-end-

2.1K 82 16
                                    

TAHIMIK lang si Laurice habang katabi niya sa radio booth sila Justin at Bunny. Nakatitig lang siya sa hawak na cellphone habang ang dalawa ay panay ang tsismisan. Alam niyang magmumukha na siyang desperada pero aminado siya na ilang araw na niyang hinihintay ang tawag at text ni Calvin. Ayaw niyang gumawa ng first move kaya ngayon ay halos mamuti na ang mga mata niya sa paghihintay ng tawag nito.

“Girl, kahit mag orasyon ka diyan, hindi kusang gagalaw ang cellphone mo.” Natatawang saway ni Justin.

Sinimangutan lang niya ito.

Magkapartner sila Bunny at Justin sa bagong radio show na ini-launched ng heart radio. First day ng show ng dalawa kaya hindi na siya nakatanggi pa nang imbitahan siya ng mga ito na maging celebrity guest.

“Okay, magsisimula na ulit tayo in two minutes, be ready guys.” Sabi ni Bunny. Ilang sandali pa ay naging abala na silang tatlo.

“At nagbabalik po ang inyong DJ na may mukhang hindi maikokompra sa iba, may kagandahan na hindi basta-basta makikita sa earth, ang nag iisang si Dj Josa!” eksaheradang tumawa si Justin pagkatapos ng introduction nito.

“Mga mars,” singit ni Bunny.

“'O ano? Uutang ka?” sagot naman ni Justin. Umecho ang matinis na tanawan sa background nila.

“Hindi ako uutang, grabe ka naman, manghihingi lang,”

Wala siya sa mood makisabay sa masayang tawanan ng dalawang makulit na Dj kaya hinayaan na lang niya ang mga ito.

“Mars, galaw-galaw baka ma-coma ka diyan,” tawag ni Bunny sa atensiyon niya.

Wala itong pakialam kahit naka-ere pa sila. Ngumisi pa ito sa kaniya at kinindatan siya. Pinaningkitan lang niya ito ng mga mata at kahit malungkot ay pilit na sinabayan niya ang energy ng mga ito.

“Magandang-magandang-magandang-magandang-magandang-magandang gabi Pilipens! Na-miss ba ninyo ako?”

“Whooo! Taas ng energy level!” sabay ni Justin.

“Parang medyo paos ka—charot!” parinig ni Bunny. Kahit gusto na niyang sabunutan ito ay tumawa na lang siya.

“Pasensiya na po sa mga listeners, medyo malamig lang po talaga dito sa booth namin. Para tuloy akong nasa Alaska, ganern!” sakay na lang niya.

“Wait mga mars, alam naman natin na ang  purpose ng show na ito ay tulungan ang mga listeners natin na magmove on 'di ba?”

“Tumpak!” dueto nila ni Bunny.

“Pero may caller kasi ako ngayon at gusto niyang makipag usap sa atin, may tampuhan daw kasi sila ng fiancee niya.”

“Hmmmm….” Sagot ni Bunny.

Nagtatakang tiningnan niya ang mga kaibigan. Ang alam niya ay magbibigay lang sila ng advice para sa mga letter sender. Ganoon naman ang theme ng bagong show ng mga ito kaya nagulat siya nang malaman ang tungkol sa caller. 

“At si Dj Lovely ang gusto niyang makausap, mamang i-ready mo na ang sarili mo dahil…..” sinadya nitong ibitin ang sasabihin at nginitian siya ng pilya. “Mahaba habang usapan ito.”

“Talaga ba?” sakay na lang niya at tumawa ng malakas. “Game ako diyan!”

Parang kinikilig pa si Justin nang kausapin ang caller. 

“Hello, si DJ Josa po ito, magandang gabi sa'yo.”

“Good evening.”

Nawindang siya nang marinig ang pamilyar na boses ng caller. Awtomatikong nagsikip ang dibdib niya at gulat na napalingon kay Bunny. Nakangiting nag iwas naman ito ng tingin sa kaniya. Kahit si Justin ay umiiwas na makipag eye contact sa kaniya. Parang may kung anong itinatago ang mga ito sa kaniya!

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon