Chapter 23

223 18 10
                                    

"TALAGA? Nag-date kayo ni Chance?!", gulat pero masayang sabi ni Reeya mula sa kabilang linya nang sabihin ko na lumabas kami kahapon.

"Anong date? Gaga hindi 'no.", sabi ko sa kanya.

Ano ba naman ang mga tao ngayon? Puro date ang alam, sa isip ko.

"Kasama namin yung isang kaklase namin na si Harold at yung pinsan nung kaklase namin na yun!", paliwanag ko pa.

"Ay, akala ko pa naman nag-date kayo.", nanghihinayang na sabi nya. Kung kaharap ko lang 'to ay tinuktukan ko na 'to para matauhan eh.

"Musta naman dyan sa inyo?", pag-iiba ko sa usapan. Bumuntong-hininga naman muna sya bago sumagot.

"Ayun. Nagkasakit si nanay eh, kaya kaming dalawa muna ni Josa ang tumatanggap ng labada. Kung sa tindahan lang kasi kami aasa eh wala. Nganga kami.", natatawang sabi nya pero ramdam ko ang bigat ng loob nya.

Matanda na din ang nanay nya kaya hindi na ako magtataka kung sakitin na ito.

"Daan ako dyan bukas sa tindahan, pahiramin muna kita para hindi na muna kayo tumanggap ng labada.", sabi ko. Agad naman tumanggi si Reeya.

"Huy, wag na at baka masanay lang kami nyan! Tsaka baka mawalan ng customer si nanay kapag tinanggihan namin. Baka sa iba na magpalaba.", sabi nya. Napangiti naman ako. As expected kay Reeya. Nahihiya na naman tumanggap ng tulong.

"Eh di yung tindahan ang isara nyo muna tsaka kayo maglaba hanggang mapudpod ang kamay nyo. Yan pala gusto mo eh.", natatawang sabi ko. Natawa din naman sya mula sa kabilang linya.

"Gaga! Ang tino mo talaga kausap eh!", sabi nya at lalo naman akong natawa.

Maya-maya ay may napansin ako sa labas ng gate namin. Nasa veranda kasi ako at mula doon ay tanaw ang labas ng gate at ang kalsada. Parang may gumalaw doon sa may likod ng puno. Pinagmasdan ko yung mabuti at tama nga ako. May tao dun! Nakaharap sya sa mansion at parang nagmamasid.

"Sandali lang, Reeya. Patayin ko muna 'tong tawag.", sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nya at agad na inilagay sa bulsa ang cellphone ko.

Sumilip ako sa baba at nakita ko sa garahe si Chance na naglilinis ng kotse nya. Tumingin ulit ako sa labas at andoon pa din yung tao. Parang lalaki iyon at nakaitim na suit.

Sino kayang tinitingnan nito? Si Chance? Ang mansion? Magnanakaw ba yun? Habang nag-iisip ay mabilis akong tumakbo pababa. Nagulat pa sa akin si aling Dolor na noon ay naglilinis sa sala.

"O hija, baka madulas ka!", sabi nya pa sa akin pero hindi ko sya pinansin at nagtuloy sa labas ng mansion.

Pero nang tumingin ako sa labas ng gate ay wala na dun yung lalaki kanina. Tsk! Ang bilis naman nun! Nakita nya ba ako? Lumapit ako sa may garahe at mula doon ay kita din ang labas ng gate kaya posibleng si Chance nga ang tinitingnan nya.

"Why? What's wrong?", tanong sa akin ni Chance nang makita nya ako na nakatayo doon. Lumakad ako palapit sa kanya.

"Ano kasi, napansin mo ba yung lalaki na nasa may gate kanina?", tanong ko sa kanya. Nagtataka naman sya na tumingin doon pagkatapos ay sa akin ulit.

"Wala naman akong napansin.", sabi nya. "Bakit ba? You look so worried.", sabi nya na nag-aalala na din. Pinilit ko naman ngumiti sa kanya.

"Wala. Baka sa kabilang bahay yon. Nagkamali lang ako. Hehe.", sabi ko at pinipilit din yun sa isip ko. Pero bakit iba ang nararamdaman ko

Naalala ko yung umagang huling magkakasama kami nila mama at papa. Ganito din yun. May nakita akong nagmamasid sa labas namin pero hindi ko pinansin. Hinayaan ko lang kahit may kutob na ako.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon