Holy
Maaga akong bihis at ako din ang naunang bumaba sa dining area. Handa na ang almusal nang makarating ako doon. Mas maaga pala magising sa akin ang mga maid."Monica.", tawag ko sa maid na halos kasing-edad ko lang sa tingin ko. Agad naman itong lumapit sa akin.
"Po?", magalang na tanong nito na parang kinakabahan pa.
"Ay, wag mo akong pino-po opo dyan. Mukhang magka-edad lang naman tayo eh!", nakangiting sabi ko dito. Bahagya naman itong natawa. "Bumaba na ba si Chance?", tanong ko. Umiling naman ito.
"Hindi pa po.", sagot nito na may 'po' pa din kaya pinandilatan ko sya ng mata. "A-ang ibig kong sabihin, hindi pa. Hindi p-pa sya bumababa.", nauutal na ulit nito sa sagot nya.
Tumango-tango naman ako. Mabuti dahil sasabay ako sa kanyang pumasok. Wala akong sasakyan at hindi ko alam ang papunta sa school kaya sasabay ako sa kanya.
"Kain tayo.", yaya ko kay Monica habang kumukuha ng kanin sa bowl. Tumanggi naman ito at nagpaalam na may gagawin pa.
Maya-maya ay dumating na din si Chance. Bihis na din ito ng school uniform nya. Walang imik na inilapag nito sa katabing upuan ang backpack nya pagkatapos ay kumuha ito ng kanin, hotdogs at bacon at tahimik na kumain. Nagtuloy lang din naman ako sa pagkain habang iniisip ang mga posibleng mangyari sa school.
Kung hindi ako tumigil sa pag-aaral ay dapat nasa college na ako. Hindi ko alam kung paano ako nai-enroll ni mom, eh wala naman lahat ng documents ko. Iba kasi talaga kapag mapera, lahat nagagawaan ng paraan eh. Pasalamat na lang talaga ako dahil ngayon mararanasan ko ulit ang mag-aral. Excited na ako! Nasa gano'n akong pag-iisip nang tumayo si Chance mula sa upuan.
"T-tapos ka na?", nabubulunan pang tanong ko at tumayo na din.
"Oo.", sabi nito at dinampot ang backpack tsaka naglakad palabas. Nagmamadali naman akong uminom ng tubig at kinuha na din ang bag ko. Inabutan ko sya sa labas na ng bahay. Ang bilis maglakad, ang laki kasi ng mga hakbang eh! Bubuksan ko na ang passenger seat ng kotse nya pero nakalock pa iyon.
"Buksan mo na.", inosenteng utos ko sa kanya. Taka naman syang tumingin sa akin.
"And why?", tanong nya. Ngumiti pa ako sa kanya bago sumagot.
"Para makasakay ako?", patanong din na sagot ko sa kanya.
"And why?", ulit nito sa tanong nya.
"Paulit-ulit ka naman eh. Sasabay ako sayo. Hindi ko naman alam yung school eh.", paliwanag ko sa kanya.
"Ano? Eh di magpahatid ka kay manong Ferdi.", iritableng sabi nya.
"Wala sya. Sya ang nag-drive ng van para makapamili si aling Dolor!", kunwari ay iritable ding sagot ko sa kanya. Pero ang totoo, natatawa ako sa itsura nya. Para syang inis na inis kausap ako. Napapanguso pa na parang bata. "Bilis, buksan mo na!", sabi ko. Wala naman syang nagawa kundi tanggalin ang lock ng pinto.
"Pagbuksan mo ang sarili mo!", singhal nya sa akin tsaka sumakay sa driver's seat. Natatawa naman akong binuksan ang pinto at sumakay na din. Nakasimangot pa din syang nag-drive papuntang school.
Lawrenson International School. Ito ang school na papasukan namin? Papasukan ko? Natawa ako nang saglit kaming tumigil sa entrance ng school para sa checking. Alam ko naman pala itong school! Hindi ko na pala dapat kinulit si Chance na isabay ako, sa isip ko.
Oo, alam ko ang school na ito dahil bukod sa sikat ito, eh sa likod nito ay yung simbahan na tinutulugan ko dati. At malapit sa simbahan na yon ay may pwesto ng tindahan si Reeya, yung kaibigan ko nung mga panahon na pulubi pa ko! Hmm. Mabisita nga sya mamaya. Siguradong magugulat sya! Hehehe.
"You look scary when you smile like that.", sabi ni Chance at napapahiya naman akong umayos ng upo. Nakapag-park na kami at nagpapatiuna naman syang naglakad palayo. Pero mabilis din akong humabol sa kanya kaya naman ang ending eh sabay pa din kaming naglalakad.
"Don't follow me, okay?", masungit na sabi nya nang pareho kaming kumanan sa five-storey building na nandoon.
"Hindi kita sinusundan 'no. May map ako.", malumanay na sabi ko sa kanya na ipinakita pa ang hawak kong papel. Hindi nya naman yun tiningnan at dumiretso na sa paglakad. Sumakay sya sa elevator. Hahabol sana ako pero mabilis nyang isinara ang pinto. "Sungit!", sigaw ko sa pinto ng elevator kahit alam kong hindi naman nya ko maririnig.
Tiningnan ko ang map. Ayon dito, sa third floor ang room ko. Hindi ko naman kailangan ng elevator kaya nag-hagdan na lang ako.
Ilang minuto lang ay nasa third floor na ako. Hinanap ko agad ang section ko at hindi naman ako nahirapan. Anim na room lang kasi ang nasa floor na yon at ang nasa dulo ay ang room na hinahanap ko. Inayos ko muna ang necktie at buhok ko bago kumatok.
Tok! Tok!
Mabilis naman na bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang isang payat na teacher na medyo mas maliit sa akin. Nakapusod ang itim na itim nitong buhok at agad na ngumiti ng mabasa ang inabot kong index card.
"Everyone, we have a new classmate here.", masiglang anunsyo ng teacher. Lahat ng estudyante ay nakatingin na sa akin ngayon.
Nakangiti naman akong tumayo sa harap nila. Pero lalong lumapad ang ngiti ko ng makita si Chance. Nakasimangot na naman itong nakatingin sa akin. Gusto kong matawa sa itsura nya, para syang tinamaan ng malas. Pinagsarahan mo pa ko ng elevator ha? Eh magkaklase naman pala tayo, natatawang sabi ko sa isip ko.
"Would you like to introduce yourself?", tanong ng teacher sa akin. Tumango ako at inilahad nya ang palad nya, sign na gawin ko na.
"Hi, classmates! I am Holy Delco.", pakilala ko na sinadyang diinan ang bagong surname ko. Kitang-kita ko ang pagbabago ng expression ng mukha nya mula sa pagkagulat hanggang sa pagkainis. "Let's all be friends!", patuloy ko.
"Omygosh, girlfriend ka ba ni Chance?", maarteng tanong ng isang maputing babae mula sa harap ko. Sobrang tangos ng ilong nya at singkit ang mga mata. Maikli ang straight na buhok nya.
"Girlfriend, pareho ng apelyido? Are you dumb, Cristina? Baka asawa ibig mong sabihin.", sabat naman ng isa pang babae na nakaupo sa likuran nung Cristina. Nagtawanan ang buong klase dahil don.
"Whatever.", napapahiyang sabi ni Cristina. Pero parang mas napapahiya naman si Chance sa mga tanong nila dahil namumula na ang mukha nito. Kaya ako na din ang umawat sa mga posibleng mabuong chismis.
"Adoptive sister.", sabi ko. Lahat naman sila ay napatingin ulit sa akin. "That's what I am to Chance.", dagdag ko.
"Ah, ampon.", dinig kong sabi ng isang lalaki. Medyo sarcastic ang pagkakasabi nya.
"Exactly.", sabi ko na matamis ang ngiti sa kanya.
"Okay, marami pa kayong time para makilala si Holy. For now, mag-klase na muna tayo.", basag ni teacher sa medyo namumuo nang awkwardness. "Holy, that's your seat.", turo ni teacher sa upuan katabi ng kay Chance.
Alphabetical yata ang upuan kaya magkatabi pa din kami. Habang palapit ako ay masama ang tingin sa akin ni Chance. Nagkibit-balikat naman ako na nakatingin din sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...