"IBIG mong sabihin bukod sa mga katulong, dalawa lang kayo ni Chance na nandito ngayon?", nanlalaki ang matang tanong ni Reeya.
"Oo nga, ano ba? Paulit-ulit ka eh.", inis na sagot ko. Ayaw na lang manood eh, dami pang tanong.
"Hala!", sabi ni Reeya. Napatingin na naman ako sa kanya.
"Bakit?", tanong ko.
"Anong bakit? Lalaki yun, Holy. Lalaki lang naman ang kasama mo dito sa bahay.", sagot nya na pinagdidiinan ang salitang 'lalaki'.
"O ano naman? Ikaw, kung anu-anong iniisip mo.", sabi ko sa kanya.
"Oo nga, ate. Ang dumi ng utak mo. Kababasa mo ng pocketbook yan eh.", sabat naman ni Josa habang masarap ang upo sa sofa.
"Hindi naman sa ganon! Iniisip lang kita kasi babae ka.", sabi nya naman.
"Nagegets kita. Pero mabait naman si Chance tsaka may ibang tao pa kaming kasama dito. Walang mangyayaring masama sa akin.", sabi ko sa kanya na nakatutok pa din sa pinapanood.
"Alam ko yon. Jusko, ilang beses na nga kita nakitang sumapak ng lalaki eh!", natatawang sabi ni Reeya. "Ang ibig kong sabihin, baka ma-inlove ka sa kanya. Ganern.", dagdag nya. This time, ako naman ang nanlaki ang mga mata sa sinabi nya.
"Ma-inlove? Nahihibang ka ba??", tanong ko sa kanya.
"Why not, ate? My point naman si ate Reeya. Hindi rin naman mahirap magustuhan si kuya Chance. Gwapo, mukha naman mabait at mayaman. Panalo!", malanding sabi ni Josa. Sinamaan ko sila ng tingin pareho.
"Tigilan nyo nga yang ganyan nyo.", naiinis na sabi ko.
"O bakit? Hindi ba pwede yun?", makulit na tanong pa din ni Reeya.
"Hindi pwede.", sagot ko. Hinampas ko sya ng throw pillow sa mukha. "Alam nyo, kayong magkapatid, sinasayang nyo kuryente namin eh. Manonood ba kayo o magsusulat na lang ng kwento? Ang lalawak ng imahinasyon nyo eh.", sabi ko sa kanila.
Ngingisi-ngisi naman na sumalampak ng upo sa sofa si Reeya.
"Ewan ko sayo, Holy. Pero kapag ikaw na-inlove at na-broken hearted dyan kay Chance, wag kang iiyak-iyak sa amin!", sabi nya. Hindi ko na sya pinansin at nanood na lang kami sa TV.
Ilang oras pa sila nag-stay sa mansion. Gusto pa nga sana nila mag-swimming sa pool na nasa likod, ang kaso maggagabi na din kasi.
"Baka malaman pa ni nanay na nagsara kami ng tindahan. Yari kami nito!", natatawang sabi ni Reeya nung ihatid ko sila sa may pinto.
Naghihintay sa kanila si kuya Ferdi. Ihahatid na sila nito hanggang sa tindahan nila. Wala na kasing dumadaan na tricycle dito sa amin kapag ganitong oras na.
"Eh may dala naman na tayong pagkain. Hindi na mamroblema si mudra nyan.", masayang sabi ni Josa at itinaas pa ang paper bag na may laman na containers ng ulam na ibinalot ni manang Norma.
"Di bale, next time mag-swimming tayo doon.", sabi ko. Sumakay na silang dalawa sa kotse pagkatapos.
"Salamat, ate Holy!", sabi ni Josa mula sa bukas na bintana. Tumango lang ako na nakangiti din.
"Ipaalam mo na lang kami kay Chance ha? Babye!", makahulugang sabi ni Reeya at nakakaloko pa ang pag-ngiti. Hindi ko na lang yun pinansin.
"Ingat!", sabi ko sa kanya. Maya-maya pa nga ay umalis na sila.
Bumalik na ako sa loob ng mansion at inabutan ko doon sa sala si Chance. Nakaupo sya sa sofa at nanonood sa TV. Tungkol sa mga hayop ang pinapanood nya. Lumapit ako sa kanya at tumayo lang sa tabi.
"Umalis na sila Reeya at Josa.", sabi ko.
"I know.", seryosong sabi nya.
"Salamat pala. Nagtext ka pala kina manang Norma kanina para magpahanda ng pagkain.", nakangiting sabi ko nang maalala ko pero hindi naman nagbago ang expression ng mukha nya.
"Sure.", sabi nya. Tumango-tango na lang ako at hinayaan na syang manood. Baka seryoso sa pinapanood, sa isip ko.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Pagpasok doon ay kinuha ko agad ang tuwalya ko at naligo sa banyo.
Pagkatapos maligo ay nagsuot na ako ng pajama para makatulog na pero naalala ko may quiz nga pala kami bukas sa History.
Kainis! Makapag-aral na nga muna. Pumunta ko sa study table ko at nagbuklat ng mga notes at libro. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang maalala ko ang sinabi ni Reeya.
"Ang ibig kong sabihin, baka ma-inlove ka sa kanya. Ganern."
"Baka sya ang ma-inlove sa akin!", ngingisi-ngising sabi ko sa sarili ko.
Pero napaisip din ako. Paano nga kung ma-inlove ako sa kanya? O sya sa akin? Anong mangyayari? Anong gagawin ko?
Hays. Nilagyan mo pa ng dumi ang utak ko, Reeya!
---MAAGANG sakit ng ulo ang hinarap namin kinabukasan. Bukod sa History ay may exam din pala kami sa Algebra! Anak ng tinapa, hindi ako nakapag-aral eh! Mahina pa naman ako sa subject na 'to. Kaya after ng exam sa Algebra ay ang sakit na ng ulo ko. Panay din naman ang reklamo ng mga kaklase ko nang makaalis na ang teacher namin.
"Nakakainis naman si Mrs.Lim eh. Walang review, exam agad!", inis na sabi ni Clara. Sya yung muse namin sa klase.
"I don't know if my answers are right. Ugh.", sabi ni Niko.
"Okay ka lang?", tanong sa akin ni Harold. Noon ko na-realize na naka-kunot noo pala ako kanina pa.
"Ah, oo. Sumakit lang ang ulo ko sa exam. Hehe.", sabi ko na pinilit ngumiti.
"Di bale, last subject naman na at uwian na. Makakapag-relax na.", sabi nya na nakangiti din sa akin. Tumango na lang ako.
Maya-maya ay pumasok na nga si Mrs. Alonzo at nag-discuss. Mabuti at hindi sya nagpa-exam din! Nung uwian na ay masakit pa din ang ulo ko. Tahimik kaming naglakad ni Chance papunta sa parking lot pero nung nakasakay na kami ay nakita ko si Harold na tumatakbo papunta sa amin. Nang makalapit sya ay kumatok sya sa bintana sa side ko.
"Bakit?", tanong ko sa kanya. Nakangiti naman na inabot nya ang isang maliit na plastic bag sa akin. "Ano 'to?", tanong ko ulit habang sinisilip ang laman non.
"Gamot yan. Inumin mo agad after mo kumain pag-uwi mo.", sabi nya. At oo nga, tubig at gamot ang laman ng plastic bag.
"May sakit ka ba?", tanong ni Chance mula sa tabi ko.
"Masakit lang ang ulo ko.", sagot ko sa kanya. "Salamat ha? Una na kami.", baling ko kay Harold.
"Ingat.", sabi nya at pinaandar na ni Chance ang kotse.
Nang makauwi sa bahay ay padabog na isinara ni Chance ang pinto ng kotse pagbaba nya. Nagulat naman ako. Anong problema nun? Bumaba na din ako at dumiretso sa kwarto ko para magpahinga.
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...