Chapter 42

130 7 10
                                    

Holy
SOBRANG ingay manood ng pelikula nila Maddi at ng mga kaibigan nya. Horror pa yata ang pinapanood ng mga yun kaya may tilian pang nagaganap. Bumaba ako mula sa kwarto ko. Ayoko din naman magkulong doon buong hapon.

Pagbaba ko ay inabutan ko si lolo na nakaupo sa usual spot nya sa may garden. Mukhang malalim ang iniisip nya.

"Hija, what are you doing there?", tanong ni lolo sa akin nang mapansin nya akong nakatayo lang sa may pinto.

"P-po?", nagulat pa ako. "Ah, wala po. Nagpapahangin lang. Hehe.", palusot ko. Pero wala naman talaga akong ginagawa eh.

"Dito ka magpahangin. Mas presko banda dito dahil sa mga halaman at puno.", sabi nya.

Sumunod naman ako at umupo sa katabi nyang upuan. At oo nga, mas presko doon. Nakakarelax din tingnan ang mga halaman na maraming bulaklak!

"I always sit here when I'm stressed out.", sabi ni lolo. Napatingin ako sa kanya.

"Stressed po ba kayo? Bakit po?", takang tanong ko. Ngumiti sya pero hindi umabot ang ngiti sa mata nya. Alam nyo yun? Yung malungkot pa din tingnan.

"I was just thinking... about those people who killed your parents.", sabi nya.

Nagitla ako sa sinabi nya. At parang may kung anong kumirot sa puso ko. Oo, patay na ang parents ko at alam kong pinatay sila. How could I not be curious about what happened?! Anong klaseng anak ako??

"S-sino po?", kinakabahan na tanong ko.

"We already caught those people, hija, so don't worry. Yung mastermind, isa sa mga taong nakabangga nila sa huling trabaho nila.", sabi ni lolo. Nakahinga ako ng maluwag sa fact na nahuli na ang pumatay sa magulang ko. Pero nag-aalala ako kay lolo.

"Eh bakit po nag-aalala pa kayo, lolo? Nahuli naman na po pala sila.", tanong ko sa kanya.

"To tell you the truth, hija, I am feeling so much guilt.", malungkot na sabi nya.

Nagtaka ako. Bakit?

"I was the one who gave them the mission. Nagulat ako sa desisyon nilang umalis sa squad so I gave them one last mission. A hard one.", kwento ni lolo. Bumuntong hininga muna sya bago nagpatuloy.

"I didn't know na yung mission na yun ang magiging mitsa ng buhay nila.", sabi nya. Buo pa din ang boses nya habang nagkukwento kaya naman nagulat ako nang tumingin ako sa mukha nya. May luha na pumapatak doon. "I am so sorry, Holy. If only I knew...", sabi ni lolo sa akin.

Pinipigilan ko ang sarili kong maiyak dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni lolo. Ang sakit sa puso na makita syang umiiyak. Hinawakan ko ang kamay nya.

"P-pwede po ba natin s-silang puntahan?", tanong ko sa kanya. Nagpahid sya ng mukha at tumango. Tinawag nya ang driver nya at nagpahatid kami sa malapit na sementeryo. Kung saan nakalibing ang mga magulang ko.

Maya-maya ay nakarating na kami doon. Isang malaking mausoleum ang pinuntahan namin na may gate na itim. Kahit ang marmol sa loob ay itim din. Ang puti lang ay ang pinagsusulatan ng pangalan ng mga magulang ko.

Darin Hale Argento at Lovi Ann Argento. Bold letters in gold paint. Naghalo-halo ang emosyon sa dibdib ko. Lungkot, dahil wala na sila talaga. Yan ang katotohanan. Pero may saya din, habang inaalala ko ang mga bonding namin noon.

"Itinuro sa akin nila mama at papa na hindi dapat nagtatanim ng galit kahit kanino.", sabi ko nang lumingon ako kay lolo. Napatingin din sya sa akin. "At alam kong gano'n din sila sayo, lolo. Alam kong hindi sila galit dahil hindi nyo naman po kasalanan eh. Alam ni mama at papa na kung alam nyo ang mangyayari, hindi nyo sila ipapahamak.", sabi ko. Niyakap ako ni lolo at muli ay naramdaman ko ang pag-iyak nya. Napaiyak na din ako.

"You really have that sunshine with you. A lot like your dad.", sabi ni lolo nang magbitaw kami. Nakangiti na sya at parang umaliwalas na ang mukha nya. Ngumiti din ako sa kanya.
---

MAGDIDILIM na nung makauwi kami ni lolo. Inabutan namin si Maddi at tita Morinne na parang nagtatalo sa sala. Wala na ang mga kaibigan nito. Siguro umuwi na.

"No, mom! She did that! She hurt my friend and she embarassed me in front of them!", inis na sabi ni Maddi. Oops. Mukhang ako ang isinusumbong nya.

"What's going on?", tanong ni lolo habang palapit kami. Lalong sumama ang timpla ni Maddi nang makita ako.

"Papa.", bati ni tita Morinne at bumeso kay lolo. "We're just talking about something."

"That girl, lolo. She hurt my friend earlier!", sumbong ni Maddi kay lolo. Napatingin silang lahat sa akin.

"I guess what really happened was Holy was trying to protect herself.", sabi ni Harold mula sa likod namin.

Naglakad sya palapit sa amin at bumati kay lolo at tita Morinne. Ngumiti sya sa akin nang makita nya ako. Mukhang kauuwi nya lang din.

"Did you see what happened? You weren't there!", sigaw sa kanya ni Maddi.

"I was there kaya nakita ko.", kalmadong sabi ni Harold. "Your friend tried to slap her. She just defended herself.", sabi nya pa.

"Is that what happened, Holy?", tanong sa akin ni lolo. Lahat sila ay nakatingin sa akin kaya kinakabahan ako kahit na alam kong wala naman akong ginawang masama.

"O-opo.", sagot ko.

"Maddi! How could you let your friend hurt your cousin??", hindi makapaniwalang tanong ni tita Morinne. Nakasimangot lang naman si Maddi.

"It was her fault! She deserves that!", sabi ni Maddi sabay takbo paakyat sa taas. Tinatawag sya ni tita Morinne pero hindi ito lumingon.

"I'm sorry, papa. Holy.", sabi nya sa amin ni lolo.

She smiled apologetically at me. Ngumiti lang din ako kahit nagulat ako sa inasal ni Maddi.

"I'll talk to her.", sabi ni tita at umakyat na din sa taas. Umiling-iling naman si lolo at umakyat na din sa kwarto nya.

"Tsk, tsk.", palatak ni Harold. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. "Welcome to spoiled kid's drama.", sabi nya sa akin sabay hagalpak ng tawa.

Baliw din ang isang 'to eh.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon