DALAWANG exam na lang ang meron kami ngayon kaya naman maaga kaming makakauwi. Naisip ko na puntahan muna si Reeya sa tindahan nila para makibalita. Ilang araw na din simula nung magkausap kami sa phone eh.
"Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita.", sabi sa akin ni Chance na nakatayo lang sa tabi ko. Nakapamulsa pa sya habang sukbit sa kanang balikat ang bag nya.
"Dadaan pa ako kina Reeya eh.", sabi ko.
"Okay. Ihahatid pa din kita.", nakangiting sabi nya. Actually, kanina pa talaga sya ngiti ng ngiti.
"Paano mo ko ihahatid eh may dala din kaming sasakyan.", sabi ko.
"Pasunurin mo na lang si Punch. Pwede naman yun, di ba??", inis na sabi nya. Nginusuan pa ako na parang bata. Napangiti tuloy ako sa kanya.
"Alam mo, para kang bata.", natatawang sabi ko.
Kinuha nya ang kahon ng cake na may rose na naka-tape sa ibabaw at nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at tsaka ako hinila na palabas ng room.
"Basta ihahatid kita. Wala kang magagawa.", sabi nya. Nag-elevator pa kami at nakasabay namin doon si Harold, Cristina, Jessa at Nigel.
Medyo naasiwa pa ako dahil nakita kong nakatingin sa amin si Jessa. Hindi naman sya mukhang galit o ano pa man, parang wala lang eh. Kaso ewan ko, naasiwa ako. Siguro dahil nakita ko yung mga paglapit-lapit nya kay Chance.
"Harold, pakisabi kay tita at lolo na pupuntahan ko yung kaibigan ko dyan lang sa may simbahan. Baka kasi magtaka na wala pa ako sa bahay kapag dumating ka na don. Hehe.", paliwanag ko kay Harold nang makalabas kami nang elevator.
"Sure. Ingat ka ah.", sabi nya sa akin.
"Wag kang mag-alala, ihahatid ko sya at iingatan ko din.", biglang sabat ni Chance. Nagulat ako nang makita na nakangiti sya kay Harold.
"I know.", sabi ni Harold sa kanya. "I'll go ahead.", sabi nya at tinapik pa sa balikat si Chance. Ano yun??
"Okay na kayo?", takang tanong ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Si Harold naman ay nakita kong sa kabilang parking lot nagpunta.
"Oo.", masayang sabi ni Chance. "Alam ko nang hindi ko dapat sya pag-selosan. In fact, nakita nya ko kanina na dala yung rose at cake sa parking lot. Sya ang nag-suggest na sa room ko na lang idiretso at mas masu-surprise ka doon.", nakangiting paliwanag nya.
Tsk! Si Harold pala ang pasimuno. Halos himatayin ako sa kaba kanina eh!
"Dami nyong alam.", bulong ko.
At hindi nya naman iyon narinig. Pagdating sa parking lot ay nakita agad kami ni Punch. Hindi ba ito umalis doon? Doon pa din kasi sya naka-park sa pwesto kanina.
Chance
"UUWI ka na ba?", tanong ni Punch kay Holy nang makalapit kami. Umiling naman si Holy."Hindi pa. Dadaanan ko muna yung kaibigan ko dyan lang sa may simbahan.", sagot nya. Bubuksan na sana ni Punch ang pinto sa back seat ng kotse nya pero pinigilan ko sya.
"Ako na ang maghahatid sa kanya.", sabi ko. Sandali pa syang natigilan at nagsalitan ng tingin sa amin ni Holy. Pagkatapos ay ngumiti ng nanunukso. What the hell?
"Kids inlove.", bulong nito pero narinig pa din namin. "Sige, convoy na lang ako.", sabi nya.
Kids inlove? Tsk. Alam din! Hahaha! Nangingiti akong lumakad papunta sa kotse ko at pinagbuksan ng pinto si Holy. Nakita kong namumula ang mukha nya. Ang cute cute nya! Inilagay ko sa back seat ang cake at sumakay na din.
Bago lumabas sa parking lot ay bumusina muna ako kay Punch. Bumusina din sya at sinundan ang kotse ko palabas ng school grounds.
"Anong gagawin mo kina Reeya?", tanong ko maya-maya.
"Makikibalita lang. Hindi na kami nagkikita eh.", sagot nya.
Tumango-tango naman ako. Maya-maya lang ay naka-park na ang kotse malapit sa tindahan nila Reeya. Walang bumibili kaya tahimik. Bumaba kami pareho ni Holy. Si Punch naman ay nakapark lang sa tapat na kalsada.
"Akala ko naman customer na!", sabi ni Reeya nang makita kami. Maliit lang ang tindahan nya at mas mainit sa loob kesa sa labas kaya hindi na ako pumasok doon.
"Parang ayaw mo pa kong makita ah.", sabi naman ni Holy. Natawa si Reeya sa sinabi nya. "Anong balita? Nasaan si Josa?", tanong ni Holy.
"Nasa bahay. Nagbabantay kay nanay.", sabi nya.
"How is she?", curious na tanong ko.
"Okay naman na. Salamat sa tulong mo.", parang nahihiya na sabi nya. Ngumiti lang ako.
"Eh bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nalugi.", tanong ni Holy sa kaibigan. At noon ko lang nga napansin na parang matamlay nga si Reeya. Tumingin sya sa akin na parang naiilang.
"A-ah, doon muna ako sa may kotse.", paalam ko sa kanila.
Tinanguan lang ako ni Holy kaya naglakad na ako palayo. Baka private kasi ang pag-uusapan nila. Mga ilang minuto din akong nakatayo lang doon sa gilid ng kotse ko nang may lumapit sa akin na dalawang babae. Naka-school uniform sila na hindi ko kilala.
"Hi, kuya. Magtatanong lang kung alam mo ang lugar na 'to.", sabi nung isa sabay pakita ng phone nya na may address.
"It's three streets away. I think may jeep na dumadaan dito papunta dyan.", sagot ko.
"Baka pwede mo kaming ihatid, kuya?", maarteng tanong nung isa na mas maliit. Napatingin ako sa kanila at pareho silang may pilyang mga ngiti.
Tsk, ang babata pa eh mga ganito umasta sa lalaki.
"Sorry, but I'm waiting for someone eh.", sabi ko. Pero nagulat ako ng hawakan nila ako pareho sa magkabilang braso.
"Sige na, kuya. May car ka naman eh. Ililibre ka namin after.", sabi nung isang may hawak sa phone. Hinihigit ko ang braso ko pero hinahawakan nila ulit iyon kapag nakakawala na ako. Naisip ko si Holy. Baka makita nya kami at kung ano pa ang isipin.
"Please, bitawan mo ko. Baka makita tayo ng kasama ko eh.", sabi ko na may pagmamakaawa na sa boses. Pero lalo lang silang lumapit.
"Anong meron?", tanong ng isang boses. Si Holy. She's standing in front of us with her arms crossed in front of her.
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...