SABAY-SABAY kaming napatingin sa tinitingnan ni Margarette at nakita ko nga si Chance na may kasamang dalawang lalaki na naglalaro. Maraming nanonood sa kanila kaya hindi namin sila agad napansin, natatakpan kasi.
"Look, he's with Jax and Kemen!", parang kinikilig pa na turo nya sa dalawang kasama ni Chance.
"Sino naman yun?", takang tanong ko na nakatingin pa din sa grupo.
"You don't know them? They're rising fashion models!", maarteng sagot ni Margarette. Kaya naman pala.
Parehong matangkad ang dalawang kasama ni Chance. Siguro mga 5'10" or 5'11" ang height nila pare-pareho. Pare-pareho ding mga gwapo. Yung isa mukhang may lahing Spanish dahil sa facial features nya. Yung isa naman parang younger version ni Song Joong-Ki. Oo, mukha syang Korean.
"Magkakakilala pala silang tatlo?", tanong ni Margarette habang nakatingin pa din sa tatlo.
"Eh nagmo-model na din si Chance, di ba? I wouldn't be surprised.", komento ni Harold mula sa tabi ko.
"Oh, yeah. Nakita ko nga sya sa magazine na binili ng ate ko. My ate wouldn't believe me when I told her na classmate ko yung nasa magazine.", kwento ni Margarette. Iyon din siguro yung magazine na dala ni Chance nung gabing umuwi sya. Yung ipapakita nya sana sa mommy nya. "I'll take a photo with him one of these days, at ipapakita ko kay ate.", mayabang na dagdag nya pa.
Nangiti lang naman ako sa sinabi nya at pinanood maglaro sila Chance. Maya-maya pa ay napalingon sya sa gawi namin at parang nagulat pa sya ng makita ako. Ngumiti naman ako sa kanya. Nakasimangot na iniwas nya ang tingin sa akin at nagtuloy sa paglalaro.
"OMG! Did he just looked at me?", exaggerated na tanong ni Margarette at hinila pa ang braso ko sa sobrang kilig. Natuwa ka pa ha? Di mo ba nakita na nakasimangot nga eh. Hahaha!
Chance
HINDI ko maiwasan ang paglingon sa lamesa nila Holy habang naglalaro kami. Ano naman ginagawa nya dito? Tsk. Umalis nga ako sa bahay para hindi ko sya makita eh. Tapos nandito din sya? This is so frustrating! Inis na binato ko ang bola at sa pangalawang pagkakataon, sa kanal na naman iyon pumunta. Walang tinamaan na pin. Nagtawanan naman ang dalawang kasama ko."Chance, what's wrong? Pinagtitripan mo na lang yata kami eh.", natatawang sabi ni Jax sa akin.
"Or maybe he's too distracted.", mapang-asar na gatong naman ni Kemen.
"Because of what?", curious na tanong ni Jax.
"Of some girl.", sagot ni Kemen. Automatic na napatingin ako sa kanya and there he is with his evil smile.
"What girl? What are you saying?", inis na tanong ko sa kanya. Pero hindi nawala ang ngiti nyang nakakaloko.
"Kunwari ka pa. Dude, I saw you looking at that girl over there. Do you wanna know her?", tanong ni Kemen na ini-nguso pa sila Holy. Napalingon naman ako doon at nakita kong nagtatawanan sila ni Harold. Tsh, no, cause I know her already.
"Wow! That's new. Akala ko hindi ka interesado sa girls eh.", pang-aasar naman ni Jax. Sinamaan ko sya ng tingin. "What?", tanong nya sa akin na tatawa-tawa pa.
Hindi ko na sya pinansin. Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang dalawang ito, kanina ko pa sila nilayasan.
We've been friends for years pero hindi pa din talaga ako nasanay sa mga pang-aasar nila. Yes, matagal na kaming magkakaibigan dahil magkaklase kami noong elementary at ngayon ay magkakasama kami sa modeling agency though I'm only starting. Nauna sila sa modeling kesa sa akin. College students na sila pareho while I'm still in highschool. I failed nga kasi last year like what Mrs. Alonzo said.
"Halika, dude. Magpakilala ka. Sasamahan ka namin.", sabi ni Jax. Nakangiti naman na taas-baba ang parehong kilay ni Kemen at nakatingin sa akin. Tumingin ako sa gawi nila Holy.
Matangkad syang babae. I guess, 5'6" ang height nya. Medyo morena at wavy ang mahaba nyang itim na buhok. Hindi sya nag-aayos at kung hindi itim ang kulay ng tshirt na suot nya, kulay gray naman! Walang sense of fashion. Who would want to introduce themselves to her??
"You know what? Let's just leave.", sabi ko. Akmang lalakad na ko paalis nang may humawak sa balikat ko. Lumingon ako at nakatayo doon ang lalaking hindi ko kilala. "Yes?", tanong ko sa kanya.
"Bakit tingin ka ng tingin sa girlfriend ko?", maangas na tanong nito nang alisin ang kamay sa balikat ko. Pinagpag ko pa yon bago nakangising sumagot.
"I don't know what you're saying.", sagot ko.
"You don't know? That girl in orange dress is my girl.", inis na sabi nya at itinuro ang babaeng nasa tabi ni Holy. Their group is looking at us along with other people there.
"I'm not looking at her.", seryosong sabi ko at tumalikod na. Pero nagulat ako ng hilahin nya ko paharap sa kanya at sapakin ako sa mukha.
Natumba ako sa pagka-bigla sa ginawa nya. Medyo nahilo din ako sa lakas nun at nang makatayo ako ay nakita kong dumami na ang taong nakatingin sa amin.
"Dude, you okay?", tanong ni Kemen sa akin.
"What's wrong with you?", tanong ni Jax sa lalaking sumapak sa akin.
"Yang kaibigan nyo ang sabihan nyo!", sigaw nung lalaki.
"Vien, tama na.", awat ni Harold dito. Bago pa ko makapagsalita ay lumapit sa amin si Holy kasunod ang iba pang kasama nila.
Nagulat ako ng biglang tinuhod ni Holy dun sa ano nya yung lalaking sumapak sa akin!
"Aw!", sigaw ni Jax at Kemen as if sila yung tinamaan. Gulat naman na nakatingin lang ang mga kasama nila habang namimilipit sa sakit yung lalaki.
"W-what the hell?!", sigaw nito kay Holy.
"Eh bakit mo kasi sinapak? Tsk, tsk.", sabi ni Holy dun sa Vien. Then she looked up at me at hinawakan ang pisngi ko na tinamaan. What is she doing?
Hindi ako maka-react sa ginagawa nya dahil nagugulat ako. Ramdam ko ang natural na warmth ng mga palad nya sa balat ko. I realized I was holding my breath when she let go of my face and smiled at me.
"Malayo sa bituka yan.", sabi nya.
"H-ha?", gusto kong sapakin ulit ang sarili ko for looking so dumb!
"Mauna na ko sa inyo. Salamat sa invitation.", sabi nya sa mga kasama nya at humarap ulit sa amin. "Tara na bago pa tayo paalisin ng guard dahil sa gulo nyo.", tsaka naglakad palayo. Natatawa naman na sumunod si Jax at Kemen na itinulak pa ako pasunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...