5

1.2K 56 1
                                    

SEVEN MONTHS AFTER…

“YOU’RE still very beautiful, DJ Lovely, care to tell us about your secret?”
Napangiti na lang si Laurice sa tanong ng magazine contributor na si Racquel.

Habang iniinterview siya katabi ang iba pang mga buntis na celebrity ay panay naman ang kislap ng camera sa paligid.

Sa isang resthouse sa Tagaytay ginanap ang interview para sa Cosse Magazine, isang kilalang lifestyle magazine na gustong magfeature ng article tungkol sa mga future celebrity moms. Katabi niya sa mahabang couch ang iba pang mga buntis.

Magkakaiba ang kabuwanan nila, anim na buwan pa lang ang ipinagbubuntis niya.
Noong una ay wala siyang balak na magpainterview sa Cosse Magazine. Hindi lang siya makatanggi dahil kaibigan ng manager niya sa Heart radio ang may ari ng Cosse. Para sa kaniya ay tama ng hindi niya inilihim sa mga fans ang totoong kalagayan niya. Alam ng publiko ang tungkol sa pagbubuntis niya. Paano naman kasi niya maitatago iyon kung daig pa niya ang nakalunok ng pakwan sa sobrang laki ng tiyan niya.

Marami ang natuwa sa pagbubuntis niya, isama na ang dalawang kapatid niya. Sa una ay kinulit siya ng kambal na sabihin niya kung sino ang ama ng baby niya pero nanatiling tikom ang bibig niya. Kahit si Bunny ay hindi siya napaamin sa totoong nangyari sa kaniya sa Macau. Mas pinili niyang isikreto ang totoo at manatiling pribado ang isang gabing pinakawalan niya ang lahat ng angst niya sa buhay.

“Iniiwasan kong magpuyat pero hindi lang talaga maiwasan kung minsan dahil may radio show ako na from seven thirty hanggang eleven pm ang timeslot. Kung minsan nag eextend pa ako ng oras sa show kapag mabigat ang problema ng caller at kailangan ng mahabang usapan. Sinisiguro ko lang na sa umaga ay mas mahaba ang pahinga ko.” Paliwanag niya sa contributor.

Alam niyang masama sa buntis ang pagpupuyat kaya ilang linggo mula ngayon ay magpa-file na siya ng maternity leave. Kailangan lang niyang tapusin ang pangako niya sa manager ng Heart radio na tatapusin niya ang isang buwan bago magpahinga.

“Do you exercise a lot?”

“Actually hindi ako masyadong nag e-exercise, mga ilang stretching lang sa morning. May nag advice kasi sa akin na mommy ng kaibigan ko na baka mahirapan kami ng baby ko kung magpapagod akong masyado.”

Tumango si Racquel.

“Marami rin sa mga kakilala ko ang iniiwasan na mapagod dahil baka makaapekto iyon sa baby. May iba naman na talagang athletic at hindi mo maaawat sa pag e-excersice.”

Sumang ayon naman ang iba pang mga buntis na kasama niya.

“Do you have any family or friends who will be there to help after the baby is born? Alam naman natin na sa ganitong usapan ay medyo nahihirapan ang ilang buntis. May iba kasi na masyadong busy sa trabaho at hindi na nagkakaroon pa ng oras sa kaibigan o pamilya. Usually sa mga buntis ay kailangan talaga na nabibigyan ng atensiyon lalo na kapag malapit na ang kabuwanan ninyo.”

“My two sisters and my friend Dj Bunny will help me naman, kaya walang magiging problema sa panganganak ko.”

“Okay, let’s talk about something personal. Kamusta ang relasyon mo sa daddy ng magiging baby mo?”

Ilang sandali na natigilan siya. Hindi niya inaasahan na itatanong iyon sa kaniya ng contributor. Napadiretso tuloy siya ng upo at hinaplos ang malaking tiyan nang maramdaman na parang gumalaw ang baby niya. Parang na excite ang bata nang banggitin ang tungkol sa daddy nito.

Jusko naman anak, kumalma ka lang. Kapag malaki ka na at kaya mo nang intindihin ang sasabihin ko saka ako magpapaliwanag kung paano ka nabuo.

Pakiusap niya sa anak niya.

“Maayos naman ang lahat, wala naman magiging problema kaya wala akong dapat na ipag alala.”

Nakakaunawang tumango si Racquel.

“I see, mabuti kung ganoon.”

Pagkatapos ng interview ay dumiretso siya sa coffee shop kung saan naghihintay ang dalawang kaibigan niya na sila Bunny at Justin.

Malapit lang sa resthouse ang coffee shop kaya hindi siya nahirapan na magcommute. Nasa talyer pa ang kotse niya kaya si Bunny na ang nagvolunteer na maging driver niya buong araw.

“Mamang, bakit naman nagcommute ka pa? sana tinawagan mo na lang ako para nasundo ka namin.” Bungad ni Bunny sa kaniya nang maupo siya sa tabi nito.

“Ayos lang, sabi mo kasi sa text, kakain na muna kayo 'eh.”

“Kamusta ang mga tanong? Hindi ba nakaka-stress?” singit ni Justin habang panay ang papak nito sa vanilla cake. DJ rin ito at sa hapon ang timeslot nito.

“Ayos lang.”

“Friend, mukhang pagod na pagod ka?” nag aalang hinawakan siya ni Bunny.

“Kahit naman siguro ikaw ang magkaroon ng ganiyan kalaking tiyan, baka kahit dalawang hakbang lang mapagod ka na.”

Kunwari ay inirapan niya si Justin pero tinamaan siya sa sinabi nito. Malaki talaga ang tiyan niya kompara sa ibang buntis. Sa isang iglap ay parang naubos na din ang ganda niya dahil palagi siyang mukhang haggard. Madalas siyang biruin ni Justin na hindi na daw niya kamukha ang aktres na si Janella Salvador. Mas mukha na daw siya bouncer sa club dahil habang tumatagal ay mas bumibilog pa siya.

“Huwag kang ganiyan, baka i-kung fu ka ng anak niya kapag lumabas 'yan.” Sakay ni Bunny sa biro ni Justin saka naghagalpakan nang tawa ang dalawa.

Ang akala kasi ng mga ito ay may dugong Chinese ang anak niya dahil nga sa Macau nabuo. Kung alam lang ng dalawa na hindi singkit at baka nga blue eyes pa ang baby niya.

“Omg, jusko po, hallelujah, amen, may afam!” kinikilig na bulalas ni Justin.

“Saan, beks?” excited na tanong ni Bunny.

“Left side mga mamang, nakatingin siya dito sa atin. Baka type niya ako, jusko po!”

Sa tabi lang niya ang left side na sinasabi nito. Medyo malaki nga lang ang pagitan nila sa afam. Dahil nanghahaba na ang leeg ng dalawa ay napilitan na rin siyang lumingon sa kaliwa niya para tingnan ang afam.

Holy sh—!

Kamuntik nang malaglag si Laurice sa kinauupuan nang magtama ang mga mata nila ng afam. Para siyang biglang hinigop ng matiim na mga titig nito. Naging magkakasunod ang paglunok niya at bigla ay pinagpawisan siya ng malamig.

Anong ginagawa niya sa Pilipinas?

Natutop niya ang kaliwang dibdib at biglang bumilis ang paghinga niya.

“Friend, okay ka lang ba?” tanong ni Bunny.

Hindi siya nakasagot dahil halos mabingi na siya sa malakas na pagkabog ng dibdib niya. Parang sasabog ang ulo niya sa pagkabigla.

Nangangatal ang buong katawan na nag iwas siya nang tingin sa lalaki at nagmamadaling tumayo. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang paghilab ng tiyan niya. Naramdaman siguro ng anak niya na kinakabahan siya kaya bigla itong gumalaw.

O baka alam kasi niya na nasa paligid lang ang daddy niya?

Huminga siya ng malalim at nilingon sila Bunny na halatang nalilito sa kinikilos niya.

“Tara na, gusto ko nang umuwi.” Natatarantang sabi ni Laurice.

“Para kang nakakita ng multo, kumalma ka nga!” Saway ni Justin.

“Mauna na ako sa kotse.” Kahit nahihirapan kumilos ay binilisan niya ang paglalakad.

Napapikit siya at pinunasan ang butil ng pawis na namuo sa noo niya. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang mga titig ng lalaki na parang tumatagos na sa likod niya.

Tama si Justin, nakakita nga ako ng multo. Multo ng kalandian ko sa Macau!

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon