Chapter 65

158 5 0
                                    

"Y-YUNG... yung mga sinabi ko sayo sa school... h-hindi yon totoo.", mahina at nauutal na sabi ni Joyan.

"Ano?", naguguluhan pa din na tanong ko.

"Ayusin mo kasi salita mo!", sigaw ni Maddi kay Joyan. Bahagya nya pa itong itinulak at muntik nang madapa si Joyan.

"I lied.", sabi ni Joyan. Seryoso akong nakatingin sa kanya. "Wala kaming relasyon ni Chance. In fact, hindi nya ako kilala until that day na nagkita kami sa bar.", paliwanag nya. Parang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"What about... yung pictures?", tanong ko. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

"I set him up. Sinadya ko syang landiin and I told my friends to take photos of us. Make it look like we actually kissed.", paliwanag nya. Nakatungo sya sa marmol na sahig at parang hiyang-hiya.

"Pero hindi iyon totoo?", tanong ko. Umiling sya.

"N-no. I almost k-kissed him pero itinulak nya ko.", sagot nya. "That's when Maddi saw us.", dagdag nya pa.

Napatingin ako kay Maddi. Nakapameywang sya malapit kay Joyan at nakataas ang isang kilay.

"Nandoon ka?", tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat si Maddi.

"Yes. But I thought, me saying what I saw isn't enough. So there goes the mastermind.", sagot nya na may malditang ngiti sa mga labi nya.

"I'm sorry! I'm so sorry, please don't ruin my life. My family's life.", pagmamakaawa ni Joyan. Umiiyak na sya at nanginginig ang mga kamay.

"You almost ruined us. Me and Chance tapos ganyan ang sasabihin mo sa akin??", galit na sigaw ko sa kanya.

"God, you're unbelievably annoying.", sabi ni Maddi kay Joyan.

"Ang kapal ng mukha! Sampolan mo yan, Holy!", gigil na sabi ni Reeya.

Nilapitan ko si Joyan at akmang susuntukin sya pero hindi pa man tumatama ay napangiwi na si Joyan.

Huminga ako nang malalim at napapikit. Naalala ko yung huling pag-uusap namin ni Chance. Yung mga sinabi nya sa akin at yung mga sinabi ko sa kanya.

"I think you're not worthy of my trust."

Yun yata ang pinakamasakit na nasabi ko sa kanya.

"Tsk!", palatak ko sabay layo kay Joyan.

Napaupo naman ito sa sahig at umiyak. Pero hindi ko na sya pinansin.

Hinanap ko ang number ni Chance sa cellphone ko para tawagan sya nang maalalang binura ko nga pala! Kahit ang mga messages at calls nya, binura ko din! Bakit ko ba kasi binura eh?! Napatingin ako kay Punch na nakatayo lang sa tabi ng kotse.

"Tara sa bahay nila Chance.", sabi ko sabay takbo pasakay sa passenger seat.

"Huy, Holy gabi na! Bukas ka na pumunta!", sabi ni Reeya pero hindi ko sya pinansin. Hindi ko na pwedeng ipagpabukas 'to.

"I have to go.", sabi ko. "Tara na.", baling ko kay Punch. Nag-drive naman sya papunta sa bahay nila Chance.
---

AGAD kaming pinapasok ng guards nila Chance dahil kilala naman nila ako. Pagdating sa tapat ng bahay ay bumaba agad ako ng kotse at nagmamadaling kumatok sa bahay. Nakasarado na ang pinto. Natutulog na kaya sila? Napatingin ako sa wrist watch ko. 10:24pm. Maaga pa naman para matulog sila.

Tok! Tok! Tok! Tok!

Katok ko ulit at maya-maya nga ay bumukas ang pinto.

"H-holy!", bulalas ni Monica. Halatang nagulat sya sa pagdating ko.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon