Epilogue

281 9 3
                                    

"TAMA na pictures mo. Yung graduates na muna.", sabi ni Reeya kay Maddi na panay ang pa-picture kay Punch.

Napasimangot si Maddi sa kanya pero hindi sya umimik. Kinuha nya ang DSLR camera nya kay Punch at nakangiting bumaling sa amin.

"Okay, magsitabi kayo!", tawag nya sa atensyon namin. "I mean, magtabi-tabi kayo.", dagdag nya. Humilera kami nila Harold at Chance sa harap ng mataas na puno at tumingin sa camera. "One, two, three. Smile!"

Yes! Graduation namin today! Actually, katatapos lang ng ceremony. Mabilis na lumipas ang mga araw at sa dami din ng mga challenges na dumating sa bawat isa sa amin, hindi namin namalayan na 'eto na pala. Graduation na.

"With the parents naman and guardians naman.", sabi ni Maddi. We shuffled at unang kinuhaan nya ng picture si Chance at mom Amanda.

"Congrats again, anak. I'm so happy!", sabi ni mom Amanda kay Chance. Ngumiti lang naman ng matamis si Chance.

"Smile po! One, two, three!", click. Sumunod naman kami nila tita Morinne at lolo Damian.

"Take a beautiful picture of us, anak.", sabi ni tita Morinne kay Maddi. Ngumiti naman si Maddi dito.

"You're pretty at any angle, mom. Nagmana yata ako sayo!", sabi nya.

Natawa naman kaming lahat. Pero totoo naman. Maganda talaga sila pareho. After ng picture taking ay nakipagbatian din kami sa iba pa naming kaklase na nag-graduate.

Si Cristina ay naka-graduate din. Plano nyang mag-take ng culinary sa college. Samantalang si Harold ay engineering. Si Reeya naman ay mag-aaral na din next year! Pag-aaralin sya ni tita Morinne, second year highschool na sya pagpasok.

Nga pala, masaya si Reeya ngayon kasi sa wakas napapansin na sya ni Harold na kelan ko lang nalaman na crush nya pala. Tsk! Ang babaeng ito talaga.

Si Maddi naman ay next year na babalik sa college. Okay na sya ngayon, hindi na mahilig sa party at lalo naman sa mga pinagbabawal na bagay. Minsan na lang din sya maldita. Hehe. At ito ang balita, sila na ni Punch! Alam ko naman na may gusto si Punch kay Maddi. Mas sya pa nga yata ang kilig na kilig sa kanilang dalawa eh. Hindi ko lang akalain na sasagutin sya ni Maddi. Hindi naman sa pang-aano ha, dahil gwapo naman si Punch, mabait at maipagtatanggol ka kahit anong oras. Bagay sila talaga. Akala ko lang kasi, ang type ni Maddi ay yung mga model din gaya nya. Hahaha!

Ako nga pala, magtetake ako ng business management para naman matulungan ko si lolo sa mga business nya. Ganon din si Chance at itutuloy nya na din ang pagmo-modelo nya. Approve na ni mom Amanda! Hehe.

Maya-maya ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napalingon ako at si Chance iyon. Nakatanaw sya sa malayo at ini-nguso ang daan.

"Tara doon.", sabi nya at hinila ako palayo sa karamihan.

Naglakad-lakad kami sa garden ng school namin ng tahimik. Parang pareho kaming may mga iniisip. Ang college ang iniisip ko pero sya hindi ko alam pero bigla syang tumigil sa paglalakad sa ilalim ng puno ng nara. May kinuha sya sa bulsa nya na maliit na kahon at humarap sa akin.

"I really wanted to give you this nung araw na sinagot mo ko eh.", parang nahihiya na sabi ni Chance. And yes, it's official. Kami na. Yiiie. Hahahaha! "Nahiya lang ako ibigay.", sabi nya.

"Ano ba yan?", curious na tanong ko sabay lapit sa kanya.

Binuksan nya ang kahon at laman non ay dalawang singsing. Infinity ang design na may bato sa gitna. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Could it be..?

"Don't look so pressured. It's nothing official.", natatawang sabi nya.

"Ha? Wala naman akong iniisip na ganon eh.", sabi ko.

Ayan, ang hilig mo kasing mag-imagine, pagalit ko sa sarili ko. Kinuha ni Chance ang isang singsing at inabot ang kamay ko.

"Pero I want you to wear this ring as a sign of my promise that no matter what, you'll always be my girl. Honestly, when I met you it never came to me that I would like you. Let alone love you this much. Pero 'eto na eh. Nangyari na. But I don't regret falling for you.", sabi nya na nakangiti sa akin.

Nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko kaya alam kong sincere sya sa mga sinasabi nya. Isinuot nya ang singsing sa ring finger ko. Sakto yun.

"You will always shine the brightest than anybody else.", sabi nya pa. Napangiti ako. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya at kilig!

Kinuha ko ang isa pang singsing na nasa kahon at isinuot din yon sa kanya.

"I want you also to wear this ring as a sign that you are actually taken.", sabi ko. At sabay kaming natawa. "Wala ng ibang babaeng pwedeng umali-aligid sayo kundi ako lang!", dagdag ko pa. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinisil iyon.

"Don't worry. I know that!", sabi nya. "I love you, my love.", sambit ni Chance.

"I love you too, my love.", nakangiting sabi ko.

Alam ko marami pa kaming pagdadaanan pero ganito siguro talaga kapag inlove ka. Pakiramdam mo kahit ano pang mangyari, basta andyan ang mahal mo, lahat kakayanin. Magiging positive ka kahit pa may mga negative. Naalala ko yung araw na nakilala ko si mom Amanda, nung tinulungan ko sya sa magnanakaw. I secretly thank that thief, kung hindi nya ninakawan si mom Amanda hindi ko iyon makikilala. At hindi ko din makikilala si Chance at ang pamilya ko.

Kapag nakita ko ulit ang magnanakaw na yun, may premyo sya sa akin. Hahahahaha!

- THE END

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon