muli ni Jacob ang pumigil rito."Talk to my fist, you freak!"
Muling tumili ang babae. "Jake! Ano ba! Stop. Please stop!"
"Tama na, Jacob!" saway niya nang aktong susugod na naman ang binata. Walang panama si Paul kay Jacob. Office boy si Paul habang si Jacob ay batak ang katawan sa trabaho. Idagdag pa na prerequisite yata sa mga Valencia na matuto ng self defense bago payagang magsarili. Mabubugbog ito ng walang kalabanlaban. Hinawakan niya sa braso si Jacob at hinila paalis. Tumigil din naman siya sa paghakbang. Binalikan niya si Paul na noon ay nakatayo na sa tulong ng babae.
"Blaire, listen to me. Please---"
Tinipon niya ang lahat ng lakas niya at sinampal ito. "You deserve that. Good-bye." Pagkuwa'y binalingan niya ang babae. "Isaksak mo siya sa baga mo. Good luck sa inyo."
"BLAIRE..."
Hindi pinansin ni Blaire ang nag-aalalang tawag ni Jacob. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silid na ipinapagamit sa kanya ng binata. Isinara niya ang pinto. She couldn't make it to the bed. Sumandal siya sa dahon ng pinto at tila nauupos na kandila na dahan-dahang napaupo sa lapag. Impit siyang umiyak. Niloloko siya ni Paul. Kung kailan pa ay hindi niya alam. But goddamn it. Parang pinipisil ang puso niya sa sakit. "How dare you, Paul. How dare you!" sigaw niya bago humagulhol.
"Blaire..." anang tinig ni Jacob. "Y-you can cry on my shoulder, you know."
Tumayo si Blaire, binuksan niya ang pinto. Naroon si Jacob at nakatayo. "May alak ba kayo rito?"
"Yeah," alanganing tugon ng binata.
Lumabas siya ng silid. "Bigyan mo ako," utos niya bago dere-deretsong tinungo ang sofa. Naupo siya roon. Ipinatong niya ang mga siko sa kanyang tuhod at sinalo ang kanyang luhaang mukha sa mga palad.
"Here," anang tinig ni Jacob. Nang mag-angat ng ulo si Blaire ay nakita niyang inilapag ng binata ang isang bote ng alak at isang champagne glass sa lamesa. Naupo ito sa kaibayo niyang settee. "Marunong ka bang uminom?" dudang tanong nito habang binubuksan ang bote ng alak. Sinalinan nito ang kopita bago iniabot sa kanya. Agad niya iyong kinuha at dinala sa bibig niya. She took a big gulp. Para lamang ibuga din iyon. Ang iba ay sa binata pa tumapon. Inahit siya ng ubo dala ng kapaitan ng alak. "Sabi ko na nga ba at hindi ka marunong uminom ng alak," nanenermong wika ng binata. Namalayan na lang ni Blaire na katabi na niya ito at marahang hinahaplos ang likod niya. "Take it easy."
BINABASA MO ANG
Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)
RomanceJacob Valencia's story