Chapter 38

162 7 24
                                    

Chance
HALOS hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip. Sa tuwing mapipikit kasi ako, nakikita ko ang mukha ni Harold at Holy na masayang nag-uusap! Ang sakit tuloy ng ulo ko ngayon. Nakarating na ako sa parking lot at kasabay kong nag-park sa di kalayuan si Harold.

I was about to get off of my car nang makita kong bumukas ang passenger seat ni Harold at lumabas doon si Holy.

What the hell? Bakit sila magkasabay pumasok?

Napahawak ako ng madiin sa manibela ng kotse ko. Kahapon nakita ko din sa kotse ni Harold si Holy. Magkasama silang umalis ng school grounds. Are they going out? Sobrang nainis ako sa naisip ko.

Bumaba na ako ng kotse ko at mabilis na naglakad. Nadaanan ko pa sila at akmang babatiin ako ni Harold nang makita nya ko pero nilampasan ko sila. I didn't look back. Bakit ganito kasakit? Hindi ko pa naman alam kung anong meron sila pero ganito na kasakit. Makita ko lang silang magkasama, para akong dinudurog.

Nagtuloy ako sa classroom namin. Binati ako ng ibang kaklase namin pero hindi ko sila pinansin. I'm not in the mood. Maya-maya ay dumating na din sila Harold at Holy. Nagkatinginan pa kami ni Holy pero mabilis kong inalis ang paningin sa kanya. Dumating na din ang teacher namin in a minute at nagsimula na nga ang exam.

Pinilit kong mag-focus kahit punong-puno ng ibang isipin ang utak ko. I need to pass. I can't fail in this exam.

Holy
HULING exam before break time at five minutes na lang ang natitira. Tapos na ako magsagot pero hindi ko pa ipinapasa sa teacher. Pasimpleng lumingon ako kay Chance pero sobrang focus yata sya sa exam kaya hindi nya ako pinapansin.

O baka sinasadya nya akong hindi pansinin?

Kanina sa parking lot sigurado akong nakita nya kami. Pero bakit parang hindi? Tsk. Pinaglaruan ko ang ballpen na hawak ko habang nag-iisip pa din. Kakausapin ko sya mamaya. Pero paano? Iniisip ko pa lang na lapitan sya tapos hindi nya ko pansinin, parang lulubog na ko sa lupa sa kahihiyan eh. Ah, bahala na!

"Time's up. Please pass your papers in front.", sabi ng teacher maya-maya. Gano'n na nga ang ginawa namin.

"Tara, let's eat na. I'm so hungry.", sabi ni Cristina nang makalapit sa akin. Tumayo ako at lalakad na sana palapit kay Chance kaso ay naunahan ako ni Jessa.

"Sabay na tayo.", nakangiting sabi nito kay Chance.

Pinulupot pa nito ang dalawang kamay sa isang braso ni Chance. Nagulat ako. Para akong pinako sa kinatatayuan ko. Pero mas ikinagulat ko ang ginawa ni Chance. Hinayaan nya lang si Jessa na nakakapit sa kanya ng gano'n at sabay silang naglakad palabas.

"Mygod, what happened? Are they going out?", bulong ng isang kaklase namin.

"She's such a flirt. Tama pala yung kwento sa akin ng friend ko.", sabi naman ni Trina.

"Anong kwento?", tanong nung isa pa.

"My friend told me that Jessa stole her sister's boyfriend! I didn't believe her at first kasi Jessa is so mahinhin at mabait but then now... I don't know!", exaggerated na kwento ni Trina.

Hindi ako lumilingon sa kanila dahil hindi pa din ako makagalaw. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagtapik ni Harold sa balikat ko.

"Tara?", he asked kindly nang lumingon ako sa kanya. Tumango na lang ako at naglakad na kami papunta sa cafeteria. Pagdating doon ay automatic na hinanap sila ng mga mata ko kahit ayoko silang makita.

At ayun nga sila, sa usual spot ni Chance. Tuwang-tuwa si Jessa habang nagkukwento kay Chance. Nakatalikod sa amin si Chance kaya hindi ko nakikita ang reaction ng mukha nya.

"Alam mo before, akala ko ikaw ang gusto ni Chance.", biglang sabi ni Cristina nang makaupo kami. Inilapag ni Harold ang pagkain namin.

"Ha? Bakit naman?", kunwaring tanong ko.

"Okay, it may sound weird kasi I know noon adoptive sister ka nya. But now hindi na, di ba?", sabi nya.

Naikwento ko na kasi sa kanya ang nangyari. Actually, dalawa kami ni Harold na nagkwento sa kanya. Tumango ako tsaka sya nagpatuloy.

"So what I notice made sense to me. Yung mga tingin nya sayo. How he took care of you. How he smiled at you. Those things. We never saw that before. Even some of my kakilala na kilala na sya noon pa, says they notice it too.", paliwanag nya habang kumakain.

"Talaga?", tanong ko. Hindi ko pinapahalatang interesado akong malaman.

"Yeah. But now, I don't know what's happening.", inosenteng sabi ni Cristina.

"I don't think Chance likes her. Jessa, I mean.", sabi ni Harold. Napatingin naman ako sa kanya. Ngumiti sya ng bahagya.

"How did you know?", maarteng tanong ni Cristina.

"I just know.", sagot nya pero sa akin pa din nakatingin.

Chance
ANNOYED to hell. That's exactly what I'm feeling right now. I've been telling Jessa to go away and leave me alone but she just wouldn't! Kung ugali ko lang magpahiya ng babae, malamang umiiyak na 'to kanina pa.

"Kain ka pa o.", sabi nya habang nilalagyan ng ulam ang plato ko na halos puno pa ang laman. Nawawalan ako ng gana sa pagkain sa sobrang inis.

"Seriously, what part of 'go away' and 'leave me alone' can't you understand? I'm willing to explain it to you just so you get it.", pigil ang pagtataas ng boses na sabi ko. Pero ngumiti lang sya.

"I understand. I just... don't want to do it.", sabi nya sabay tawa ng may kaharutan. I almost roll my eyes. Almost!

Pinilit kong kumain na lang pero mukhang hindi pa nakuntento si Jessa sa ginagawa nya. Tumabi sya sa akin at kinuha ang kutsara na hawak ko. Naramdaman ko pa ang pagdausdos ng daliri nya sa kamay ko at kinilabutan ako sa inis!

"Let me help you.", sabi nya at akmang susubuan pa ako.

"Do I look like I need help?", inis na sabi ko at inagaw ang kutsara sa kanya.

Pero hinigpitan nya ang hawak kaya tumalsik iyon at napunta sa uniform ko ang laman non.

"Shit!", napalakas na sigaw ko. Agad kong kinuha ang tissue na nasa holder sa ibabaw ng table at pinunasan ang uniform ko.

"Omigod, I'm so sorry, Chance. Let me do it.", maarteng sabi ni Jessa. Kumuha din sya ng tissue at pinunasan ang uniform ko. Pero inilalayo ko sa kanya yon.

"Go away, Jessa.", mahina pero seryosong sabi ko sa kanya.

"No, please. Let me help you.", makulit na sabi nito.

Nauubos na talaga ang pasensya ko. Napapikit ako sa inis at pagmulat ng mata ko ay nakita ko si Holy na nakatayo sa harap ko. Seryoso ang mukha nya at parang galit.

"H-holy.", kinakabahan na sabi ko.

"Pwede bang mag-usap tayo?", seryosong sabi nya. Napatayo ako agad at muntik pa ngang masubsob sa sahig si Jessa pero hindi ko na sya pinansin.

"Oo, s-sige.", nauutal na sagot ko. Agad syang tumalikod at naglakad palabas ng cafeteria. Mabilis naman akong sumunod sa kanya. Iniwan namin ang mga matang lahat ay nakatingin sa amin.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon