UMAGA pa lang ay mainit na ang ulo ni Calvin. Nag iinarte kasi ang pamangkin niyang si Gabrielle dahil may gusto na naman itong hilingin sa kaniya.
"Uncle, please? Sa lahat naman po ng guardian ikaw ang mahigpit."
Nakasimangot na parinig ng dalagita.
"Natural!sino ba ang malalagot sa mommy mo kapag napahamak ka, ha?" kontra niya."Pahamak? Malaki na ako, oh please! Kung ayaw mong payagan ako sa mga gala pauwiin mo na lang ako sa Taiwan o kaya ibalik mo ako kay mommy sa New York."
"My god!" malapit na siyang maubusan ng pasensiya kay Gabrielle.
Isang buwan pa lang sila sa bansa ay parang gusto na talaga niyang ihatid ito ng airport at pauwiin ng Taiwan.
Anak si Gabrielle ng panganay na kapatid niyang si Gale sa Taiwanese na ex boyfriend nito. Matagal ng hiwalay ang mga magulang ni Gabrielle kaya nga lumaki at nagkaisip ito na palipat lipat ng poder. Apektado na ang pag aaral nito dahil sa ginagawa ng sariling mga magulang. Na-kick out ito sa school sa New York at inireklamo naman ng isang kaklase sa Taiwan dahil masyado daw bully.
Dahil may kaniya kaniyang pamilya na ang mga magulang ni Gabrielle at hindi naman niya ito matiis kaya nagprisinta siya na isama na ito pabalik ng Pilipinas. Pumayag naman ito at kumuha pa nga ng Filipino tutor habang nasa Taiwan para makapag adjust kapag nakauwi na ng Pilipinas.
Matalino ang pamangkin niya kaya mabilis itong natuto sa pagsasalita ng tagalog. Magaling na rin sumagot si Gabrielle at mahilig itong barahin siya. Fourteen palang ito pero kung magdahilan ito ay parang alam na ang lahat sa mundo."At anong gagawin mo naman sa mall?"
"Gusto kong mamasyal."
"Kagagaling mo lang sa mall kahapon."
Ang tinutukoy niyang mall ay ang mismong pag aari niya. Sa ilalim ng Herrera Empire-ang korporasyon na itinatag ng kaniyang ama-ay may pag aari siyang mga mall na matatagpuan sa magkakaibang panig ng bansa.
"Iba 'yun, ngayon ang pinag uusapan dito. May booksigning ang paborito kong writer." Giit nito.
Inis na naibaba ni Calvin ang hawak na kubyertos at seryosong tiningnan ang pamangkin.
"Sinong writer? Kung sa mall natin siya magkakaroon ng booksigning, tatawagan ko ang staff para humingi ng pirma sa kaniya."
"I want to see her!"
"Makipagvideo call ka na lang, approachable naman siguro 'yang writer na idol mo."
Nagdadabog na inurong nito ang plato.
"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi mo ako pinayagan na umalis ngayon." Banta nito. "Sasabihin ko kay mommy na hindi mo naman talaga ako inaalagaan."
"Go on, walang sisihan kapag binawi ka niya."
"Ish!"
"Don't 'ish' me young lady, kumain ka na at pagkatapos ay magreview ka na ng lesson mo."
"Napag usapan na natin na kapag weekends ay papayagan mo akong magbasa ng libro at mamasyal."
"Ano pa ba ang gusto mo? Ipinasyal na kita sa Macau bago tayo umuwi ng Pilipinas."
Hindi na nagsalita pa si Gabrielle. Lumambot agad ang puso niya nang makita ang pamumula ng mga mata nito. Parang anomang oras ay aatungal na ito ng iyak. Malalim na bumuntong hininga siya.
"Bigyan mo ako ng magandang dahilan para payagan kitang mamasyal ngayon." Sumusukong sabi niya.
Lumabi ito at kinusot ang mga mata. Inabot nito sa kaniya ang isang libro. Napakunot noo siya nang mapansin na pamilyar sa kaniya ang libro. Lumitaw sa isip niya ang pamilyar na mukha ng babaeng nakilala niya sa Macau na bigla na lang naglaho na parang bula pagkatapos na may mangyari sa kanila.
"Naalala mo 'yung babaeng nakilala ko sa bookstore sa Macau?"
Nahagod niya ang sintido. Paano niya makakalimutan ang babae kung ilang beses niya itong inangkin noong nasa hotel sila? Minsan na niya itong nakita sa Tagaytay pero hindi naman siya nito pinansin. Kahit buntis at hirap na hirap sa paglalakad ay nagmamadaling umalis agad ito nang makita siya.
Wala sa sariling binuklat niya ang libro. Huminto siya sa pinakadulong page kung saan may autobiography ng author. Tiningnan niya ang picture na nakapaskil sa gilid ng page. Iglap lang ay bumilis ang tibok ng puso niya. Ilang sandali siyang natulala hanggang sa marinig niyang nagsalita si Gabrielle.
"Siya pala ang writer ng librong dear crush, kaya nagalit siya nang laitin mo ang libro niya. I like her, uncle. Gusto ko siyang makita ulit dahil huling booksigning na niya bago siya magpahinga. Manganganak na kasi siya three months from now." Paliwanag ng dalagita.
Tumigil ang paghinga niya sa narinig. Ibig sabihin ay anim buwan na ang ipinagbubuntis ng babae? Iyon ang eksaktong bilang ng buwan pagkatapos na may nangyari sa kanila at basta na lang ito umalis ng hotel habang mahimbing ang tulog niya.
Damn! Hindi kaya....
"Hello, hello! Good morning sa inyo."
"Tita Racquel!""Hello there, pamangkin, 'o ano? Pinayagan ka na ba ng masungit na uncle mo na magpunta sa booksigning ni DJ Lovely? Sasamahan na kita para may alalay ka at saka nakahingi pala ako ng planner at pinirmahan pa niya, gift ko na sa'yo. Hey, Calvs, bakit para kang nakakita ng zombie diyan?"
Hawak niya ng mahigpit ang libro nang tingnan niya ang pinsan niyang si Racquel. Contributor sa Cosse magazine ang pinsan niya at blogger din ito kaya alam niyang may alam ito pagdating sa buhay ng mga celebrity."Kilala mo si DJ Lovely?" kinakabahang tanong niya.
"Uh-uh," tumango ito humila ng isang silya. "Kasama siya sa mga nainterview ko para sa Bump Squad article ko sa Cosse Magazine. Favorite writer din siya ni Gabrielle. May pagkamisteryosa ang isang 'yun eh. Maraming curious kung sino talaga ang daddy ng magiging anak niya kaso waley, palaging pa-safe ang sagot niya. Pero may kumakalat na tsismis na single naman daw si DJ Lovely at nang magbakasyon sa Macau ay saka nagbuntis kaya-"
"Tumawag ka sa private investigator na kaibigan ng daddy mo. Sabihin mong pumunta agad siya dito sa bahay dahil may kailangan akong ipagawa sa kaniya." Utos niya at nagmamadaling tumayo na.
Halos masabunutan na niya ang sarili dahil sa sobrang tensiyon niya.
Kailangan makumpirma ni Calvin kung totoo ang tsismis. Magaling ang private investigator na kaibigan ng ama ni Racquel at madali lang naman ang trabahong ibibigay niya kaya alam niyang sa ilang oras lang ay may resulta na iyon.
"Ha? Bakeeeet?"
"Just call him, okay?!" bulyaw niya kay Racquel.
"Fine." Anito.
"Pupunta tayo sa booksigning ni DJ Lovely." sabi niya sa pamangkin.
"Oh my god, uncle! You're the best talaga!"
BINABASA MO ANG
THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)
Romancenote: this is a collaboration series *book 1* Soon To Be Published Under PRECIOUS HEARTS ROMANCES/PHR FOLLOW/READ/VOTE/SHARE