Chapter 9

326 29 10
                                    

Holy
HINDI ko napigilan humagalpak ng tawa nang makalayo ang kotse ni Chance. Napaka-bilis nyang mapikon, parang bata talaga. Bumalik na lang ako sa loob ng mansion at pagdating sa sala ay dinampot ko ang remote control ng TV.

"Makapanood na lang.", sabi ko sa sarili ko. Naghanap ako ng magandang pelikula sa cable.

Nang makapili ay komportable akong nahiga sa malambot na sofa. Matatapos na ang pelikula nang tawagin ako ni manang Norma para kumain.

"Mamaya ka na ulit manood at kumain ka na muna.", sabi ni manang mula sa pinto ng dining area.

"Opoooo.", sagot ko. Pinatay ko ang TV at dumiretso na sa dining area.

Pagdating ko doon ay wala na si manang Norma. May nakahanda ng pagkain sa lamesa. Ang daming pagkain pero sa dami ng bakanteng upuan parang nawawalan ako ng gana kumain.

Pumunta ako sa maids' quarter. Bukas ang pinto kaya naman tumuloy ako. Nakita ko si Annie, Monica, Teli at Sylvia na nag-aayos ng mga lalabhang mga damit at kumot. Nagulat pa sila nang makita ako kaya agad ko silang nginitian.

"Kumain na kayo?", tanong ko sa kanila. Nagkatinginan pa muna sila bago sumagot.

"Pagkatapos po nito ay lunch break na po namin.", sagot ni Sylvia. Napangiwi naman ako sa sagot nya.

"Wag nyo na akong i-po, please po. Kasi po feeling ko po ang tanda ko na po eh.", biro ko. Natawa naman sila. "Pumunta kayo sa dining area ah, sabay-sabay na tayo kumain.", nakangiting sabi ko.

"Pero baka p-po... baka mapagalitan kami eh.", sabi ni Teli.

"Nino?", kunwari ay nagtatakang tanong ko. "Wala naman yung masungit nyong boss amo Chance eh.", dagdag ko pa. Nagtawanan na naman sila.

Pumunta na ako sa dining area at ilang minuto lang ay sumunod na ang apat na babae. Lahat ng pwesto ay may nakalagay nang plato at kubyertos kaya naman nagsandok na sila ng pagkain nila.

"Matagal na ba kayo nagtatrabaho dito?", tanong ko sa kanila nang magsimula na silang kumain. Agad naman sumagot si Annie.

"Ako, tatlong taon na po.", sagot nya.

"Po?", pabirong tanong ko.

"T-tatlong taon na.", nahihiyang pero nakangiting ulit nya.

"Kami naman tatlo ay magdadalawang taon pa lang.", sagot ni Monica na itinuro silang tatlo nila Teli at Sylvia. Tumango-tango naman ako habang tuloy sa pagkain.

"Hindi na kayo nag-aaral?", casual na tanong ko. Sabay-sabay naman silang umiling.

"Pare-pareho kaming hindi na kaya pag-aralin ng mga magulang namin. May mga kapatid din kaming umaasa sa amin kaya mas pinili na namin na magtrabaho.", paliwanag ni Sylvia.

"Kung hindi ko nakilala si madam. Este si m-mom, malamang katulad nyo din akong nagtatrabaho. Mas malala pa, sa kalye natutulog.", natatawang sabi ko. "Sinuswerte pa din.", sabi ko.

"Paano kayo nagkakilala ni madam?", curious na tanong ni Monica.

"Alam nyo yung pinaka-malapit na simbahan mula dito? Ninakawan sya doon. Nagkataon naman na ako yung ando'n kaya tinulungan ko sya.", sagot ko. Namangha naman sila sa narinig.

"Paano?", tanong ulit ni Teli. At kinuwento ko ang nangyari with matching action at sound effects pa. Kitang-kita ko ang pagka-mangha sa mga mukha nila habang nagkukwento ako.

"Ang tapang nyo pala!", sabi ni Annie. Natawa naman ako sa sinabi nya.

Tapang? Siguro nga. Nagmana ako kay mama eh. Nagtuloy pa kami sa kwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain.

Nag-alok ako ng tulong nung nagliligpit ng mga kinainan kaso ayaw nilang pumayag. Baka daw makita sila ni manang Norma at pagalitan. Hinayaan ko na sila at lumabas na ng dining hall.

"Boring na naman.", bulong ko sa hangin habang nag-iisip ng gagawin. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone na nasa bulsa ko.

Si Cristina. Oo, yung kaklase kong medyo maarte. Hiningi nya ang number ko kahapon at sabi nya hang-out daw kami minsan kasama ang iba pa namin kaklase. Pumayag naman ako. Wala naman mawawala sa akin kung subukan kong makipag-kaibigan sa mga kaklase ko.

"Hello, Holy? Where are you?", agad na tanong nito nang pindutin ko ang 'answer' sa screen.

"Nasa bahay. Bakit?", tanong ko.

"Why you didn't go to school? Even Chance is absent too.", sabi nito. Kunwari pa, gusto lang malaman kung bakit absent si Chance eh.

"Late na kasi ako nagising eh.", sagot ko. Yun naman ang totoo.

"Anyways, do you wanna hang-out? Punta tayong Weekly Ball.", sabi nya na ang tinutukoy ay yung tambayan ng mga mahihilig sa sports. Alam ko yun dahil nadadaanan ko yun dati habang naghahanap ng trabaho. Tamang-tama, bored pa naman ako.

"Ngayon na ba? Maliligo muna ako.", sabi ko.

"Yes. Kita na lang tayo doon in an hour, k? See you!", sabi nya. Pinatay nya na ang tawag at umakyat na ako sa room ko para maligo. Okay din palang may mga kaibigan akong ganito. May kasama akong gumala kapag boring. Hehe.

After an hour nakarating na nga ako sa Weekly Ball. Medyo marami ding tao, halos puro kabataan kaya hindi ko agad nakita si Cristina na lumapit sa akin.

"Hey, girl.", nakangiting bati sa akin ni Cristina. Ipinulupot nya pa ang braso nya sa braso ko. "This is Holy.", pakilala nya sa akin sa iba pa nyang kasama.

Isa lang sa kanila ang kilala ko dahil kaklase din namin yun. Pero ang dalawang babae at isa pang lalaki ay hindi ko kilala.

"Hello, Holy.", maarteng bati ng isang maliit na babae. Maputi sya at mahaba ang kulot na buhok. "I'm Margarette. This is my boyfriend, Vien.", pakilala nya at sa lalaking matangkad at moreno na katabi nya.

"Hello.", nakangiting bati ko sa kanila.

"This is Harold, if you can't remember. He is our classmate.", malapad ang ngiting pakilala ni Cristina sa lalaking nasa tabi ni Vien. Medyo maliit ito kay Vien pero mas may itsura naman kung ipagkukumpara. "And his cousin, Gellina.", turo nya sa magandang babae na mukhang mahiyain.

"Hi.", bati ni Gellina na tipid ang ngiti. Ngumiti din ako sa kanya.

"Let's go. We're here to have bowling eh right?", aya ni Vien. Naglakad na kami papunta sa bowling alley.

Ilang grupo din ng kabataan ang nandoon pero hindi naman lahat naglalaro. Yung iba nanonood lang. Naupo ako sa may stool na nandoon.

"Here.", sabi ni Harold sabay lapag sa lamesa ng chips at fruit shake.

"Thank you.", sabi ko. Nakangiti naman syang naupo sa tabi ko. Sa kaliwa ko naman ay naupo si Margarette habang nag-umpisa ng maglaro sila Vien, Cristina at Gellina.

"Hindi ka ba maglalaro?", tanong ni Harold sa akin. Umiling ako.

"Hindi ako marunong nyan eh.", sagot ko. Kinuha ko ang fruit shake na nasa lamesa at ininom yun.

"Tuturuan kita.", nakangiting sabi nya.

"Next time na lang. Panonoorin ko muna sila. Hehe.", nakangiti ding sabi ko. At pinanood na nga namin ang mga kasama namin na naglalaro. In fairness, magaling pala si Cristina dito.

"Omigod, is that Chance?", tanong ni Margarette sa amin.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon