Chance
KINAUMAGAHAN, malungkot pa din akong bumaba ng dining area samantalang si Holy mukhang masigla. Masaya.Tsh, is she that happy dahil aalis na sya dito?
I'm a bit annoyed pero nung ngumiti sya sa akin ay hindi ko naiwasan mapangiti din. "Kain na.", sabi nya pa sa akin bago sya sumubo ng pagkain nya.
"S-sige.", sabi ko. Tahimik kaming kumain kasabay si mom.
Hinihintay kong may mag-open ng topic about what happened nung gabi pero wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Aren't they gonna tell me? Inis na tinusok ko ang hotdog na nasa plato ko. Or do they know that I listened to them? Napatingin ako sa kanila pareho pero normal naman ang mga kilos nila. Tsk!
Hanggang sa nasa kotse na kami para pumasok sa school ay hindi pa din nagkukwento si Holy.
"Ehem.", sabi ko na kunwari ay inuubo.
"May sakit ka ba?", agad naman na tanong ni Holy.
"H-ha? Wala, wala.", sabi ko. Paano ko ba ioopen? "Ah, tungkol dun kagabi--"
"Ano napag-usapan namin?", gulat akong napalingon sa kanya. Tumingin din sya sa akin at natawa. "Ganyan ka naman eh, lahat ng nakakausap ko gusto mong tanungin kung anong napag-usapan namin. Hahahaha!", malakas pa na tawa nya. Sinimangutan ko naman sya.
"Then don't tell me! I know it already, anyway.", inis na sabi ko.
"Pano mo nalaman?", nagtatakang tanong nya. Pero hindi ako sumagot. Nagtuloy lang ako sa pagdadrive. "Ikaw ha? Ginagaya mo na ko. Nakikinig sa mga usapan. Hahahahahaha!", lalong malakas na tawa nya. Inis na tumingin ako sa kanya kaya agad din naman syang sumeryoso. "So ayun na nga...", seryosong sabi nya.
"Ano? Iiwan mo na ko? Gano'n na lang yun??", asar na tanong ko sa kanya. Halatang nagulat sya sa tanong ko dahil hindi agad sya nakasagot.
"Iiwan? Hahahaha! Parang mag-jowa tayo ah! Makapanumbat ka ah!", nanlalaki ang mga mata at pilit ang tawang sigaw nya.
"Doon na din nga sana papunta kaso sumingit pa ang lolo mong panira!", sigaw ko din sa kanya.
"Huy, lolo ko yon ah! Tsaka paanong papunta na doon eh kung hindi sumingit ang lolo ko, magiging magkapatid pa tayo! Atleast ngayon pwede na, hindi na tayo magiging magkapatid kahit sa papel lang yun! Magpasalamat ka sa lolo ko!", mahabang paliwanag nya.
Natigilan ako sa sinabi nya at naihinto ko ang kotse. Tama sya, sa isip ko. Bakit hindi ko nga ba naisip yun? I'm so stupid! Natawa ako ng malakas at tumingin kay Holy. Natatakot naman na nakatingin din sya sa akin.
"A-anong tinatawa mo dyan? Nabaliw ka na ba??", tanong nya.
"So ngayon pwede na tayo. Ang ibig mo bang sabihin do'n, you like me too?", ngiting-ngiting tanong ko. At kita ko ang unti-unting pagpula ng mga pisngi nya. Iniwasan nya ang tingin ko at hindi sumagot.
Sinasabi ko na nga ba eh! Magugustuhan mo din ako, sa isip ko.
"Drive.", maya-maya ay sabi nya. "Mag-drive ka na! Male-late tayo!", dagdag nya pa. Nangingiting pinaandar ko ulit ang kotse at buong oras na nagda-drive ako ay para akong nakalutang.
Holy
NABIGLA ako sa tanong ni Chance at hindi ako nakasagot. Ikaw din naman kasi, kung anu-ano ang sinasabi mo, pagalit na sabi ko sa isip ko. Nabigla din ako sa sinabi ko pero sa kabilang banda ay natuwa ako. Dahil yun naman ang totoo, di ba? Kung talagang gusto nya ako, o ayan ngayon pwede na.Habang nagdadrive sya ay sinusulyapan ko sya at kitang-kita ko ang saya sa mukha nya. Hindi katulad kanina na nakasimangot at mabigat ang aura nya. Ngayon ay maaliwalas ang mukha nya.
Nang makarating kami sa classroom ay medyo naging abala na kami sa mga pinapagawa ng mga teacher pero pagdating ng break time ay nakadikit na naman si Chance. Panay ang ngiti nya at lahat ng sabihin ko ay sinasang-ayunan. Minsan nagkakatinginan tuloy kami nila Cristina at Harold dahil sa mga ikinikilos ni Chance.
"Kumain ka ng marami.", sabi ni Chance sa akin habang nilalagyan ng ulam ang plato ko.
"Sweet naman ni kuya Chance na kapatid.", dinig kong sabi nung isang estudyante na nasa kabilang table. Mukhang bata pa iyon. Mas bata kesa sa amin.
"Oo nga. Sana may kapatid din akong ganyan.", sabi pa nung isa.
"Swerte naman ni ate.", sabi nung isa pa. Nakangiti lang naman si Chance, mukhang naririnig nya din ang mga usapan na yon.
"Uh, Cristina, ano nakapagreview ka na ba? Bukas na exam natin.", sabi ko para may mapag-usapan lang. Tumango naman si Cristina.
"Oo naman. I think I'm ready.", nakangiting sabi nya habang kumakain.
"Ready to fail. Hehe.", biro ni Harold sa kanya. Nginusuan lang naman sya ni Cristina. "Ikaw, Chance, ready ka na ba? I mean, nagkasakit ka nung huling review natin sa inyo eh.", tanong ni Harold kay Chance.
"I'm good.", tipid na sagot nya pero nakangiti.
"Looks like you're in a good mood today ah.", bati sa kanya ni Cristina. Lalong lumapad ang pagkakangiti nya. Halos makita ko na lahat ng ngipin nya.
"I really am.", sagot nya na sumulyap pa sa akin. Parang nag-init ang mukha ko sa paraan ng pag-sulyap nya sa akin.
---NANG makauwi kami sa bahay ay hindi ko inaasahan na maaabutan ko na doon si lolo na naghihintay sa akin. Matangkad ang lolo ko at matipuno pa ang tindig ng katawan dahil ang alam ko ay dati syang sundalo. Pero hindi maitatago ang edad nya dahil sa mga puti na sa buhok nya. Nakasuot sya ng puting knitted na long sleeve shirt at itim na slacks. Nakatayo sya sa sala ng dumating kami kaya naman agad ko syang nakita. Oo, medyo blurred na ang mukha nya sa alala ko pero nung makita ko sya alam kong sya nga ang lolo ko.
"Lolo...", mahinang tawag ko sa kanya. Napalingon sya sa gawi ko at bahagya pang nagulat nang makita ako. Pero pagkatapos ay ngumiti sya at lumapit sa akin.
"My grandchild.", sabi ni lolo nang makalapit at niyakap ako ng mahigpit.
"I-ilang taon ka na, l-lolo?", naiiyak na tanong ko.
Naalala ko yun ang palagi kong tinatanong sa kanya noon pa mang bata pa ako. Dahil nagtataka ako sa itsura ng ibang lolo. Ang akala ko noon iisa lang ang itsura ng mga lolo. Hahahaha!
"21 pa lang, apo.", palagi nya ding sagot sa akin. Tuluyan na akong napaiyak at niyakap din sya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...