TININGNAN ko muna ang address na nasa calling card ng mga tatlong beses bago lumapit sa security guard na nandoon. Dito ang itinuro ng lalaking napagtanungan ko kanina pero magtatanong pa din ako sa guard para sure.
"Kuya, dito ba ang address na 'to?", tanong ko sa guard. Saglit nyang tiningnan ang address bago tumango. "Salamat.", sabi ko at pumasok sa loob. Napakalamig sa loob ng building. Kahit naka-jacket ako at pantalon ay mabilis na nanuot sa katawan ko ang lamig.
Napakalawak din ng reception area at sobrang linis. Gawa sa salamin ang walls kaya naman kita mo ang labas ng building. Pero kapag nasa labas ka ay hindi mo makikita ang loob. Marmol ang sahig na sobrang kintab, pwede ka ng maglagay ng make-up sa sobrang linaw ng reflection mo doon. May malalaking chandeliers din na nakasabit sa ceiling. Tulad ng chandeliers nung gabing yon, sabi ko sa isip nang maalala na naman ang pangyayaring yon. Mabilis kong pinaalis sa isip ko ang mga yon at naglakad papunta sa counter. Sinalubong ako ng ngiti ng magandang clerk na nandoon.
"Good morning, ma'am. How may I assist you?", tanong nya. Pati ang boses nya ang ganda din!
"Ah, I'm looking for Amanda Delco's office. She's expecting me to come.", sabi ko. Nakahinga ako ng maluwag. Ang tagal ko na yatang hindi nagsasalita ng ganyan. Formal at with accent pa ang english. Syempre, mag-aapply ako ng work. Kelangan ma-impress kahit ang clerk sa reception area!
"5th floor, ma'am.", sagot ng clerk. Nagpasalamat ako at umalis na. Sumakay ako ng elevator at pagdating sa 5th floor ay maraming opisina pala ang nandoon. Sa bawat pinto ay nakasulat ang company name ng bawat isa. Hinanap ko ang Delco Hotels ang Restaurant Corp.
"Ayun!", sabi ko pa nang makita ito. Pang-anim na pinto. Inayos ko muna ang damit at buhok ko bago kumatok.
Tok! Tok! Tok! Tok!
"Come in.", sabi ng pamilyar na boses. Marahan kong pinihit ang pinto at sinilip ang loob bago tuluyang pumasok.
"Good morning, madam.", nakangiting bati ko. "I am Holy. Nag-meet po tayo kahapon sa simbahan ng---"
"I remember you. Sit down.", malaki ang ngiting putol nito sa sinasabi ko. Naupo ako sa upuan na nasa harap ng table nya. "I'm glad you came.", sabi nito. Tumango naman ako.
"Kelangan ko po kasi talaga ng trabaho. Ang sabi nyo po ay matutulungan nyo ko. Hehe. Kakapalan ko na po ang mukha ko, 'eto po ang resume ko.", sabi ko sabay lapag sa lamesa ng folder na dala ko. Laman non ay ang resume ko na may 2x2 picture. Kinuha nito yon at saglit na binasa. Pagkatapos ay inilapag ulit.
"Well, this isn't what I meant.", seryosong sabi nito. Bigla naman akong kinabahan. Hindi yata ako qualified. Eh paano? Wala pa nga akong sinasabi kung anong aapplyan ko! "I have a better idea. What if ampunin kita?", tanong nya na lalong nagpakaba sa akin.
"Po?!", hindi makapaniwalang tanong ko. Tama ba ang dinig ko? Nasira na yata ang tenga ko dahil sa kakasermon ni Reeya!
"Yes.", sabi ulit nito. "I only have one child. After him, I can't have anymore baby. I never had a baby girl.", nakangiti pero ramdam kong seryoso ang mga sinasabi nito.
"E-eh madam. Bakit po ako? Hindi na po ako baby.", pilit ang tawang sabi ko pero sa loob ay kinakabahan talaga ako. Nagulat pa ako ng matawa ito.
"But you are a girl. Sa edad ko din naman na ito, kung mag-aampon ako ng baby eh hindi ko din maaalagaan. Mabuti na yung katulad mo, kaya na ang sarili. And I think magkakasundo kayo ng anak ko.", nakangiting paliwanag nito. Nag-isip ako ulit. Ano nga bang mawawala sa akin kapag pumayag ako? Wala naman. Hmm. Eh paano kung masama pala syang tao baka mapahamak lang ako? Napatingin ako dito at pinagmasdan ang mukha nito. Hindi naman sya mukhang masamang tao. "I'll let you think about it.", sabi nito nang mapansin ang malalim kong pag-iisip.
"Hindi na po kelangan. Nakapag-desisyon na po ako.", sabi ko. "Payag po ako.", patuloy ko. Kitang-kita ko kung paano nagliwanag ang mukha nito. Ngumiti din ako sa kanya. Naisip ko ang lahat ng hirap na dinanas ko mula ng maiwan akong mag-isa. Siguro naman hindi masamang mag-asam ng panibagong buhay? Tama. Tama ang desisyon ko.
---"INAAYOS ko na ang adoption papers mo para maging legal ka ng Delco. It will take some time dahil ang dami mong walang documents na kelangan, pero don't worry ako na ang bahala. Simula din sa Lunes ay papasok ka na sa highschool. Wag ka na din mag-alala sa mga requirements dahil ako na din ang aasikaso non.", paliwanag ni Atty.Cruz, ang abogado ng mga Delco. Iba na talaga ang mapera, sa isip ko. Kahit anong documents ang wala ka, magkakaroon ka basta may pera ka. Tsk.
Maya-maya ay tumigil ang kotse na sinasakyan namin sa tapat ng magarang gate. Kulay itim iyon na may bahid ng ginto sa paligid. Mukhang bago pa ang pintura. Walang kagalos-galos. May swipe machine sa gilid ng gate at pagka-swipe ni Atty.Cruz ng card nya ay automatic na bumukas ang gate. Astig! Saglit pa ulit na nag-drive si attorney hanggang sa makarating kami sa harap ng mansion. Oo, mukhang mansion ang bahay nila. Sobrang gara at laki. Kulay puti ang kulay ng kabuuan sa labas pero may touch din naman ng kulay asul. Marmol ang sahig na kulay puti din at ang malaking pinto ay gawa sa mamahaling kahoy na may scupltured na mga anghel. May mga puno din sa paligid ng bahay. Mga puno ng mangga, bayabas at makopa. Meron ding mga halaman na namumulaklak.
"Let's go?", tawag ni attorney sa atensyon ko. Nakabukas na pala ang pinto at ako na lang ang hinihintay. Di bale, marami akong oras para magtingin dahil dito na ako titira, nakangiting naisip ko. Naglakad na ako papasok kasunod ni attorney. Sa loob ay may ilang maid na sumalubong sa amin. Nakangiti silang bumati sa amin kaya naman ngumiti din ako.
"Sa wakas, dumating din kayo.", sabi ng pamilyar na boses. Sabay kaming napalingon ni Atty.Cruz sa bandang hagdan. Nakatayo do'n si madam at maliwanag ang ngiti sa amin. "I've been waiting for you.", sabi nya sa akin nang makalapit at niyakap ako ng mahigpit. Pilit ang ngiti ko nang kumawala sa kanya. Medyo awkward. Hehe.
"Inaayos ko na lahat ng papel nya as I've said yesterday. On Monday, she can start school na din.", sabi ni attorney. Nag-shake hands naman sila ni madam.
"I'm very thankful, attorney.", sabi ni madam. "Join us for lunch. Naghahanda na sila sa dining area.", anyaya pa nya. Pero umiling si attorney.
"I'd love to kaso may prior meeting pa kasi ako. Hinatid ko lang talaga si Holy dito sayo.", she explained at tinapik pa ako sa braso.
"Salamat, attorney.", nakangiting sabi ko. Maya-maya pa nga ay nagpaalam na ito at naiwan na lang kami ni madam na magkausap.
"Come. Let's eat.", sabi ni madam sa akin at hinawakan pa ako sa braso.
"Sige po, madam.", sabi ko. Natigilan naman sya sa narinig at hinampas ako sa braso. Nagulat ako sa ginawa nya.
"Mom. Yan na ang itatawag mo sa akin simula ngayon.", kunwaring pagalit pa na sabi nya. Ako naman ang natigilan sa sinabi nya. Mom. Naalala ko ang mama ko. At ang gabing huli kaming nagkausap. Naramdaman ko ang unti-unting pangingilid ng luha ko. "It's okay, Holy. It's okay.", pag-aalo nya. Huminga ako ng malalim at tsaka ngumiti sa kanya.
"M-mom.", mahinang usal ko. Napangiti na din ang babae at inalalayan ulit ako papunta sa dining area.
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...