10

1.2K 50 3
                                    

NAKARAMDAM ng gutom si Laurice nang ilabas na ng dalawang waiter ang mga pagkain na inorder ni Calvin. Halos maglaway siya nang makita sa table ang paborito niyang mga pagkain.

Napunta sa umuusok pang pancit guisado ang atensiyon niya. Hindi agad siya kumilos at nang mapansin ni Calvin na wala siyang kibo ay ito na ang kusang naglagay ng pagkain sa plato niya.

“S-salamat..” 

Ngumiti lang ito na nagpatuliro naman ng todo sa puso niya. Mas lalo tuloy siyang nagutom dahil sa pagngiti nito. Nag iwas siya ng tingin at nagkunwaring abala na sa pagkain. Wala silang imikan. Private room ang kinuha ni Calvin kaya masyadong tahimik ang paligid.

Pagkatapos kumain ay saka lang sila nagkaroon ng pagkakataon na mag usap. Naisip niya na gentleman ang lalaki. Iniisip siguro nito na baka maapektuhan ang mood niya sa kung ano man na pag uusapan nila at baka mawalan siya ng ganang kumain.

“Tungkol sa sasabihin mo, pwede mo nang simulan,” walang kakurap kurap ang mga matang sabi niya. Hindi niya magawang alisin ang mga mata sa gwapong mukha nito.

Sa pagkakaalam ni Laurice ay hindi ito purong Pinoy. Nabasa niya sa magazine ang tungkol sa mga magulang nito. Half Australian-half Spanish ang ina ni Calvin samantalang ang ama naman ay half Filipino-half Greek.

Parang gusto tuloy niyang maging proud kahit hindi naman niya dapat ipagmalaki ang ginawa niya sa Macau. Sigurado kasi siya na magiging maganda o gwapo ang anak niya dahil perfect ang genes ng daddy nito. Idagdag pa na may histura din naman siya. Marami ang nagsasabi na maganda siya. Medyo kinulang lang siya sa height pero kahawig niya ang aktres na si Janella Salvador.

“Okay.” Tumango si Calvin.

Isinandal nito ang likod sa backrest ng upuan at sinalubong siya ng seryosong tingin.

“I want you to marry me.” Walang prenong sabi nito.

Namilog ang mga mata ni Laurice. Daig pa niya ang pinagbagsakan ng buong universe at hindi makapaniwalang tumingin kay Calvin. Kalmado lang ito samantalang siya ay parang mapapaaga na ang panganganak.

“Ano?”

Tama ba ang narinig ko?

“Gusto kong magpakasal ka sa akin, iyon lang ang nakikita kong paraan para hayaan mo akong makasama ang anak ko.” Kampanteng dagdag pa nito.

Kung magsalita ito ay para lang siya nitong inalok na uminom ng kape.

“Hindi ito business deal na dapat mong i-close kaya huwag mo akong manipulahin!” mariing
bulalas niya.

“Hindi sa ganoon, Laurice. Iniisip ko lang ang kapakanan ng anak natin. Ayokong maipanganak siya at lumaki na bihira lang niya akong nakikita. Gusto kong makasama sa iisang bahay ang anak ko at magabayan siya sa paglaki niya. Anong masama sa proposal ko?” giit nito.

Literal na nanggigil siya.

“Buo na ang plano ko, lalaking masaya ang bata dahil may mommy siya. May mga tita rin siya at may mga kamag anak kami na pwedeng gumabay sa kaniya—”

“Iba pa rin na lumaki ang bata na nakakasama niya ang daddy niya. Mas lalaki siyang maayos.”

“Bata pa lang ako nang mamatay ang mga magulang ko, noong lumalaki ako walang ama na nag guide sa akin pero naging matino naman ako at maayos naman ang buhay ko. May mga kilala rin akong single mom at maayos naman ang naging buhay ng mga anak nila.”

“Kasal lang naman 'yun—”

“Kasal lang?” singhal niya.

Kung banggitin nito ang salitang kasal ay parang walang halaga iyon. Tumango ito at mahinang tinapik ang palad sa table.

“Isang kapirasong papel lang 'yun at eventually kung talagang hindi tayo magkakasundo pwede tayong magfile ng annulment. O mas mabuti pa na sa ibang bansa na lang tayo magpakasal para kung gustuhin mong makipaghiwalay ay hindi na tayo mahirapan pa sa pag aayos ng mga papeles. Pero hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin na maliit pa ang anak natin. Kapag nasa sampung taong gulang na siya at pwede na niyang maintindihan ang totoong relasyon natin, saka lang kita hahayaang gawin kung ano ang gusto mo.” Paliwanag ni Calvin.

Kinagat niya ng mariin ang ibabang labi para pigilan ang sarili na sumigaw sa matinding frustration. Hinagod niya ang humihilab na tiyan. Naglilikot na naman ang bata sa loob ng tiyan niya. Mas nakadagdag pa iyon sa stress na niya dahil kapag nagsasalita si Calvin ay panay ang sipa ng bata na para bang natutuwa itong marinig ang boses ng ama.

“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang kasal, ha? ang kasal ay habangbuhay na pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan. Nagkakamali ka kung iniisip mo na liberated ako at bumigay agad ako sa'yo noong nasa Macau tayo. Lasing ako ng gabing 'yun at malungkot dahil nga mag isa ako. Alam mo kung ano ang nangyari sa atin? One. Night. Stand. Ayun lang 'yun, hindi mo pwedeng isiksik na lang basta ang sarili mo sa buhay namin ng anak ko. Siguro nga maraming nagpapakasal dahil may batang involved, pero paano naman ako? Paano ka? Hindi naman natin mahal ang isa’t isa kaya bakit tayo magsasama sa iisang bubong at bakit ko gagamitin ang apelyido mo?”

  Natigilan siya ng wala siyang makitang bahid ng inis sa buong mukha ni Calvin. Nabasa niya ang pagkaaliw sa mga mata nito. Kamuntik nang malaglag ang puso niya sa pagkagulat ng bigla itong dumukwang palapit sa kaniya. Napalunok siya nang dumampi sa balat niya ang mainit na hininga nito.

“Hindi naman ako mahirap mahalin, hindi ka rin maghihirap sa poder ko. Ano pa ba ang kulang?”

Natulala siya. Parang bumukas ang pinto ng langit at may dumaang mga anghel sa pagitan nila dahil pareho silang natigilan nang mapansin na isang dangkal lang ang pagitan nila sa isa’t isa. Halos mabingi siya sa malakas na pagkabog ng dibdib niya nang bumaba ang tingin ni Calvin sa mga labi niya.

Gusto ba niya akong halikan? Sa naisip ay halos habulin na niya ang paghinga.

“Marry me, sisiguruhin ko sa'yong hindi mo pagsisihan simula sa una hanggang sa pinakahuling araw na gagamitin mo ang apelyido ko.” Paanas na sambit nito.

May namuong init sa dibdib niya dahil sa sinabi ni Calvin. Hindi iyon ang pinakamatamis na wedding proposal pero alam niyang hindi sa araw-araw ay makakatanggap siya ng ganoong alok. Nakakatawang isipin na unti unti na naman siyang nadadala at nahihipnotismo ng magandang mga mata nito. Parang may magnet na nagdidikit sa kanilang dalawa kaya hindi niya magawang alisin ang mga mata sa perkektong mukha nito.

Umayos ka Laurice!

Saway niya sa sarili. Malakas na itinulak niya ito palayo. Napabalik naman ito sa dating pwesto at gulat na tiningnan siya.

“Magpakasal kang mag isa!” singhal niya at nagmamadaling tumayo na.

Mabilis ang mga hakbang na iniwan niya ito. Napaungol siya sa inis nang lumabas siya ng restaurant at maalala na hindi niya dala ang kotse niya dahil ang kotse ni Calvin ang ginamit nila kanina.

Balak na sana niyang pumara ng taxi nang lapitan siya ng driver ni Calvin. May kausap pa ito sa cellphone na mabilis din naman natapos nang makalapit na sa kaniya.

“Inutusan po ako ni sir Calvin na ihatid ka pauwi.” 

Gusto niyang tumanggi pero pagod na siya at lahat ng dumadaan na taxi ay may sakay na.

“Okay.” Napipilitang sabi ni Laurice at sumunod na sa driver.

Nang makasakay siya sa kotse ay agad na ipinikit niya ang mga mata nang dumikit sa ilong niya ang amoy ng pabango ni Calvin na nakadikit na siguro sa bawat bahagi ng sasakyan.

Bakit ba ako natutuliro kapag naaamoy ko siya? Hindi naman ako isang tuta na kailangan mataranta kapag naaamoy ko na ang amo ko. Kainis!

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon