“SIGURADO ka bang dito ka mamimili?”
Agad na nag angat ng tingin si Laurice kay Calvin. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa gwapong mukha nito at sa kamay nitong nakalahad sa harapan niya. Dahil hirap kumilos ay tinanggap niya ang palad ni Calvin at hinayaan itong alalayan siyang bumaba ng sasakyan.
Napapasinghap siya sa tuwing lumalakas ang hangin at nalalanghap niya ang amoy nito. Parang kinikiliti ang puso niya kapag nanunuot na sa ilong niya ang pinagsamang amoy ng mens cologne at natural na amoy ni Calvin.
“Salamat.”
“No biggie, marami ka bang bibilihin?” tanong nito at tiningnan ang dala niyang malaking basket.
“Pwede mo namang ibigay na lang sa akin ang grocery list, itatawag ko na lang sa staff ko para sila na ang magdala sa bahay ng lolo mo.”
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Alam niyang business magnate ito pero wala siyang balak na samantalahin ang status nito.
Nahihiya na nga siya na nagtitiis ito sa maliit na kwartong ipinagamit ng lolo niya tapos ay tatanggapin pa niya ang offer nito. Masyado ng unfair iyon para kay Calvin.
“Alam mo, Mr. Herrera, dito naman po talaga kami namimili dahil ito ang mas malapit. Saka mas mabuti ng dito tayo bumili ng mga kakailanganin para sa birthday ni lolo bukas dahil mas makakatulong pa tayo sa maliit na mga negosyante.” Paliwanag niya.
Wala siyang balak na isama ito sa palengke pero nagpumilit ito kanina.
“Baka maraming tao sa loob ng palengke, paano kung masagi ka nila? O baka madulas ka pa—”
Naitirik niya ang mga mata at itinaas ang isang kamay para pigilan ito sa pagsasalita.
“Kaya ka nga nandito 'di ba? Kasi proprotektahan mo kami ni baby.”
Mas lalong tumingkad ang kulay asul na mga mata nito. Halatang natuwa ito sa sinabi niya.“Fine.” Anito at kinuha na ang dala niyang basket.
Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya at iyakap iyon sa mismong braso nito. Aaminin niya na unti unti na siyang nasasanay sa mga ganoong kilos ni Calvin. Kahit nasa bahay sila ay ganoon talaga ito. Kaunting ngiwi lang niya ay nakaalalay agad ito at halos ayaw na siyang iwan.
Daig pa nito ang dalawang nurse niya kung mag asikaso sa kaniya. Kasundo nito si lola Karing, si lolo Ponchong naman ay medyo masungit pa rin. Panay ang utos ng lolo niya kaya madalas na nakikita niyang pagod ang lalaki. Ang nakakatuwa lang ay hindi talaga ito sumuko kahit anong pahirap ng lolo niya.
Nang pumasok na sila sa palengke ay nagkagulo ang ilang tindera nang makita siya.
“Aba'y si dj Lovely pala, teka sino ba 'yang kasama mo? Asawa mo?” tanong ng tindera ng mga gulay.
Nag init ang mga pisngi niya sa narinig. Alam niyang pwede naman niyang itama ang malaking akala nito pero hindi niya magawa iyon dahil biglang nanuyo ang lalamunan niya.
Ngumiti na lang siya ng pilit. Napansin siguro ni Calvin ang pagkailang niya. Masuyong hinagod nito ang likod niya. Napaigtad siya nang yumuko ito at dumikit sa kaliwang tenga niya ang mainit na labi nito.
“Ako na ba ang sasagot para sa'yo?” tukso nito.
Kamuntik ng magbreakdance ang puso niya sa pagkagulat. Namumula ang mga pisnging hinampas niya ito sa balikat.
“Tumigil ka nga.” Kulang sa pwersang saway niya.
Parang sa halip na inis ay excitement pa yata ang naramdaman niya. Natawa naman ito at hinapit siya palapit sa katawan nito nang mapansin na medyo nagsisiksikan na sa pwesto nila dahil sa pagdami ng mga taong nakikiusyuso.
“Nag asawa ka na pala?”
“Ang balita ko nga sa radyo ay buntis ka.”
“Ang gwapo ng asawa mo, ineng, parang artista.”
“Ah….” Tanging naisagot niya.
Bigla siyang nahilo dahil sa magkakasunod na tanong ng mga taong nakapalibot sa kanila. Namagitan naman si Calvin at inakbayan siya.
“Pasensiya na po pero mabilis pong mapagod ang misis ko, sa sunod na lang namin sasagutin ang mga tanong ninyo.” magalang na paalam nito.
Nakakaunawang tinigilan na sila ng mga naroon.
“Misis mo?” natitigilang ulit niya at tiningnan ito habang nakaakbay pa rin ito sa kaniya.
“Oo, misis ko, inalok na kita ng kasal 'di ba? Ayoko lang na makulitan ka sa akin pero umaasa pa rin ako na papayag ka sa proposal ko, para sa kapakanan ng bata.”
“Ayokong pag usapan 'yan sa ngayon.” Kaga labing sagot naman niya.
“Yeah.” Malalim na bumuntong hininga ito at parang nadismaya ng kaunti sa sagot niya.
Nag iwas siya ng tingin at bumitiw mula sa pag akbay nito sa kaniya. Nagkunwari siyang abala sa pagpili ng mga gulay. Nang magbabayad na siya ay saka lang nagsalita ulit si Calvin.
“Ako na ang magbabayad.” Alok nito.
“No, ako na.”
“Ako na.”
“Lolo ko naman ang may birthday kaya ako ang dapat na gumastos.”
Halatang hindi nito nagustuhan ang pagtanggi niya.Ayaw niyang madagdagan pa ang disappointment nito kaya isang ideya ang naisip niya.
“Pagkatapos nating mamalengke sasamahan kita sa isang store na malapit lang dito. Ibili mo na lang ng alak si lolo para matuwa siya sa'yo.”
“Sure.” Nakangiting tumango na ito. Nagbago na agad ang mood nito. Inabot ni Calvin ang kamay niya at masuyong pinisil iyon. “Let’s go.”
Isang oras ang mabilis na lumipas bago sila natapos sa pamimili sa palengke. Nang makabili ng alak ay dumiretso siya sa drugstore para bumili naman ng gamot.
“Bakit ka bumili ng gamot? May sakit ka ba?” tanong ni Calvin ng magkatabi na sila sa loob ng sasakyan. Umiling lang siya at inabot sa lalaki ang binili niyang bottled water.
Nagtatakang tinanggap nito ang tubig bago siya tiningnan ulit. Siya na ang mismong nagsubo ng tabletas kay Calvin. Gamot iyon para sa sakit ng katawan.
“Akala mo ba hindi ko napapansin na halos mahirapan ka na sa pagbitbit ng basket kanina?” sermon niya.
“Talikod.” Utos niya at tinapik ito sa balikat.
Walang imik na sumunod ito. Itinaas niya ang damit nito at inilagay sa likod nito ang dalawang piraso ng salonpas.
“Okay na.” Sabi niya.
Nang humarap ito sa kaniya ay nagulat siya nang dumukwang ito at masuyong hinalikan siya sa noo. Nagtagal ng ilang segundo ang paglapat ng mainit na labi nito sa noo niya saka siya nito binitiwan.
“Thank you.” Paanas na sambit nito.
Parang sasabog na ang dibdib ni Laurice dahil sa malakas na pagkabog niyon. Tumingin siya sa labas ng bintanang salamin at habol ang paghingang kinagat niya ang likod ng mga pisngi. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang paggapang ng malakas na boltahe ng kuryente sa buong katawan niya. Sa noo pa lang siya hinalikan ni Calvin pero halos mawalan na siya ng lakas.
Paano pa kaya kung ang mga labi na niya ang hinalikan nito? baka tuluyan na siyang hindi makahinga at kailanganin pa niya ng oxygen mask para lang kumalma siya.
“B-bakit mo ginawa 'yun?” nauutal pang tanong niya at nilingon ito.
Gusto niyang sermunan ito pero hindi niya kayang magbitiw ng higit pa sa apat na salita.
“Masama bang maging malambing sa mommy ng baby ko?” parang nagpapacute na kinindatan pa siya ni Calvin nang magtama ang mga mata nila.
Aminin mo na lang kasi na gusto mo ang ginawa niya, Laurice!
Napabuntong hininga siya at nag iwas na ng tingin. Kahit sa simpleng kindat lang ni Calvin ay bumibigay na ang puso niya. Paano naman kasi niya magagawang balewalain ang biglaang paglalambing nito kung hinahanap hanap naman iyon ng katawan niya?
Hayyy!

BINABASA MO ANG
THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)
Romansnote: this is a collaboration series *book 1* Soon To Be Published Under PRECIOUS HEARTS ROMANCES/PHR FOLLOW/READ/VOTE/SHARE