12

1.1K 54 0
                                    

KUNG hindi lang napuyat si Laurice sa pag eempake ng mga damit na dadalhin niya sa pag uwi sa Quezon ay hindi niya papayagan ang nurse na si Joy na ipagmaneho siya.

Mas gusto pa niyang pabalikin na lang kay Calvin ang dalawang nurse. Kaya lang ay nakiusap sa kaniya si Rhea, nangako daw kasi si Calvin na magbibigay ng malaking bonus. Kailangan ni Rhea ng pera dahil may sakit ang asawa nito at si Joy naman ay may pinapaaral na kapatid.

Umepekto sa kaniya ang pangongosensiya ng dalawang nurse  kaya napilitan siyang isama ang mga ito sa pag uwi niya ng probinsiya.

"Ma'am, sige na po, mauna na po kayo sa loob. Kami na po ni Joy ang bahala sa mga gamit."

"Salamat."

Pagkababa ng kotse ay tiningnan agad niya ang paligid. Tatlong araw siyang magbabakasyon doon dahil malapit na ang birthday ni lolo Ponchong. Pagkatapos ay babalik siya sa Manila para magsulat ng bagong libro.

Pinayagan na siya ng manager niya na mas paagahin ang maternity leave dahil nabalitaan nito ang nangyari sa booksigning niya.

Habang inililibot ang mga mata sa paligid ay huli na nang mapansin niya ang isa pang kotse na nakaparada naman sa kabilang side ng kalsada. Pamilyar sa kaniya ang kotse pero bago pa man niya maalala kung sino ang may ari niyon ay humahangos na lumabas na ng bahay ang asawa ni lolo Ponchong. Sinalubong niya ito nang patakbong lumapit ito sa kaniya.

"Lola Karing naman, bakit po ba kayo tumatakbo?"

"Ikaw na bata ka, ang tagal mong hindi umuwi."

"Sorry po." Nahihiyang sabi niya.

Mula nang umuwi siya galing Macau ay hindi pa siya bumisita sa mag asawa. Tinawagan lang niya noon si lolo Ponchong para ipaalam ang tungkol sa pagbubuntis niya. Medyo sumama ang loob ng lolo niya nang malaman nito na walang kikilalaning ama ang magiging anak niya pero inirespeto nito ang desisyon niya.

"Siya, sige, pumasok ka na sa loob at kanina ka pa hinihintay ng bisita mo."

"Bisita?" gulat na ulit niya.

"Oo, bisita mo. Ang kwento sa amin ni Calvin ay inaayos na ninyong dalawa ang tungkol sa inyo. Alam mo, hindi naman ako masyadong makikialam sa inyong dalawa. Ang lolo mo lang ang problema dahil masyadong makaluma, parang sinilihan ang pwet ng biglang sumulpot kanina ang tatay ng anak mo."

"Ano po?!" napaubo siya sa narinig.

Kahit hirap sa paglalakad ay nagmadali siyang pumasok ng bahay. Naabutan niya ang lolo niya na nagkakape sa sala habang nagbabasa ng dyaryo.

"'O, nandito ka na pala. Bakit ba wala kang pasabi na ngayon ka uuwi, ha? Kung hindi pa sumulpot ang boyfriend mo-"

"Hindi ko po siya boyfriend." Kinakabahang sagot niya at lumapit para magmano.

"Pareho lang iyon, ama siya ng anak mo kaya sa ayaw at sa gusto mo ay mayroon na kayong relasyon."

"Masyado ka talagang makaluma." Nakaismid na singit ni lola Karing.

Napangiwi na lang siya at inilibot ang mga mata sa maliit na sala. Hindi niya makita ang bwisita.

"Hinahanap mo ang boyfriend mo?" masungit na tanong ng lolo niya.

"Lolo naman!" namumula ang mga pisnging reklamo niya.

"Hanapin mo sa likod at maagang dumating ang Calvin na 'yun. Pinag igib ko siya ng tubig kanina at malamang na nagsisibak siya ng kahoy ngayon."

"Lolo! May gripo naman tayo sa loob ng bahay, bakit mo naman po ginawa 'yun?"

"Aba'y gusto ko lang makita kung mahaba ang pasensiya niya!"

Hay jusko!

Hanggang sa probinsiya ba naman ay ayaw siyang tigilan ni Calvin. Talaga bang ganoon ito kasabik na magkaroon ng anak?

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon