NAGISING ako nang marinig ko ang cellphone ko na nagri-ring. Nakapikit na kinapa ko yun sa kama ko pero wala. Naalala ko, naiwan ko nga pala sa bulsa nung suot kong jeans kanina. Wala akong choice kundi dumilat at bumangon kahit antok pa ako. Nasa laundry basket kasi sa may banyo yung jeans eh. Pagkakuha ko ay tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag. Number lang. Hindi naka-register sa contacts ko.
"Hello, sino 'to?", tanong ko nang pindutin ang answer button sa screen. Tumikhim pa muna ang nasa kabilang linya bago sumagot.
"Holy? Hi, uh, it's Harold. Sorry, kinuha ko ang number mo kay Cristina.", paliwanag agad nito. Tumango-tango pa ako pero naalala kong call nga pala 'to. Hindi nya ko nakikita. Hehe.
"Ah, okay. Eh napatawag ka?"
"Uh, nagtext kasi ako kanina pero hindi ka nagrereply. I was worried if nakauwi ka na sa inyo.", parang nahihiya pa na sagot nya. Ano ba naman 'to, akala ko emergency! Sayang ang antok ko. Pero hindi naman ako rude to say that.
"Oo, nasa bahay na ko. Nakatulog kasi ako kaya hindi ko alam na nagtext ka pala. Hehe.", sabi ko.
"Aw. Sorry, naistorbo ba kita?", tanong nya. Oo, istorbo ka!
"Hindi naman. Okay lang.", sabi ko. Again, hindi ako rude lalo sa mga nice naman sa akin. Hahaha! "Ikaw ba?", tanong ko. Kunwari may paki. Charot!
"Oo, nasa bahay na din. Hehe.", sagot nya. Maya-maya ay may kumatok naman sa pinto ng kwarto ko. Sino na naman kaya ito? Ang dami naman nang-iistorbo ngayon.
"Harold, sorry pero papatayin ko na 'to. May gagawin pa kasi ako.", pagdadahilan ko. Pero hindi naman talaga pagdadahilan yun di ba? May gagawin naman talaga ako. Aalamin ko kung sino ang kumakatok.
"Sure, sige. See you tomorrow.", sabi nya.
"Sige. Bye.", sabi ko. Pagka-patay ko sa tawag ay inilapag ko sa side table ang cellphone ko.
Tok! Tok! Tok!
Malalakas na yung katok kaya naman nagmamadali akong buksan iyon. Madilim sa hallway kaya naman nagulat pa ako nang makita ko si Chance na seryoso ang mukhang nakatayo doon. Naka-sweat shirt sya at nakataas pa ang hood no'n sa ulo nya.
"Jusko, ang gulat ko sayo!", sigaw ko sa kanya habang nakahawak pa sa dibdib ko. Nagkarera yata ang mga daga doon. "Bakit ba hindi mo buksan ang ilaw?!", inis na sabi ko sa kanya.
Hindi naman ako takot sa dilim. Takot lang ako sa mga pwedeng makita sa dilim, mga figure na nakakatakot, gano'n. Hindi nga ako nanonood ng mga horror movies eh!
"Sira ang ilaw! Ayan o, pinapalitan!", sigaw nya din sa akin sabay turo nya sa lalaking naggagawa doon.
"Tsk. O bakit ka andito?", tanong ko sa kanya.
"Kasi anong oras na o. Kumain ka na sa baba!", nakangusong sagot nito tsaka bubulong-bulong na umalis. "Ikaw na tinawag, ikaw pa galit. Tsh.", bulong nya. Natawa naman ako sa kanya dahil para syang batang nagmamaktol.
Sumunod agad ako sa kanya pababa at dumiretso kami sa dining area. As usual, handa na ang pagkain. Naupo sya sa upuan katapat ng sa akin at nagsimulang kumuha ng pagkain. Gano'n din ang ginawa ko. Habang kumakain, hindi ko maiwasan tumingin sa gawi nya at mapaisip. Himala, tinawag pa ako para sabay kaming kumain.
"Bakit?", maya-maya ay tanong nya sa akin. Nahuli nya akong nakatingin sa kanya.
"H-ha?", tanong ko na nagulat pa.
"Bakit ang sama ng tingin mo sa akin?", masungit na tanong nya. Inayos ko naman ang mukha ko at pinilit kong ngumiti. Hindi ko naman alam na masama na pala ang tingin ko sa kanya eh!
"Hindi ah! Nag-iisip kasi ako.", pagdadahilan ko habang tuloy sa pagkain.
"About me? You were looking at me, so it must be about me.", sabi nya pero nasa plato nya na ulit ang atensyon nya. Anak ng, ang galing mo naman!
"Hindi rin. Nagkataon lang na napatingin ako sayo.", nakangising sabi ko. "Ang sarap ng pagkain 'no?", pag-iiba ko ng usapan.
"It's ordinary.", komento nya.
"Sus. Palibhasa nasanay ka sa ganito. Pero ako...", sabi ko. I trailed off kasi napaisip din ako.
Maginhawa din naman ang buhay namin noon. Nung magkakasama kami nila mama at papa. Hindi man kasing-rangya nito pero hindi rin naman kasing-hirap nung nasa kalye ako. Napangiti ako sa naisip ko.
"You're scary. Bigla kang may pag-ngiti ng ganyan.", sabi ni Chance. Natawa naman ako sa sinabi nya.
Nang matapos kami kumain ay pareho kaming dumiretso sa sala para manood ng movie. Pero magkabilang dulo nung mahabang sofa ang upuan namin. Tawa ako ng tawa sa pinapanood namin samantalang si Chance ay parang sobrang iritado na sa lakas ng tawa ko.
"Hahahahahahahahahaha!!!"
"Will you shut up? Ang ingay mo!", iritableng saway nya sa akin. Natatawang napatingin ako sa kanya. Magkasalubong ang kilay nya.
"Eh comedy yan, alangan naman umiyak ako dito!", sabi ko at tumingin ulit sa TV screen.
"Tsh.", narinig kong sighal nya pero biglang nag-ring ang phone nya na nasa coffee table.
Dinampot nya yun pero hindi nya inilagay sa tenga nya. Instead, inilayo nya yun ng ilang inches mula sa mukha nya after sagutin ang tawag.
"Hey, mom.", bati nya sa kabilang linya.
Chance
"SON, how are you? I miss you!", sabi ni mom after ko sya batiin. Miss me pero hindi pa din umuuwi, tsh. But I miss her too."I'm good, mom. I miss you too. When are you coming home?", tanong ko sa kanya.
"In a few days, son. Nasaan si Holy?", pagka-rinig ni Holy sa pangalan nya ay mabilis pa sa kotse ko na nakalapit agad sya sa tabi ko. As in sobrang lapit.
"Hello, mom! Wassup?", nakangiting bati nya na pilit tinitingnan ang sarili sa screen ng phone ko.
Hindi pa nakuntento! She held my hand para itapat sa kanya ang camera ng phone! Her face is so close as well from mine. Napapalunok ako sa lapit namin pero parang wala lang naman sa kanya.
But what the hell is my problem? Wala lang naman talaga 'to!
"Just checking out the two of you.", masayang sabi ni mom.
"Okay lang naman po kami, wag po kayo mag-alala. Hehe.", sabi ni Holy habang hawak pa din ang phone at ang kamay ko.
Naiilang naman na hinila ko ang phone papunta sa akin kaya nabitawan nya ito. Para akong nakahinga ng maluwag. Nakanguso naman na napatingin sya sa akin pero hindi ko sya pinansin.
"I wouldn't be worried. Mukhang magkasundo naman kayo eh.", nakangiting sabi ni mom. I didn't comment on that one. "Osya sige na. I'll call again some other time. I have one more meeting today. See you soon!", paalam nya.
"Take care, mom.", sabi ko. Muling sumingit si Holy sa gilid ko at hinawakan ulit ang kamay ko, pilit na tinatapat sa kanya ang camera.
"Bye, mom. Ingat!", ngiting-ngiting sabi nya sa camera. After maputol ng video call ay mabilis akong tumayo mula sa upuan.
"M-matutulog na ko.", sabi ko nang mag-angat sya ng tingin sa akin na parang nagtataka. Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa sya. Dali-dali akong umakyat sa hagdan at diretsong pumasok sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...