Chapter 31

165 13 17
                                    

PAKIRAMDAM ko ay nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Atty. Cruz. Akala ko yun na ang pinaka-matinding balitang dala nya pero may iba pa pala.

"Here is Atty. Chua, he is the lawyer of Damian Argento... your grandfather.", dagdag nya pa. Nanlaki ang mga mata ko na napatingin kay Atty. Chua.

"Matagal ka ng ipinapahanap ng lolo mo, Holy. Pero dahil walang records mo anywhere, medyo nahirapan kami. But now that we've found you, your lolo wants custody of you.", bahagya akong napangiti sa narinig ko pero kasabay non ang mga luha ko.

Oo, kilala ko si lolo pero mula nga nung 10 years old ako ay hindi na kami nagkita ulit. Hindi ko akalain na ipapahanap nya ko at mahahanap nga nya ko. Pero bigla akong may naisip.

"S-sila mama at papa? Nahanap nyo din ba sila?", nakangiting tanong ko.

Nabuhayan ang loob ko na baka buhay pa sila. Na baka nahanap din sila ni lolo. Na baka naghihintay na sila sa akin kasama ni lolo. Tumango si Atty. Chua at halos magalak na ang puso ko pero agad na nagsalita din ito dahilan para gumuho ang pag-asa ko.

"They were found, yes. But dead. I'm sorry, Holy.", sabi nya. Dead. Patay. Patay na sila.

Nagtuloy sa usapan sila mom at ang dalawang abogado pero para akong napunta sa ibang dimensyon. Naririnig ko sila pero malabo, hindi ko maintindihan.

Patay na sila mama at papa.

Matagal ko ng alam yun dahil kung hindi pa sila patay ay mahahanap nila ako. Matagal ko ng alam yon pero... hindi ko pa din pala natatanggap. Ang sakit sakit sa loob ko na may ibang taong magsabi sa akin na patay na sila. Malalaking butil ng luha ang pumatak mula sa mga mata ko habang nakatingin ako kay Atty. Chua at kinakausap nya ako. Pero wala akong naiintindihan. Narinig ko na lang sya nang magpaalam silang dalawa ni Atty. Cruz.

"I'll see you again tomorrow, Holy.", paalam sa akin ni Atty. Chua. Ni hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Hanggang sa umalis na nga sila at kami na lang ni mom ang matira doon sa sala.

"They'll come tomorrow to pick you up, dear. With your lolo.", narinig kong sabi ni mom. Napaangat ako ng tingin sa kanya at hinawakan nya ang dalawang kamay ko. "I don't want to let you go, pero alam kong pamilya mo sila.", sabi nya.

Kinagat ko ang labi ko para hindi mapaiyak pero tumulo pa din ang luha ko.

"S-salamat, m-mom.", mahinang usal ko. Hindi ko alam kung para saan ang salamat na yon. Kung para sa pagdampot sa akin galing sa kalye. O kung para sa pagbibigay ng pagkakataon na makasama ko ang pamilya ko. Pero thankful ako sa pareho. "Salamat po talaga.", ulit ko at niyakap nya naman ako.

Chance
HABANG paakyat ako ng hagdan ay hindi ko maiwasan ang mag-isip. Pagpasok ko sa kwarto ko ay naupo ako sa sofa na nandoon pero hindi ako mapakali. Tumayo ako at nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto ko.

What's going on? Legal na bang Delco si Holy? Okay na ang mga papel kaya nandito sila attorney?

Parang titigil ang tibok ng puso ko dahil doon. Hindi pwede! Paano na ko kapag nangyari yon?? Tsk!

Saglit pa akong nagpalakad-lakad doon at nung hindi ko na matiis ay lumabas ako ng kwarto ko. Nagpunta ako sa may hagdan at tumayo ako sa parteng medyo madilim, hindi nila ako makikita kahit makinig ako.

"Matagal ka ng ipinapahanap ng lolo mo, Holy. Pero dahil walang records mo anywhere, medyo nahirapan kami. But now that we've found you, your lolo wants custody of you.", dinig kong sabi nung isang lalaki.

What did he just say?? Kukunin si Holy ng lolo nya?! What??

"S-sila mama at papa? Nahanap nyo din ba sila?", maya-maya ay narinig kong tanong ni Holy with her voice already shaking. Ilang segundo pa bago sumagot ang tinanong nya.

"They were found, yes. But dead. I'm sorry, Holy.", sabi nito. At hindi ko na ulit narinig na nagsalita si Holy.

Sila mom, Atty. Cruz at yung tinawag na Atty. Chua na lang ang naririnig ko. Gusto daw pumunta ng lolo ni Holy dito bukas para sya mismo ang sumundo sa apo. At gusto din daw nito magpasalamat sa amin sa pag-alaga kay Holy. Malungkot na naglakad ako pabalik sa kwarto ko.

When I got in, I laid flat on my bed. I felt exhausted suddenly. Kukunin nila si Holy, I thought. Hindi dapat ako malungkot. Dapat masaya pa nga ako kasi may pamilya pa pala syang makakasama, di ba?

Paano na ko kapag umalis ka??

Hindi ko na sya makikita palagi. At saan naman sya dadalhin ng lolo nya? Baka dalhin pa sya sa ibang bansa! Hayy, maaagawan pa yata ako ng mga foreigner!

"Tsk!", inis na palatak ko. At hanggang makatulog ako ay naiinis pa din ako.

Holy
PAG-AKYAT ko sa kwarto ko ay nahimasmasan na ako. Unti-unti ng natatanggap ng utak ko ang mga narinig kanina. Gumaan na din kahit papaano ang nararamdaman ko.

Atleast ngayon alam ko ng wala na akong aasahan na babalik na mga magulang ko. Tatanggapin ko na. Isa pa, andyan naman si lolo. All this time, hinahanap nya pala ako. Hindi nya ako pinabayaan. Napangiti ako sa naisip ko. Bukas pupunta sya dito para sunduin na ako.

Masaya ako, kasi may pamilya na akong uuwian. Totoong pamilya ko. Pero malungkot din ako. Ibig sabihin ba nito hindi ko na ulit makikita si mom? At si Chance? Naalala ko yung itsura ni Chance kanina bago umakyat. Nagtataka sya. Ano kayang reaksyon nya kapag nalaman nyang aalis na ako? Malulungkot din kaya sya? Mamimiss nya ba ko? Ako kasi oo. Ngayon pa nga lang na isipin kong baka hindi na kami magkita, ang sakit na eh. Hays.

Bakit ba ganito? Ganito ba talaga ang love?

"Love??", natigilan ako sa naisip ko. Pagkatapos ay natawa. Anong love ang sinasabi ko? Inlove na ba ako sa kanya? "Hahahahaha!", malakas na tawa ko.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon