PAGDATING sa dining area ay bumungad sa akin ang isang mahabang lamesa na kasya yata ang benteng katao. Ang mga silya, tulad ng lamesa, ay gawa sa kahoy na pinakintab.
"Sit here.", utos ni mom. Pinaupo nya ako sa mahabang gilid at sya naman doon sa maikling gilid. Nag-iisa lang ang upuan nya sa side na yon. Sa ibabaw ng lamesa ay iba't-ibang masasarap na pagkain ang nakalagay doon. May buttered shrimp, adobong manok at pork sinigang. May matatamis din tulad ng buko salad, macaroons at chocolate truffles. Agad akong nakaramdam ng gutom. Kelan nga ba ang huling beses na nakakain ako ng masarap? "Kumain na tayo.", sabi ni mom at kinuha ang bowl ng rice. Akmang lalagyan nya ako sa plato pero pinigil ko sya.
"Ako na po.", nakangiting sabi ko. Hinayaan nya naman ako.
"Do you wanna go shopping mamaya, hija? Para makapamili ka na din ng gamit mo for school.", maya-maya ay tanong nya habang kumakain kami.
"Sige po.", sang-ayon ko sabay subo ng kanin.
"Great.", sabi nya pagkatapos ay lumingon sa maid na papasok sana sa kusina. "Annie, wala pa ba si Chance?", tanong nya dito.
"Wala pa po, madam.", sagot nito na nanatiling nakatayo sa daanan. Sinenyasan naman ito ni mom na magtuloy na sa ginagawa.
"Ang batang yon talaga. Tsk.", palatak ni mom. Bakas ang pag-alala sa mukha nya. Si Chance nga pala ay ang nag-iisang anak nyang lalaki. Nabanggit nya na yun sa akin pero hindi pa kami nagkikita.
Pagkatapos kumain ay pinahatid na ako ni mom sa magiging kwarto ko. Pagka-alis ng maid ay agad kong binuksan ang pinto at napangiti ako sa nakita ko. Maaliwalas ang kwarto dahil sa kulay light blue na pintura ng bawat pader. Ang kisame naman ay kulay puti. Air conditioned ang kwarto pero meron pa ding ceiling fan na nakakabit doon.
Malaki din ang kama ko na kulay beige ang cover. Gano'n din ang kulay ng punda ng mga unan. May isang cabinet at drawer na gawa sa kahoy ang nandoon para sa mga damit ko. May side table at study table din doon bukod sa coffee table na nasa bandang paanan ng kama katabi ng kulay asul na single sofa. Binuksan ko ang malaking bintana ng kwarto at mula doon ay kita ko ang malawak na swimming pool. Ang sosyal talaga, sa isip ko.
Hindi ito ang first time na makapasok ako ng magarang bahay pero dahil sa tagal ng panahon na pagala-gala ako, feeling ko ito ang first time. Hehe. Inayos ko ang ilang pirasong damit na dala ko at inilagay na yun sa drawer. Sa cabinet ay may nakasabit nang dalawang tuwalya at isang bathrobe. Kinuha ko ang tuwalyang puti at dumiretso sa banyo.
Maganda din ang banyo. May sariling cabinet para sa sabon, shampoo, lotion at iba pang arte sa katawan. May sink at toilet bowl sa kabilang dulo. At ang shower ay merong heater! Bath tub na lang kulang, para na akong nasa bonggang hotel talaga. Agad na akong nagtanggal ng damit at nagsimula ng maligo.
---"Ready?", tanong sa akin ni mom pagbaba ko ng hagdan. Pupunta kami sa mall para mamili ng mga gagamitin ko daw sa school. Tumango ako at naglakad na kami palabas ng bahay.
Pasakay na sana kami ng kotse nang biglang may dumating na humaharurot na pulang sports car. Is that Maserati GranTurismo? Wow! Nanlalaki ang mga matang napatingin ako doon nang tumigil ito sa tapat ng bahay. Mabilis na lumabas ang driver nito at akmang tatakbo sa loob ng bahay pero tinawag sya ng babaeng katabi ko.
"Chance!", tawag sa kanya ni mom. Agad naman itong napalingon sa amin. So, sya pala ang unico hijo.
"Oh. Hi, mom!", bati nito at bumeso pa sa pisngi ng babae. "Where are you going?", tanong nito.
"I should be the one asking. Where have you been?!", galit na tanong ni mom dito. Napakamot naman sa ulo ito na parang bata.
"Mom, I told you may photo shoot ako today.", paliwanag nito. Photo shoot?
"Pinayagan ba kita?", mataray pa din na tanong ni mom. Lalong napasimangot ang binata sa sinabi nya.
"Mom naman...", mahinang sabi nito.
"Go on in. We'll talk later.", sabi ni mom at sinenyasan na akong pumasok sa kotse. Sumakay naman ako.
"Who's she?", tanong ni Chance nang mawala ako sa paningin nya. Hindi ko na din sya kita sa loob.
"Later, son.", sabi ni mom at sumakay na din. Pinaandar na ni kuya Ferdi ang kotse papunta sa mall.
---LIMANG paper bags ang dala ko sa bawat kamay ko papasok sa bahay pero marami pang naiwan sa kotse. Ang akala ko eh mga notebook, ballpen lang ang bibilhin namin. Yun pala eh kung anu-ano pang gamit! May mga shirt, dress, jeans, shorts, sando at underwear. May tatlong bagong backpack din na iba-iba ang laki at designs. Binilhan din ako ni mom ng cellphone at laptop. Kailangan ko daw ang lahat ng yun. Nag-grocery din pala kami ng mga ilalaman sa personal ref ko na nasa kwarto.
Nagpapasalamat naman ako pero nabigla talaga ako sa dami ng pinamili namin ngayong araw. Babalik pa sana ako sa kotse para kunin ang ibang pinamili nang tawagin ako ni mom sa sala.
"Let the maids do it, dear. Halika dito.", sabi nya sa akin. Lumapit naman ako at naupo sa sofa na katapat nya. Maya-maya ay bumaba na din si Chance galing sa 2nd floor. Magulo ang buhok nito na parang bagong gising. "Sakto ang baba mo. Come here, son.", tawag nya dito. Walang imik naman na naupo ito sa tabi nya. "I want you to meet Holy. Dito na sya titira sa atin. Treat her as a family.", pakilala ni mom sa akin. Ngumiti naman ako dito pero pinagmasdan lang ako nito.
"H-hi?", naiilang na sabi ko. Pero hindi pa din ito natinag. Sumeryoso na din ako ng mukha at ginaya ang pagtingin nito na parang sinusuyod ang pagkatao ko.
Matangkad si Chance. Maputi din, halatang anak mayaman. Makapal ang mga kilay nito at kulay itim ang hugis almond na mga mata. May nunal ito sa kanang bahagi ng matangos nitong ilong. At ma-pink ang maninipis na labi. Sa madaling salita, gwapo.
"Holy, this is my son, Chance.", pakilala ni mom sa anak nya. Pero hindi din ako natinag sa pagtingin dito.
"What?", parang iritableng tanong nito sa akin nang hindi ko alisin ang tingin ko. "Why are you staring like that?", tanong pa ulit nito. Natawa naman ako.
"Paano ba ko tumingin? Eh ginagaya lang naman kita.", nakangiting sabi ko. Sumimangot lang naman ito na parang bata tsaka inalis ang tingin sa akin.
"I hope magkasundo kayo, son. Dahil sa Monday doon na din sya papasok sa school mo.", sabi ni mom. Nakasimangot pa din ito habang ako naman ay natatawa sa mukha nya.
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...