16

1.1K 53 4
                                    

“DAPAT ko na bang i-report kay mommy at sabihin na palagi ka na lang ngumingiti ng walang dahilan?”
Mula sa pagtitig sa monitor ng laptop ay nag angat ng tingin si Calvin kay Gabrielle.

Sa halip na mainis ay tinawanan lang niya ang biro ng pamangkin. Himala na hindi na sila madalas mag away. Hindi niya alam kung nabawasan lang ang pagpapasaway nito o talagang maganda lang palagi ang mood niya kaya nagkakasundo na sila.

“Papayagan mo ba akong mamasyal mamaya?” naglalambing ang boses na tanong ng dalagita.

Patalon na humiga ito sa gilid ng kama niya habang siya ay nasa working table—malapit sa glass window—at nakaharap sa laptop. Kanina pa niya tinitingnan ang mga pictures ni Laurice sa facebook at twitter nito kaya napapangiti siya.

“Sinong kasama mo?” tanong niya sa pamangkin habang hindi niya maalis ang mga mata sa monitor ng laptop.

“My friends, sino pa ba?” anito.

Nasa Hongkong sila ngayon dahil may business meeting siya habang si Gabrielle ay nagpumilit sumama sa kaniya para bisitahin ang ilang kaibigan nito na sa HK na nakabase ngayon. Pwede naman niya itong payagan na mamasyal dahil may kasama itong yaya.

“Okay, pero maaga kayong bumalik ng hotel mamaya.” Bilin niya.

“Late ka na naman ba uuwi?”

“Work.” Matipid na sagot niya.

“Aw! Pero kapag kay DJ lovely, palaging may oras ka.”

Hindi niya pinansin ang sinabi ng pamangkin dahil abala pa rin siya sa pagtingin ng mga picture ni Laurice. Parang may kung anong pumintig sa dibdib niya nang mapagmasdan ang masayang ngiti ng babae.

Oh lord!

Ilang araw palang niya itong hindi nakakasama ay parang gusto na niyang lumipad pabalik ng Pilipinas. Kulang ang mga phonecalls at video calls para mabawasan ang pangungulila niya kay Laurice.

“Babalik na ako sa suite ko.” Mayamaya ay paalam ni Gabrielle.

“Sure.”

Napapailing na lumabas na ito ng suite niya. Balak na sana niyang patayin ang laptop at maligo na ng biglang may natanggap siyang bagong message sa email box niya. Hindi pamilyar sa kaniya ang email address ng sender. Agad na binuksan niya ang message box at binasa ang mensahe.

“Calvin, this is Aya, kamusta ka na? I heard na nasa Hongkong ka ngayon. Pwede ba tayong mag usap? May kailangan akong sabihin sa’yo. Alam kong galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon. Gusto kong ipaliwanag sa’yo ang side ko. I know this is too late, masyado na kitang nasaktan. I’m really sorry for hurting you, sana hayaan mo akong magpaliwanag.
I’ll wait for your reply.”

Ilang minutong natulala siya at napatingin sa kawalan. Mariing naikuyom ni Calvin ang nanginginig na mga palad. Pakiramdam niya ay may mabigat na bato ang dumagan sa dibdib niya dahil sa labis na pagkabigla. Pagkalipas ng maraming taon ay ngayon lang nagparamdam si Aya.

Pero bakit?

Mariing ipinilig niya ang ulo. Pinindot niya ang block button para hindi na ulit ito makapagpadala ng message sa kaniya. Hindi siya nahirapang gawin iyon. Hindi siya interesado sa kung anoman na sasabihin ng dati niyang asawa.

Para saan pa? Matagal ng tapos ang koneksiyon nila sa isa’t isa kaya wala ng halaga pa para pakinggan niya ang paliwanag ni Aya. Hindi siya magsasayang ng oras na gawin iyon.

Never.

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon