"'O, ayan!"
"Ano 'yan?" mula sa pagpapak sa burger ay napatingin si Laurice nang ipatong ni Justin sa table
niya ang dala nitong mga magazine.Karamihan sa mga iyon ay lifestyle at business related na magazine.
"Anong gagawin ko sa mga 'yan?" nagtatakang tanong niya.
Tinapunan lang niya ng tingin ang magazine at kumagat sa burger na hawak niya. Pasado alas sais y medya na ng hapon pero naroon pa rin siya sa radio station. Sabado ngayon kaya wala siyang radio show. Kaya lang ay naiinip siyang tumambay sa bahay.
Naiilang rin siyang kasama ang dalawang nurse kaya tinakasan niya ang mga ito.
Kung takas mang matatawag ang ginagawa ko...
Bigla siyang nanlumo. Ilang araw na siyang hindi mapakali dahil maliban sa mga nurse na bantay niya ay aware din siya na kapag nasa labas siya ay may mga matang nagmamasid sa kaniya. Matinding stress na ang inabot niya kaya pagkain ang naging stress reliever niya.
Buong araw ay wala siyang ginawa kundi ang kumain ng paborito niyang happy meal sa Happy Kids branch na katabi lang ng radio station nila.
"Ang sabi ni doc, kumain ka ng marami pero hindi niya sinabing umubos ka ng apat na burger at limang large french-fries sa Happy Kids."
"Masarap eh!"
"Malapit ka ng maging kasize ng mascot sa Happy Kids."
Inirapan lang niya si Justin.
"Bumalik ka na nga sa table mo."
"Basahin mo na muna itong mga magazine para mas makilala mo ang daddy ng baby mo." Pangungulit ni Bunny.
Halos ingudngod na nito sa mukha niya ang isang makapal na magazine. Tinabig niya ang kamay nito pero inagaw nito ang burger at ang magazine ang inilagay nito sa kamay niya.
"Ano ba!" singhal niya sa dalawa.
"Mamang, payong kaibigan lang ha?" ani Justin.
Binitbit nito ang sariling stool at tumabi ng upo sa kaniya. Ganoon din ang ginawa ni Bunny kaya nagsisiksikan na silang tatlo sa table niya.
"Walang mawawala sa'yo kung papayagan mo si Calvin bebe na makilala ng anak ninyo."
"Akin lang ang anak ko!"
"Bakla ka, hindi mo pwedeng sabihin 'yan, huwag kang sakim. Mabubuo ba 'yan ng walang nota?"
"Ang bastos mo!" saway niya kay Bunny.
"Ikaw ang bastos, kunwari ka pa diyan na hater ng one night stand, secret fan naman pala." Hirit pa nito.
Inagaw ni Justin ang magazine at binuklat iyon saka ipinakita sa kaniya ang isang page kung saan nakapaskil ang picture ni Calvin.
The hottest businessman in town. Iyon ang title ng article kung saan na-feature si Calvin Herrera. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang picture nito. Napakagwapo nito sa suot na white tuxedo. Para itong groom na sumabak sa wedding photoshoot. Parang wala sa sariling binawi niya ang magazine kay Justin at binasa ang buong article.
Si Racquel ang contributor ng article at nabanggit nito na pinsan pala nito si Calvin. Ayon sa article ay thirty two years old na ang lalaki at kabilang ito sa isa sa pinakabatang business magnate sa buong mundo. Pagmamay ari nito ang Herrera Empire na minana nito sa namayapang mga magulang. Pamilyar sa kaniya ang Herrera Empire, isang korporasyon iyon na ang nasa ilalim ay maraming mga kompanya, maliit man o malaki.
Ipinakita ni Bunny sa kaniya ang hawak nitong papel.

BINABASA MO ANG
THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)
Romancenote: this is a collaboration series *book 1* Soon To Be Published Under PRECIOUS HEARTS ROMANCES/PHR FOLLOW/READ/VOTE/SHARE