Chapter 30

190 11 23
                                    

TULAD nga ng sinabi ni mom, lumabas kaming tatlo. Nagpunta kami sa isa sa mga hotels nila na may beach view. Yes, manmade beach view. Wala naman beach dito sa Manila eh. Hindi rin kami pwedeng lumayo dahil una, mapapagod kami pare-pareho lalo na si mom. Pangalawa, may pasok kami ng maaga bukas.

Pero kahit na manmade ang beach na yon ay ang ganda pa din. Parang totoong dagat yung pool at may white sand pa! Ang astig! Tuwang-tuwa akong nagtatakbo sa buhangin papunta sa dagat at pagharap ko ay nakita kong kinukuhaan pala ako ng picture ni Chance. Na-conscious naman agad ako.

"B-bakit mo ko pinipicturan??", kunwari ay pagtataray ko pero ang totoo kinakabahan ako.

"Ha? Hindi naman ikaw eh.", sabi nya sabay nguso sa likod ko. Paglingon ko doon ay nakita ko ang isang magandang babae na naka-swimsuit.

Sya ba ang kinukuhaan nya? Napakagat-labi ako sa sobrang hiya. Lamunin mo ako, white sand! Maglalakad na sana ako palayo nang hawakan ako sa braso ni Chance.

"Wait, I was just kidding.", natatawang sabi nya at pinakita sa akin ang dala nyang camera. Ako nga. Ako nga ang nasa pictures.

"B-burahin mo. Ang pangit ng kuha mo!", sabi ko. Pero lalo lang syang natawa. Napaangat ako ng tingin sa kanya at nagtama naman ang tingin namin.

"Ang ganda kaya.", sabi nya habang seryosong nakatingin sa akin. Parang napigil ang hininga ko sa sinabi nya.

"Son, give me that camera. I'll take a picture of you both.", maya-maya ay sabi ni mom. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sa amin. Dahan-dahan naman akong lumayo kay Chance habang inaabot nya kay mom ang camera nya. "Stand closer.", sabi ni mom sa akin.

Bago pa ko makagalaw ay hinila ako ni Chance palapit sa tabi nya at inakbayan ako.

"Smile.", nakangiti sabi ni Chance sa akin pero sa camera na sya nakatingin. Tumingin na din ako doon at ngumiti kahit na nagrarambulan na lahat ng ugat sa puso ko.

"Isa pa!", sigaw ni mom. At nag-pose pa nga kami at ngumiti. "You both look so cute!", sabi ni mom habang tinitingnan ang kuha nya.

"Can I see, mom?", tanong ni Chance at lumapit kay mom. Agad naman binigay ni mom ang camera.

"Excuse me, madam. May tawag ho kayo galing kay Attorney Cruz. Importante daw ho.", sabi ni kuya Ferdi na hawak ang cellphone ni mom. Kinuha agad yun ni mom at nagpaalam sandali sa amin.

"Look here. Bagay, di ba?", tanong ni Chance habang ipinapakita sa akin ang kuha ni mom.

"Ang alin?", takang tanong ko na nakatingin na din sa screen ng camera.

"Tayo.", seryosong sabi nya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at nakatingin na din sya sa akin. Seryoso ang mukha nya pero ang mga mata nya ay parang nakangiti.

"T-tumigil ka nga!", saway ko sa kanya at tsaka umatras ng mga dalawang hakbang palayo.

"Why? Kinikilig ka ba?", natatawang sabi nya.

Kinikilig nga ba ko?

Hindi ko alam. Basta ang alam ko naguguluhan na din ako sa nararamdaman ko.

"Yung sinabi ko kagabi... that's the truth. I really like you.", sabi nya maya-maya. Pareho pa din kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa.

"Magiging magkapatid na tayo kapag naayos na ni attorney ang mga papel ko.", seryosong sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin.

"I can tell mom or attorney to drop it. Sabihin mo lang kung gusto mo din ako.", diretsahang sabi nya sa akin. At parang ilang beses na um-echo yun sa pandinig ko.

Sabihin ko lang kung gusto din kita?

Seryoso akong nakatingin sa kanya samantalang nakangiti pa din sya sa akin.

"I'm not pressuring you. For now, mag-enjoy na lang muna tayo dito.", masayang sabi nya tsaka tumakbo papunta sa pool. Diretso syang lumangoy muna bago lumingon ulit sa akin. "Tara na!", tawag nya sa akin. Nakatingin lang naman ako sa kanya.

Paano kung oo? Paano kung gusto na din nga kita?
---

AFTER namin magsawa sa pag-langoy, pagpicture at pagkain ay umuwi na kami. Nag-enjoy ako sobra. Lalo na si Chance at mom. Kitang-kita ko kung gaano nila namiss mag-bonding ng gano'n. Pero minsan ay napapansin ko si mom na nakatingin sa akin na parang may gusto syang sabihin. Pero bigla din naman syang ngingiti. Ano kayang problema?

Gabi na din kami nakarating sa mansion. Pagdating doon ay naabutan namin si Atty. Cruz sa sala at may kasama pa syang isang lalaki. Mukhang abogado din dahil sa pormal na kasuotan nito.

"Good evening, Amanda.", bati ni Atty. Cruz. Mukhang inaasahan naman sila ni mom dahil hindi ito nabigla sa pagbisita nila. "I'm here with Atty. Chua as I've said on the phone earlier.", dagdag pa nito.

"Good evening, Mrs. Delco. It's a pleasure to meet you.", sabi ni Atty. Chua at bahagya pang ngumiti. Alanganin man, ngumiti din si mom dito.

"Good evening. Please have a seat.", sabi ni mom sa kanila tsaka bumaling kay Chance. "Go to your room first.", sabi nya.

"Oh. Okay, mom.", malumanay na sabi ni Chance. Susunod sana ako sa kanya para umakyat na din sa kwarto ko nang tawagin ako ni mom.

"Holy. Please stay for a while. We need you here.", sabi nya. Natigilan pa ako at gano'n din si Chance. Nang lumingon sya ay nagkatinginan pa kami sandali. Pareho kaming nagtataka.

"Po?", sabi ko nang humarap kina mom at sa dalawang abogado na kasama nya. Ngumiti lang sya at isinenyas ang upuan. Marahan naman akong lumakad papunta doon.

"Go ahead, son.", sabi ni mom kay Chance na nanatiling nakatayo sa pangatlong baitang ng hagdan.

Tumingin muna sya kay mom bago tumitig sa akin. Medyo nakakunot ang noo nya pero hindi sya galit. Parang nagtataka sya, nagtatanong ang mga mata nya.

"Sige na.", mahinang sabi ko sa kanya. At noon lang sya gumalaw mula sa kinatatayuan nya. Nang makaalis na si Chance ay tsaka lang umupo si mom sa tabi ko.

"Ano po bang meron?", tanong ko. Umayos muna ng pagkakaupo ang dalawang abogado, tumingin kay mom bago nagsalita ang isa sa kanila.

"Well, Amanda and I talked a little about this earlier on the phone pero as she suggested, it's better for you to hear them from us.", sabi ni Atty. Cruz. Unti-unti akong nakaramdam ng kaba. "Hindi pwedeng ituloy ni Amanda ang pag-ampon sa'yo.", seryosong sabi ni Atty. Cruz.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon