Chapter 60

110 4 0
                                    

Holy
NASA loob kami ng kotse na dala namin ni Punch kanina. Ang pinagkaiba nga lang ay si Maddi ang kasama ko sa loob ng kotse at si Punch naman ay nasa loob pa ng bar. Natapos na ang gulo sa bar pero ang pag-iyak ni Maddi ay hindi pa din tumitigil. Kanina pa sya iyak ng iyak. Natatakot na nga ako na baka mag-breakdown sya.

"T-tama na, Maddi.", sabi ko na hinahagod pa ang likod nya. Hindi naman nabawasan ang paghagulgol nya. "Tapos na. Okay ka na.", dagdag ko pa.

Napaangat sya ng tingin sa akin. Napangiwi pa ako dahil kumalat na ang make-up sa mukha nya.

"No, it will not be okay.", sabi nya. Galit ang boses nya. "M-mom knows it already. She'll h-hate me.", sabi nya.

Napatingin ako sa labas at nandoon nga si tita Morinne na may kausap na mga pulis. Alam nya na pala ang tungkol dito. Gano'n din si Harold kaya naman nakagawa na sila ng plano para iligtas si Maddi.

"Sa tingin ko... she'll never hate you.", sambit ko. Nakatingin lang naman sa akin si Maddi. "Tingnan mo. Alalang-alala sayo si tita Morinne. Okay, siguro pwedeng pagalitan ka nya pero yung hate? It's such a strong word. Pero may mas strong pa doon eh. Alam mo kung ano?", tanong ko.

"W-what?", parang batang tanong ni Maddi. Napangiti naman ako.

"Love. Love is stronger than hate. At mahal ka ni tita Morinne.", sabi ko.

Unti-unti naman na tumigil na sya sa pag-iyak. Dinampot ko ang tissue na nasa dashboard at inabot yun sa kanya.

"K-kumalat na yung make-up mo eh.", pigil ang tawang sabi ko. Pero sya ang natawa.

"Thank you.", sabi nya sabay punas ng tissue sa mukha nya.

Ilang minuto pa ay nakita kong palapit sa amin si tita Morinne. Binuksan ko ang pinto ng kotse para salubungin sya.

"Tita...", sabi ko nang makababa ako.

"Holy, thank you for being here.", sabi nya sakin at niyakap nya ako.

Mabilis din naman syang kumawala sa yakap na yon at nilapitan si Maddi na nasa back seat din. Naupo sya doon pero hindi isinara ang pinto kaya naman dinig ko ang usapan nila.

"M-mom. Mom, I'm sorry.", sabi ni Maddi at umiyak na naman. Niyakap sya ng mahigpit ni tita Morinne.

"Sshhh. Baby, it's okay. You're okay. No one will hurt you. Don't cry.", pag-aalo nya dito pero lalo naman itong umiyak. Mahigpit din ang yakap nya kay tita Morinne.

"Sorry, mom. Don't hate me please.", parang bata na sabi ni Maddi.

"I will never hurt you, anak.", sabi ni tita Morinne.

Suddenly, naalala ko si mama at papa. Namimiss ko sila. Tsk. Napaka-swerte mo andyan pa ang mommy mo, sa isip ko. Naglakad ako palayo sa kanila at papunta kina Punch at Harold na ngayon ay nasa labas na ng bar. Kasama din nila ang iba pang tauhan ni tita Morinne.

"O ano? Buhay pa kayo? Hahahahaha!", tanong ko sa kanila. Natawa naman ang iba sa kanila, ang iba ay nakangiting napapailing lang. "Ang lakas ng sapak ni Punch eh. Ngayon alam ko na kung bakit yan ang nickname mo.", natatawa pa ding sabi ko.

"Oo at ikaw tinawanan mo lang ako. Aba, kahit nasa malayo na ako nangibabaw pa din ang tawa mo eh.", biro din sa akin ni Punch.

"Bagsak kasi eh. Hahahaha!", sabi ko. "Pero sila ba ang mastermind?", tanong ko. Umiling si Harold.

"No. Nahuli na din sya, don't worry. Si Alpha Roy Riva.", sabi nya. Nagulat ako sa sinabi nya.

Tama ba ako ng dinig?

"Alpha Roy Riva? Yung model?!", hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango lang si Harold. "Akalain mo. Masamang tao pala yun?", tanong ko.

"Kilala mo yun?", tanong ni Punch sa akin.

"Isang beses ko lang sya na-meet. Doon sa model agency nila Chance at Maddi.", sagot ko.

"Tumawag sa akin si Chief Gabriel. Nasa presinto na si Alpha Roy. They need Maddi there para sa testimony nya.", sabi ni tita Morinne nang makalapit sa amin. "Holy, please go home. Magpahinga ka na sa bahay.", sabi nya nang bumaling sya sa akin.

"Yes, tita.", sagot ko.

"Punch, please drive Holy home. But pumunta ka din sa presinto after that. We need you there as well as Harold.", sabi nya.

Tumango naman ang dalawa. Kinausap nya pa ang ibang tauhan nya habang naglakad na kami ni Punch papunta sa kotse namin.

"H-holy!", tawag sa akin ni Maddi. Napatingin ako sa kotse na nasa likod. Nakalipat na pala sya sa kotse ni tita Morinne.

"Ano yun?", tanong ko nang makalapit sa bintana.

"T-thank you.", sambit nya. Napangiti ako. Pwede naman pala syang maging mabait eh, sa isip ko.

"Wala yun. Wala din naman akong ginawa.", sabi ko sabay tawa.

"Anong wala? Eh ikaw nga itong nagmamadaling sundan si Maddi nung umalis sya sa bahay nyo.", singit ni Punch na nasa likod ko pala.

"Ikaw naman ang unang sumapak. Hay naku!", balik ko sa kanya. Natawa naman si Maddi sa amin.

"T-thank you din, Punch.", pasalamat nya sa lalaki. Napangiti naman si Punch nang marinig yon.

"Wala yun.", parang nahihiya pang sabi ni Punch.

Nagulat ako sa reaksyon nya na yon at para gusto ko syang sigawan ng 'pabebe' ang kaso ay baka mainis sa ingay ko si Maddi. Nakita ko pa na bahagyang namula ang mukha ni Punch nang ngumiti si Maddi.
---

HINATID lang ako ni Punch sa mansion at nang masigurado na nasa loob na ako ay tsaka sya umalis papunta sa presinto. Pagod na naglakad ako paakyat sa kwarto ko. Naligo na muna ako at nag-toothbrush ulit tsaka nahiga sa kama ko.

"Hays. Intense ang mga nangyari ngayong gabi ah.", sabi ko sa sarili ko. Masaya ako na ligtas na si Maddi pero anong mangyayari sa kanya ngayon?

Ikukulong din ba sya? O kukunin lang syang witness laban don kay Alpha Roy? Alam na din kaya ito ni lolo? Tsk. Magagalit kaya sya kay Maddi? Pero... sa nangyari ngayon, okay na ba kami? Ang bait nya naman sa akin kanina eh.

Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko nang mapatingin ako sa cellphone ko. Dinampot ko iyon at may text pala si Chance.

Goodnight, my love. I love youuuu ❤️

Simpleng message lang pero napangiti talaga ako. Gusto ko na syang makita bukas.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon