“MABUTI naman at lumabas ka na sa lungga mong bata ka, akala ko mapipilitin pa akong kaladkarin ka palabas ng kwarto mo.”
Nakapamaywang na bungad ni lola Karing nang bumaba si Laurice sa sala, mula sa ilang araw na pagmumukmok niya sa kwarto.
Malungkot na naupo lang siya sa mahabang sofa at inabot ang remote control sa ibabaw ng coffee table. Gusto niyang magbukas ng TV para makaiwas sa sermon pero mukhang wala itong balak na tigilan siya.
Naupo ito sa tabi niya at inagaw ang remote control. Napangiwi siya sa sakit nang hampasin siya nito ng malakas sa braso.
“Kung hindi pa ako tinawagan ni Bunny, hindi ko malalaman na ilang araw ka ng ganiyan.”
Nag iwas siya ng tingin kay lola Karing. Kanina lang ito dumating ng Maynila at sermon na agad ang isinalubong nito sa kaniya.
“Parte lang po siguro ito ng pagbubuntis ko kaya pabago bago ang mood ko.”
“Tigilan mo ako Laurice, hindi mo ako madadaan sa ganiyan. Sinabi na sa akin ni Bunny ang lahat. Dapat ay sa sunod na linggo pa ako luluwas ng Manila para mabantayan kita dahil malapit na ang kabuwanan mo pero napaluwas agad ako dahil sa pag aalala sa'yo .”
“Ano po ba ang sinabi sa inyo ni Bunny? Okay lang po ako, promise.”
“Alam kong may problema kayo ni Calvin, alam ko rin na ilang araw mo na siyang iniiwasan. Ang sabi ng mga nurse ay palaging nagpupunta dito ang tatay ng anak mo pero hindi mo naman siya hinaharap. Kahit ang mga kaibigan mo hindi mo rin daw kinakausap.” Sermon nito sa kaniya.
Yumuko siya at pinahid ang mga luha niya. Hindi na natatapos ang pag iyak niya. Kung minsan pa ay magpapahinga lang ng ilang minuto ang mga mata niya saka siya iiyak ulit hanggang sa makatulugan na niya iyon.
“Mas gusto ko lang po talagang magkulong sa kwarto, kumakain naman po ako sa tamang oras. Hindi ko naman kayang pabayaan ang baby ko.”
“Ganiyan ka na lang ba? Magmumukmok sa isang gilid? Palaban ka 'di ba? Hindi mo mararating ang kung ano ka ngayon kung hindi ka matapang. Pero bakit ngayon tiklop ka na agad?”
“Lola!” umiiyak na bulalas niya. Pakiramdam niya ay may nakabaon na matalim na bagay sa puso niya.
“Talaga bang hindi mo ipaglalaban si Calvin? Mahal mo siya, hindi ka masasaktan at magagalit ng ganiyan kung hindi siya mahalaga sa'yo.”
“Mahal ko siya pero hindi naman po niya sinabi sa akin na mahal niya ako. Sino lang po ba ako? Bagong salta lang naman ako sa buhay ni Calvin samantalang si Aya, naging asawa po niya. Malalim ang pinagsamahan nilang dalawa at saka may anak na po sila. Wala naman pong problema sa akin kung makasama niya ang anak niya, dapat lang naman po niyang gawin 'yun 'di ba? Pero kasi…” nagsisikip ang paghinga na kinagat niya ang ibabang labi.
“H-hindi ko po kayang makita ang daddy ng baby ko na kasama ang ex wife niya, para po akong mamamatay sa sakit kapag naiisip ko na baka hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin sila sa isa’t isa. Kinakain ako ng matinding selos at sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa buhay ni Calvin.”
“Laurice…” naaawang hinagod ni lola Karing ang likod niya. Malungkot na ngumiti lang siya at tumayo na.
“Huwag na po kayong mag alala sa akin, lola, tapos na po akong magmukmok. Back to normal na ulit ako.”
“Sana nga apo, hindi ako sanay na nakikita kang ganiyan. Lumaban ka, ipaglaban mo si Calvin.”
Sana nga may karapatan akong gawin iyon….
----
Emotera na si Laurice. Ang sakit talaga magmahal. Anong say ninyo? 😥

BINABASA MO ANG
THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)
Romancenote: this is a collaboration series *book 1* Soon To Be Published Under PRECIOUS HEARTS ROMANCES/PHR FOLLOW/READ/VOTE/SHARE