Holy
WEDNESDAY ng hapon ay nakatambay ako sa sala sa baba, nag-iisip. Ilang araw nang parang balisa si Chance lagi sa school. May problema kaya sya? Pag tinanong ko naman puro wala lang ang sagot."Huy! Ang lalim ng iniisip mo ah!", sigaw sa akin ni Reeya. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sya.
"Wag kang magulo. Nag-eemote ako.", sabi ko kay Reeya.
Sinimangutan ko sya pero napansin ko na seryoso ang mukha nya. At parang kinakabahan.
"Bakit?", kinakabahan na din na tanong ko.
"Eh kasi...", umpisa nya.
Tapos ay nagpalinga-linga pa sya sa paligid. Nang masigurado na kaming dalawa lang ang nandoon ay may dinukot sya sa bulsa ng shorts nya. Nakatikom ang mga palad nya nang ilabas nya mula sa bulsa.
"Ano yan?", takang tanong ko.
Unti-unti nyang binuksan ang palad nya at nagulat ako sa nakita ko. Joints. Yung nirolyong Mary Jane. Marijuana. Nanlaki ang mga mata ko.
"Saan mo nakuha yan?!", mariing bulong ko sa kanya. Pero napalakas pa din ang boses ko.
"Wag kang maingay!", sita sa akin ni Reeya. Napatakip ako sa bibig ko.
"Jusko, Reeya. Wag mo sabihin sa akin na gumagamit ka nyan?!", gulat na tanong ko. Mas lalo naman syang nagulat at nanlaki ang malaking mata nya.
"Huy, gaga ka! Hindi sa akin ito!", sabi nya.
"Eh kanino? Saan mo nga nakuha??", naiinip na tanong ko ulit.
"Sa kwarto ni Maddi.", sagot nya. "Naglilinis ako sa kwarto nya kanina tapos nawalis ko yan galing sa ilalim ng kama nya.", pabulong na tuloy nya. Natigilan ako at napaisip.
"Teka.", sabi ko sabay tayo mula sa upuan.
Nag-diretso ako sa garahe at hinanap yung bike na ginagamit minsan ni kuya Noel, yung anak ni aling Gemma. Nang makita ko iyon ay agad akong sumakay at lumabas ng gate.
Sa gilid ng mansion ay may mga halaman na nakatanim. May mga namumulaklak na halaman doon at mga damong ligaw. Halos pabalabag akong bumaba sa bike.
"Dito lang yun eh...", sabi ko habang may hinahanap sa damuhan.
Maya-maya pa ay nakita ko ang hinahanap ko. Nandoon sa lupa ang ilang plastik na maliit na may pispis pa ng dahon ng marijuana. Meron ding ilang pirasong joint na nasindihan na at mga kusot na rolling papers.
Ito yung nakita namin ni Punch na itinapon ni Maddi nung gabing umuwi kami galing sa driving lessons namin. Tapos ay naalala ko yung mga araw na kakaiba ang kilos ni Maddi. Yung mapupungay na mga mata, lagi syang inaantok kung hindi naman laging gutom. Hindi nya makontrol ang pagtawa nya.
Naalala ko din yung sinabi ni Harold na may kakaiba syang napapansin kay Maddi. Ano kayang mga napansin nya pang kakaiba? Alam nya na kaya ito?
"Hay, Maddi, ano ba 'tong pinasok mo??", inis na tanong ko sa hangin.
Maddilyn
"HELLO?!", inis na sagot ko sa cellphone ko na kanina pa nagri-ring."Where are you?", tanong ni Alpha mula sa kabilang linya. Iritado din ang tono nya.
"I'm at our house! Ano bang kailangan mo?", tanong ko.
"Don't forget. You will see Josè tomorrow night.", sabi nya na ang itinutukoy ay yung panibagong 'customer' nya ng marijuana.
"This will be the last time, Alpha! The last time you'll send me in these kind of errands!", galit na sabi ko sa kanya. Pero natawa lang sya.
"I'm sorry but they just wanna see you, hun. See you later.", sabi nya sabay patay ng tawag. Gigil na ibinagsak ko sa sofa ang cellphone ko.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. How did I end up being like this? How can I let my life be like this? Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa galit at inggit. Malulong sa bisyo at maloko sa barkada. Pinabayaan ko ang pag-aaral ko at now this, ginagawa akong taga-deliver ng walang-hiyang Alpha na yun!
Lalong nagtuloy-tuloy ang luha sa mga mata ko. Mom and lolo doesn't know any of this. Even Harold. At ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nila? Nakakahiya! Baka magalit sila sa akin or worse itakwil nila ako. I wanted to stop all of this pero hindi ko alam kung paano.
Paano pa ako babangon?
Chance
"REALLY? Omigosh, kaya pala he looks so familiar.", maarteng sabi nung isang babae na kasama namin sa table."Yeah. You're much cuter pala sa personal.", sabi pa nung isa.
"Can we see those muscles that we saw sa magazine?", malanding sabi nung nasa dulo. At sabay-sabay silang nagtawanan. Hindi ako nagsalita.
"I'm sorry, girls. But he's mine. He's my date tonight.", sabi ni Joyan sabay lingkis sa mga braso ko.
Oo, kasama ko si Joyan at ang mga kaibigan nila sa isang bar. Ito ang hiningi nyang kapalit para hindi nya ipadala kay Holy ang mga pictures na ipinakita nya sa akin.
Oo, alam kong katangahan itong ginagawa ko pero natatakot ako na malaman ni Holy pagkatapos ay iwasan nya na ako. Alam ko sa sarili ko na noong gabi na yun, wala akong ginawang masama pero yung mga kuha sa litrato para talagang hinalikan ko si Joyan. Iba-ibang anggulo ang litrato kaya naman kitang-kita ang mga mukha namin. Sa tingin ko ay sinadya talaga ni Joyan at ng mga kaibigan nya na gawin yon.
Nagtuloy sa kwentuhan ang mga babaeng kasama namin. May mga kasama din silang mga lalaki na sa tingin ko ay boyfriends ng iba sa kanila. Maya-maya pa ay nagkayayaan na silang sumayaw.
"Let's dance.", yaya din sa akin ni Joyan. Wala akong nagawa kundi tumayo at sumunod sa kanya. "Are you gonna show me that long face all night?", tanong nya sa akin habang sumasayaw kami. Pilit na idinidikit sa akin ang katawan nya.
"Is my reaction and expression have to be positive? Don't forget that you just forced me into this.", sagot ko. Hindi ko na mapigilan ang inis ko dahil sa mga hawak at dikit nya sa akin.
"Oh, don't say that. You'll gonna like me later on.", sabi nya. Ngumisi ako sa kanya.
"Never.", sabi ko.
Nakita kong nag-igting mga panga nya sa sinabi ko. Marahas na hinila nya ang kwelyo ng damit ko at hinalikan ako. Dampi lang yon dahil mabilis ko syang naitulak palayo.
Medyo napalakas ang tulak ko dahil tumalsik sya sa lalaki at babaeng nasa likuran nya na nagsasayaw din at pare-pareho silang tumumba sa sahig.
"Ayyyy!"
"Ano ba yan!"
Sigaw ng ilang tao na nakapaligid sa amin. Tutulungan ko sana si Joyan na tumayo dahil hindi ko naman sinasadya na itulak sya ng malakas. Nabigla lang ako sa ginawa nya. Pero mabilis syang nakatayo at galit na tumingin sa akin.
"I'll make you regret what you did!", sigaw nya at nag-martsa palabas ng bar.
I was left there stunned with people looking at me. Nang makabawi sa pagkabigla ay sumunod ako sa kanya palabas ng bar pero wala na don ang kotse nya.
"Oh, no.", sabi ko sa sarili ko habang iniisip ang mga posibleng mangyari after this night.
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...