PAGKATAPOS ng halos isa't-kalahating oras ay natapos na ang photo shoot nila. Nagpalit na ang mga model ng damit at nagpaalam na ang iba. Nauna na din umalis sila Kemen at Jax dahil may pasok pa daw sila sa school.
"Let's go.", yaya sa akin ni Chance nang makalapit sya sa akin pero mabilis pa sa alas-kwatro na nakasunod sa kanya yung isang model kanina na si Maddi.
"Chance, uuwi ka na ba? Can you give me a ride home?", maarteng tanong nito at ipinulupot pa ang kamay sa braso ni Chance.
Napatingin sa akin si Chance at naiilang na pilit na inaalis ang kamay ng babae. Pero matindi pa yata sa linta ang kapit nito sa kanya. Pigil ang tawa na nakatingin lang ako sa kanila.
"I can't, Maddi. May kasama ako.", sabi nya sa babae sabay turo sa akin. Noon lang ako napansin nito at agad na bumitaw kay Chance.
"Who is she?", mataray na tanong nito sa kanya pero sa akin nakatingin.
"Hello. I'm Holy.", pakilala ko.
"And?", tanong ulit nito. Nakataas pa ang isang kilay nya. Napatingin ako kay Chance at pasimpleng pinandilatan sya. Humihingi ng tulong pero hinawakan nya ako sa kamay na ikinagulat namin pareho ni Maddi.
"We're leaving.", sabi ni Chance kay Maddi at hinila ako palabas. Habol-habol naman sya ni Maddi.
"Chance, wait!", tawag ni Maddi pero hindi na sya pinansin ni Chance.
"U-una na kami. Bye!", paalam ko dito pero masama ang tingin na pinagmasdan nya lang kami hanggang sa makalabas kami ng building. "Ano ka ba? Kawawa naman yun. Sana hinatid mo na.", sabi ko kay Chance nang makasakay kami sa kotse nya.
"Kawawa? After ka nya tarayan, kawawa?", natatawang tanong nya sa akin. "Don't worry about her. May driver syang kasama.", sabi nya at pinaandar na ang sasakyan.
Hindi naman na ako nagsalita.
"Ano nga palang pinag-usapan nyo ni Alpha kanina?", maya-maya ay tanong nya.
"Ha?", gulat na tanong ko nang mapalingon sa kanya.
"I mean, uh, nag-usap kayo di ba?", nahihiyang tanong nya. Saglit pa akong napaisip.
"Oo. Pero napag-usapan lang naman yung magazine. Nagulat kasi ako na sya yung cover at andon sya kausap ko. Pero hindi ko naman sya talaga kilala. Tapos sabi nya, usually daw nakikilala sya agad ng tao. Ayun.", paliwanag ko habang nakatingin sa kalsada. Tumango-tango lang naman si Chance mula sa peripheral vision ko.
"Be careful around him.", sabi nya. "Though I prefer kung hindi na kayo magkita ulit.", mahinang bulong nya pero narinig ko pa din.
"Ha? Bakit naman?", nagtatakang tanong ko pero hindi nya yon sinagot at biglang iniba ang usapan.
"How about Jax? I saw him kanina. Ano na naman mga kalokohan na sinabi nya?", tanong nya.
"Itatanong mo ba lahat ng sinasabi sa akin ng lahat ng nakakausap ko?", natatawang sabi ko naman. Nakita kong namula ang mukha nya at lalo akong natawa. "Nagkwentuhan lang naman kami. Sabi nya matagal ng may gusto sayo si Maddi.", nakangiting sagot ko.
"Tsh.", singhal nya.
"Bakit hindi mo pa sagutin si Maddi? Mukhang patay na patay sayo eh.", tanong ko sabay tawa.
"She's not my type.", diretsong sagot nya naman.
"Talaga? Bakit? Maganda naman si Maddi ah. Sexy.", sabi ko. Lumingon sya sa akin at tumingin sa mga mata ko.
"I don't go for just beauty.", makahulugang sabi nya. At ayun na naman yung tingin nya na parang may iba pang gustong sabihin.
Pero wala na syang ibang sinabi. Ibinalik nya ang mata sa kalsada at tahimik na kaming nag-drive pauwi.
Chance
KINAHAPUNAN mabilis na bumababa ng hagdan si Holy. As usual, naka-itim na naman na damit. Pero hindi tshirt kundi fitted na sando ang suot nya na pinatungan ng denim jacket. Ripped jeans ang suot nya pero halos kita na din ang kabuuan ng hita nya. Nakalugay pa din ang buhok nya na wavy at parang once a day lang sinusuklay.I grimace at that thought. Pero bakit ang ganda nya pa din sa paningin ko?
"Saan ka pupunta?", tanong ko sa kanya nang lampasan nya ako sa sala. Nakangiti naman syang lumingon sa akin.
"Lalabas kami ni Harold.", sabi nya. Automatic na napakunot ang noo ko nang marinig ang pangalan na yon. May gusto ba sya kay Harold? May gusto ba si Harold sa kanya? Tsk!
"Lalabas? Mag-de-date kayo?", pigil ang inis na tanong ko sa kanya. Napaisip naman sya.
"Pag lalabas date na agad? Pero pwede din naman.", nanlaki naman ang mata ko sa sagot nya. "Friendly date! Gano'n!", natatawang dagdag nya. Tumayo ako sa pagkakaupo at nagulat pa sya nang lumapit ako sa kanya.
"Sasama ko. Hintayin nyo ko.", seryosong sabi ko.
"Ha? Huy, bilisan mo. Baka ma-late ako.", habol nya pero hindi ko na sya pinansin. Pagpasok sa kwarto ay sinadya kong bagalan ang pagbibihis.
Tsh, hayaan mo syang maghintay!
Pagbaba ko ay nakasimangot na nakatingin sa akin si Holy. Gusto kong matawa sa itsura nya.
"Ang tagal mo! Nagmake-up ka pa ba? Hindi photo shoot ang pupuntahan natin!", sigaw nya sa akin. I was stunned. Sinisigawan nya ako dahil kay Harold? WTF? "Halika na!", yaya nya sa akin. Sumunod na din ako sa kanya.
"Hindi ka ba susunduin ng date mo?", madiin na pagkakatanong ko sa kanya. Nakanguso syang humarap sa akin.
"Hindi, kaya buksan mo na ang kotse mo.", sabi nya. Ngumuso din ako sa kanya at binuksan ang kotse. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan na hindi mapaisip.
Anong nasa isip ni Harold at niyaya nya lumabas si Holy? Pero si Harold ba talaga ang nagyaya? Sigurado! Bakit naman sya yayayain ni Holy lumabas, di ba? Hays! Sakit sa ulo!
"Lampas na tayo.", maya-maya ay sabi ni Holy.
"Ha?", tanong ko pa nang tumingin sa kanya. Nakatingin din pala sya sa akin.
"Lampas na tayo. Sa mall tayo, di ba? Ayun, lampas na.", sabi nya. Lumingon pa ako sa pinanggalingan namin at oo nga. Lampas na kami! "Kung anu-ano siguro iniisip mo. Kanina ko pa sinasabi na lampas na eh. Pero nakasimangot ka lang dyan.", natatawang sabi nya pa. Hindi ko na sya pinansin at nag-U turn na lang pabalik doon sa mall.
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...