Chance
NASA likod kami ng cafeteria at medyo maingay pa din doon gawa ng ingay sa loob at labas ng cafeteria pero kaming dalawa lang ang nasa spot na yon sa likod. Kinakabahan ako sa tingin ni Holy sa akin. Sobrang seryoso sya. Hindi ako sanay na ganito sya dahil palagi syang masaya noon. Para tuloy akong may ginawang masama nito eh. Meron nga ba?"Kayo na ba ni Jessa?", maya-maya ay tanong nya. Nagulat ako sa tanong nya. Pero agad din akong nakabawi.
"Ako pa talaga tatanungin mo nyan? Tsh. Eh kayo na ba ni Harold?", inis na tanong ko sa kanya. Hindi rin sya agad nakasagot ko. "K-kayo na?", tanong ko ulit.
"Pwede ba ha? Walang gano'n! At wag mo kong baliktarin!", sigaw nya sa akin.
"Tsh. Eh bakit lagi kayong magkasama? Magkasabay pa kayo laging umuwi at pumasok. Akala mo hindi ko nakikita?", inis pa din na sumbat ko sa kanya. Huminga pa muna sya ng malalim bago sumagot.
"Magkasama kami sa bahay ni Harold.", mahinang sagot nya. Para akong nabingi sa narinig ko.
"Paanong...", nalilitong sabi ko.
"Makinig ka muna sa akin, okay? Magpapaliwanag ako.", sabi nya. Hindi ako sumagot.
"Kasama ko sya sa bahay dahil anak sya ng tita ko. Magkakasama kami sa bahay. Sya, ako, si lolo, si tita Morinne at si Maddi!", paliwanag nya. Napakunot ako ng noo.
"Maddi?", tanong ko.
"Oo, yung Maddi mo. Maddilyn! Anak din sya ng tita ko. Magpipinsan kami!", sabi nya. Lalo naman akong nagtaka.
"Ang alam ko, adopted si Harold. I didn't know na magkapatid sila ni Maddi.", sabi ko.
"Alam mo na ampon sila?", gulat na tanong nya. Tumango naman ako.
"Everyone knows that. He never kept it a secret, anyway.", sagot ko. "At kung ampon sila, that means hindi kayo totoong magpipinsan!", sabi ko sa kanya. Saglit pa syang nag-isip.
"Oo nga... pero mahalaga pa ba yon?", tanong nya. Nainis na naman ako.
"Of course! Dahil pwede syang magkagusto sayo in that case. Lalo at magkasama kayo sa bahay!", nakasimangot na sabi ko sa kanya.
"Ano naman? Para sa akin, pinsan ko sya at hindi na hihigit don dahil hindi ko sya gusto. Ikaw ang gusto ko!", pasigaw na sabi nya. I was stunned then and there sa narinig ko.
"G-gusto mo ko?", nauutal na tanong ko. Parang napapahiya naman na tumungo si Holy.
"Tsk! Nasabi ko na, di ba?", mahinang sabi nya. Bigla naman akong natawa kaya napatingin sya sa akin.
"Sinasabi ko na nga ba! Magkakagusto ka din sa akin!", panunukso ko sa kanya. Namula ang mukha nya dahil don. I was about to move closer to her pero bigla syang sumigaw.
"Wag kang lalapit!", sigaw nya.
Napatingin pa ako sa paligid para tingnan kung may ibang tao. Baka mamaya, kung anong isipin na ginagawa ko sa kanya eh!
"Bakit?", nagtatakang tanong ko. Nameywang muna sya bago sumagot.
"Yung kay Jessa. Ipaliwanag mo!", demand nya. Napangiti ako.
"Nagseselos ka sa kanya 'no?", nakangiting tukso ko sa kanya.
Hindi sya ngumiti. Seryoso lang syang nakatingin sa akin. Napapahiyang sumeryoso din ako. Napakamot pa ako sa batok ko.
"H-hindi kami, promise!", pag-uumpisa ko pero hindi nagbago ang expression ng mukha nya. "Hindi ko alam kung anong nangyari don. Bigla na lang dumikit-dikit sa akin.", sabi ko.
"Ano kayo, magnet??", nakangisi ng nakakaloko na tanong ni Holy.
"B-basta dikit sya ng dikit! Sinabihan ko na syang lumayo sa akin but she's persistent.", paliwanag ko.
Holy
PINAGMAMASDAN kong mabuti ang mga reaksyon ni Chance habang nagpapaliwang at mukhang totoo naman ang mga sinasabi nya."Gusto mo ba sya?", nahihiyang tanong ko maya-maya. Inalis ko ang tingin ko sa kanya dahil baka pagtawanan nya na naman ako.
"Are you being serious now?", tanong nya sa akin.
Naglakad sya palapit sa akin at ilang hakbang lang ay nasa harap ko na sya. Parang biglang nagsikip ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
"I told you, ikaw ang gusto ko. No one else.", seryosong sabi nya. Nailang pa ako nang magtama ang paningin namin pero ramdam ko ang sincerity nya.
"S-sige!", sabi ko sabay tulak sa kanya. Napalakas yon kaya medyo tumalsik sya palayo. Nagulat sya pero nakangiti lang syang tumingin sa akin.
"Tsk. Ikaw ha? Kelan mo pa ko nagustuhan?", nakangiting tanong nya. Pero sakto naman at nag-ring na ang bell. Tapos na ang break time. Salamat po! "Sabay tayong umuwi mamaya ha? Ihahatid kita.", tanong nya sa akin.
Inakbayan nya pa ako habang naglalakad pero mabilis kong inalis yon. Nahihiya ako sa mga makakakita. Pero hindi nya naman iyon minasama.
"Sabay kami ni Harold eh.", sagot ko. Inis na iniharap nya ako sa kanya. Nagulat naman ako na tumingala.
"Ayaw mo kong kasabay?", seryosong tanong nya.
"Ha? Hindi naman sa gano'n pero ang alam kasi sa amin magkasabay kami kaya--", itinaas nya ang isang kamay nya at napatigil naman ako sa pagsasalita.
"Okay. I'll let him take you today. Pero bukas ako na. At sa mga susunod pang araw.", sabi nya. Nagsimula na ulit syang maglakad papunta sa building namin.
"Pero--"
"Wala ng pero.", sabi nya. "Tara na.", sabi nya nang hindi ako agad sumakay sa elevator.
"Mauna ka na.", sabi ko. Kumunot naman ang noo nya.
"Bakit? Nahihiya kang kasama ako?", tanong nya.
"Hindi ah!", jusko saan ba nito napupulot ang mga ideya nya? Tsk! Wala akong nagawa kundi sumakay na din. Nang makarating sa floor namin ay agad na umakbay sya ulit sa akin. "Ano ka ba, ang daming nakakakita.", bulong ko sa kanya.
"So?", nakangiting tanong nya.
"Ang alam nila magkapatid tayo, di ba?", inis na tanong ko. Natawa naman sya.
"Akbay lang naman 'to. And hindi na tayo magiging magkapatid. Malalaman din nila yan. Marami kayang chismosa dito.", natatawang sabi nya.
Napaisip ako. Tama sya. Soon malalaman din nila na wala na ako kina Chance at nasa totoong pamilya ko na ulit ako. Wala naman masama sa ginagawa namin ni Chance ngayon. Naglalakad lang kami papunta sa classroom namin... nang nakaakbay sya sa akin. At hindi ko mapigilan na kiligin!
BINABASA MO ANG
The Brightest Color
Teen FictionMasayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil...