Chapter 25

196 17 12
                                    

HANGGANG pagbalik sa classroom ay kasabay namin si Chance. Okay lang naman yon, kasi magkakaklase din kami di ba? Hindi lang ako sanay. Gano'n din siguro sila Harold at Cristina dahil tahimik din sila habang naglalakad kami. Pagdating sa classroom ay pinagbuksan pa ko ng pinto ni Chance.

"Go.", malumanay na utos nya sa akin. Hindi naman na ako tumanggi at nag-diretso na lang sa upuan ko. Maya-maya pa ay may dumating ng teacher.

Habang nagtuturo ang teacher ay nakikinig naman ako at kapansin-pansin ang pagiging active ni Chance sa klase, kahit ang teacher namin ay parang nagugulat. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapatingin sa kanya kapag sasagot sya sa tanong. Kahit sa pagsagot, nakangiti sya. At ang ganda ng ngiti nya. Muntik ko ng sampalin ang sarili ko sa naisip ko.

Huy, makinig ka nga! Hindi yung kung anu-ano napapansin mo! Tsk.

"Delco. Holy Delco!", dinig kong tawag ng teacher sa akin. Para akong biglang nagising sa pagkakahimbing dahil napatayo pa ako.

"Y-yes, ma'am?", napapahiyang tanong ko.

"Yes ma'am? I've been calling you three times. Didn't you hear me?", iritang tanong ng teacher. Halos lahat naman ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Lalo na si Chance.

"I'm sorry.", sabi ko na nakayuko.

Nakakahiya!

Pinaupo na ako ng teacher at ibinigay na lang sa iba ang tanong na para sa akin. Nakikita ko naman sa gilid ng mga mata ko si Chance na nakangiting nakatingin sa akin pero hindi ko na sya pinansin. Pinilit ko ang sarili kong makinig sa klase.

Pagkatapos nga ng ilang oras ay sa wakas! Uwian na! Naglalakad kami sa parking lot nang magsalita si Chance.

"Bakit hindi ka nakikinig sa klase kanina? Anong iniisip mo?", tanong nya sa akin.

"W-wala naman.", sagot ko. Tumingin sya sa akin at naiilang naman na iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Ano ba, heart?! Anong problema mo? Tingin lang yan! Tao din yang tumitingin, kumalma ka!

"You sure? I told you, di ba? Tell me things, we'll worry about them together.", nakangiting sabi nya. Lalo naman bumilis ang tibok ng puso ko.

Paano ko makakalimutan eh halos buong gabi ko nga inisip yung mga sinabi mo kagabi. Hays.

"Wala nga. Alam mo, ang daldal mo ngayong araw.", sabi ko sa kanya. Natawa naman sya.

Tumigil kami sa tapat ng kotse nya at kinuha nya ang susi sa bulsa nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto at nang makasakay ako ay sumakay na din sya.

"I'm trying to do good at school.", sabi nya habang nagda-drive. Napatingin ako sa kanya. Gusto kong itanong kung kasama din ba dun yung mga ginawa nya kanina para sa akin, pero natatakot ako sa pwede nyang isagot. Pero bakit ako natatakot?! "Did I do good today?", tanong nya na tumingin din sa akin.

Nagtama ang paningin namin at kitang-kita ko ang saya nya. It's real. Masaya sya talaga. Napangiti din ako sa kanya dahil doon.

"Oo naman.", sagot ko.

"Then lumabas tayo.", sabi nya. Nagulat naman ako.

Lumabas? Date? Binatukan ko ang sarili ko sa isip ko. Gaga, magtigil ka!

"My treat, don't worry.", nakangiting sabi nya.

Maya-maya ay nakarating kami sa mall. Kumain muna kami pagkatapos ay naglakad-lakad.

"Ay, teka.", sabi ko nang mapadaan kami sa ATM. Lumapit ako doon at nag-withdraw ng pera. Naalala ko, pahihiramin ko nga pala si Reeya.

"May bibilhin ka ba?", tanong ni Chance nang makabalik ako. Inilagay ko sa bulsa ko ang pera at ATM card.

"Wala naman. Ikaw ba?", tanong ko din sa kanya habang naglalakad kami. Tumigil kami sa tapat ng isang botique bago sya sumagot.

"I think meron.", nakangiting sabi nya sabay hila sa akin sa kamay papasok doon. "Tara.", sabi nya pa. Wala naman na akong nagawa kundi sumunod.

Pagpasok sa loob ay nagtingin kami ng mga damit. Magaganda ang mga damit doon at ang gaganda din ng presyo ha! Kumuha ng tatlong tshirt si Chance at nagpunta sa fitting room.

"What do you think?", tanong nya sa akin nang makalabas. Suot nya yung isang white shirt na may print na Philippine flag.

"Bagay!", sabi ko sabay thumbs up. Nakangiti naman syang bumalik sa loob.

Paglabas ulit ay kulay brown naman na shirt ang suot nya. Printed din yon kaso chinese ang nakasulat. Hindi ko maintindihan. Fitted yon. Nag-thumbs down lang ako sa kanya. Nakasimangot naman syang tumalikod. Muntik pa kong matawa sa itsura nya. Parang bata eh. Ang cute!

Cute ka dyan, ayan ka na naman. Pilit kong inalis yon sa isip ko. At maya-maya pa nga ay komportable na akong kasamang mamili ng damit doon si Chance.

"Ikaw, hindi ka ba bibili ng damit?", tanong ni Chance sa akin after nyang ibigay sa sales clerk ang anim na tshirt at dalawang long sleeve na sinukat nya. Umiling ako.

"Hindi. Ang dami kong damit doon, di ba? Halos di ko pa nga nagagamit.", sagot ko.

"Because you don't like the color, di ba? Pick something, I'll buy it for you.", sabi nya.

"Wag na.", tanggi ko. Pero hinila nya ako sa women's section at nagtingin ng mga damit doon.

"Sige na. I want to buy something for you. Yung gusto mo at makikita kong isusuot mo.", nakangiting sabi nya habang namimili ng damit.

At ayun na naman yung kabog sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Ilang segundo pa akong napatulala doon nang magsalita sya ulit.

"This one? Tingin ko bagay sayo 'to.", sabi nya hawak ang black shirt na may print na 'wild one'. Kunot noo na kinuha ko yun mula sa kanya.

"Paano mo naman nasabi?", inis na tanong ko. Wild one? Bakit?? Pero natawa naman sya ng malakas.

"Naalala ko lang yung nangyari sa Weekly Ball.", sagot nya. Napasimangot na lang ako. "Here, maganda din 'to.", sabi nya. Sabay abot ng black shirt ulit na may printed words na 'I AM THE BRIGHTEST' tapos ay silver star sa gitna.

"Sa'yo yata dapat ito eh. Ikaw ang star, celebrity gano'n!", natatawang sabi ko habang hawak ang shirt.

"But you're my brightest star.", nakangiting sabi nya.

Natigilan naman ako sa narinig ko. Ano daw?! Pero bago pa ako makapagtanong ay may kinukuha ulit syang shirt. Pero inawat ko na sya.

"Tama na!", sabi ko. Medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya naman napatingin pa sa amin ang ibang namimili. "Tama na 'to. Tara na.", nahihiyang sabi ko sabay lakad papunta sa cashier.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon