"Blaire, please, let me explain," anang binata, puno ng pinaghalong desperasyon at pakiusap ang tinig.
Tumigil sa pagtakbo ang dalaga. Sinikap niyang itago ang sakit sa puso, sa halip ay nasaktang pride ang nais niyang makita nito. "M-mag-uusap tayo. Pero hindi ngayon, hindi muna ngayon," hindi muna ngayon na nais ko lang gawin ay tumakas, maglupasay, at ipagluksa ang kabiguang ito! Damn it, Jake! Hindi naman tayo but I feel like I am totally shattered!
"Hindi!" matatag na pagtutol ng binata. Sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito, na para bang handa siyang harangan kung sakaling tumakbo siya muli. "Hindi ako papayag na hindi tayo mag-usap ngayon at hindi magkaliwanagan." With an incredibly gentle hand, he turned her face towards him. "Oh, Blaire. Don't cry, please!"
Cry? Hindi. Hindi naman na siya umiiyak, 'di ba? Napagtagumpayan niyang pigilin ang mga luha niya bago pa man siya maabutan ng binata. Pero bakit, bakit nanlalabo nga ang paningin niya? Desperately trying to hide her disappointment and hurt, she quicly turned her back and walk away again. "Blaire! No!" The thing Blaire knew she was being sweep off her feet by Jacob.
"Ano'ng ginagawa mo?! I-ibaba mo ako, Jacob," utos niya.
"No way! Mag-uusap tayo at makikinig ka sa akin. I can explain everything!" sabi nito sa galit na tinig. Ha! Ito pa ba ang may karapatang magalit. Malalaki ang hakbang ng binata. Hindi niya batid kung saan siya nito dadalhin.
"Hindi mo kailangang magpaliwanag. Malinaw kong---"
"Blaire don't test my patience," putol nito sa kanya, hindi maipagkakaila ang babala sa tinig. He was suddenly shifted to the arrogant Jacob Valencia. Ang lalaking makapangyarihan, na ang bawat salita ay tila batas na hindi dapat baliin. At hindi siya immune sa ganoong ugali ng binata. Bigla ay tila naumid ang kanyang dila. Sa wakas, lumapat muli ang mga paa niya sa sahig. Nang sulyapan niya ang lugar na pinagdalhan sa kanya ng binata, nakita niyang chapel ang kinaroroonan niya. "Halos dito ko ginugol ang magdamag ko, Blaire," panimula nito.
"Para ipagdasal ang kaligtasan ni Mang Fredo, I know," sabi niya. Humakbang siya at inukupa ang pinakamalapit na cushioned pew. Ayaw niyang kuhanin ang atensiyon ng ilang mga tao roon na hindi mahirap na hulaan na nagdadasal para sa kaligtasan ng kani-kanilang mahal sa buhay. She smirked. Dapat na rin siguro niyang ipagdasal ang puso niya na animo unti-unting namamatay.
Si Jake ay agad na nakasunod sa kanya. Tumabi ito sa kanya. "Tama ka riyan. Ipagdasal ko nga ang kaligtasan ni Mang Fredo. Pero ipinagdasal ko rin na sana...sana maging maayos ang lahat sa pagitan natin." Bewilder, she turned to look up at him. Sinalubong naman ng binata ang paningin niya. "Na sana matutunan mo akong mahalin."
Hindi napigilan ni Blaire ang pagsinghap. "Ano'ng sinabi mo?"
Tumaas ang palad ng binata, pinawi ng hinlalaki nito ang mga bakaw ng luha sa magkabila niyang pisngi. Pagkatapos ay kinuha nito ang palad niya at ikinulong iyon sa mga palad nito. Ang dalaga ay naguguluhan sa inaakto ng binata. "Blaire Sebastian," masuyong usal ng binata. Dinala nito ang palad niya sa dibdib nito at inilapat kung saan tumitibok ang puso nito. Agad niyang naramdaman ang ritmo ng pagtibok ng puso ng binata. It was vibrating against her palm. Tila iyon alon na humahampas sa labi ng dalampasigan. "Kung hindi ka mind reader at hindi mo mabasa ang iniisip ko, o kung manhid ka at hindi mo madama ang ipinahihiwatig ng bawat kilos ko, pakinggan mo na lang ang isinisigaw ng puso ko..." Kinilabutan ang dalaga. Ano ba ang gusto nitong sabihin? Lumunok siya. Ang luha niya ay tila ilog na tinamaan ng el nino, agad iyong natuyo. And Blaire isn't the romantic type of person. Pero sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay biglang tumahimik ang paligid, ang naroon lamang ay ang magkaulayaw na mga mata nila ni Jacob at ang tibok ng puso nito na tila musika sa kanyang pandinig. That music was perfect because it was complemented by the rhythm of her own heart. "Mahal kita," puno ng emosyon na deklara nito.
BINABASA MO ANG
Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)
RomanceJacob Valencia's story