“ITO friend, maganda.”“Masyadong sexy, hanap pa tayo ng iba,”
“'eh bakit naman kasi tayo naghihirap na maghanap ng design ng wedding gown mo? Sa yaman ba naman ng fiancée mo kahit limang wedding gown na galing Paris kayang kaya niyang magpagawa.”
“Tumitingin lang naman tayo para may idea na ako kapag magpapagawa na ako ng gown.”
Napag usapan na nila ni Calvin na magpapakasal sila kapag isang taon na ang anak nila. Masyado lang talaga siyang excited kaya ngayon pa lang ay tumitingin na siya ng wedding gown.
Bumuka ang mga labi ni Bunny at mukhang balak pang kontrahin siya nang marinig nila ang malakas na tili ni Justin mula sa kusina.
“Ano ba 'yan, beks?” nagtatakang tumayo si Bunny para sana silipin ito kaya lang ay patakbong lumapit na ito sa kaniya.
“Mga mars, hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko.” Namumutlang tumili na naman ito at tumabi sa kaniya habang yakap nito ang ipad.
“Ano ba 'yun? Ako ang kinakabahan sa'yong bakla ka 'eh!” singhal ni Bunny kay Justin. Ngumiwi lang ito at hinawakan siya sa balikat.
“Huwag kang mabibigla, kalmahin mo muna ang sarili mo,”
“Ano ba Justin, sabihin mo na kung ano man ang nakita mo sa ipad at baka bigla ka na lang mahimatay dyan.” Nagtatakang saway niya.
“Kasi….” Halatang kinabahan na naman ito.
Nakagat nito ang ibabang labi at naaawang tiningnan siya. Nainis na siya sa pambibitin ni Justin kaya inagaw na niya ang ipad at tiningnan kung ano ang dahilan nang pagtili nito. Kamuntik na niyang mabitiwan ang ipad nang makita ang picture ni Calvin sa facebook post ng isang babaeng Aya Melendez ang pangalan.
Sa picture ay makikita si Calvin na katabi ang isang cute na batang lalaki na kamukhang kamukha nito. Nasa Enchanted Kingdom ang mga ito at halatang masaya masaya. Gumuhit ang hindi maipaliwanag na sakit sa dibdib niya nang mabasa ang caption ng picture:
KEVIN’S FIRST GALA WITH HIS DADDY
Kevin...masyadong malapit ang pangalan ng bata kay Calvin. Magkamukhang magkamukha pa ang mga ito at hindi siya tanga para hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin nang nakita niya.
“Sino ba ang Aya na 'yan?” nagpapanic na tanong ni Bunny.
Hindi naman siya nakapagsalita dahil baka pumiyok lang siya at mapaiyak bigla.
“Second cousin ko siya, pero hindi naman kami close sa family nila kaya hindi ko siya masyadong kilala. Basta ang balita ko lang noon ay nagpakasal siya sa boyfriend niya dahil nga nabuntis. Pero naghiwalay naman daw agad ang mag asawa dahil nakialam ang mga magulang ni Aya. Hindi ko naman alam na si Calvin pala ang ex husband niya.”
“Oh my god!” tili ni Bunny.
Nagkagulo na ang mga ito kaya nagmamadaling lumapit ang dalawang nurse para tingnan ang lagay niya.
“Hindi pwede ito! Tawagan mo si Calvin, bakit pa siya makikipagkita sa ex wife niya at bakit hindi niya sinabi sa'yo noong una pa lang ang lahat ng ito?”
Tumayo siya at hindi na pinansin pa ang tanong ni Bunny.
“Aakyat na ako sa kwarto ko, gusto ko na munang magpahinga.” Matamlay na sagot niya.
“Laurice!”
“Bunny, please? hindi ko alam kung ano ang una kong mararamdaman. Hindi ko alam kung magagalit ba ako agad o hihingi na muna ng paliwanag sa kaniya. Huwag naman ninyong pangunahan ang emosyon ko.” Pakiusap niya. Hindi na umimik ang mga kaibigan niya kaya umakyat na siya sa itaas.
BINABASA MO ANG
THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)
Storie d'amorenote: this is a collaboration series *book 1* Soon To Be Published Under PRECIOUS HEARTS ROMANCES/PHR FOLLOW/READ/VOTE/SHARE