13

1.1K 56 0
                                    

Nagmamadaling nilapitan ni Laurice si Calvin nang makita itong nagsisibak ng kahoy sa likod ng bahay. Napalunok siya nang makitang topless ito at ang pang ibaba ay black pants na humahapit sa mga binti nito. Kung kailan malapit na siya ay saka naman siya tumigil sa paglalakad at tulalang tinitigan na lang ang kabuuan ng binata.

Pawisan at halatang pagod na si Calvin. Para itong modelo na nagpose sa mens magazine habang gumagalaw ang mga muscles nito at ibinabandera nito ang magandang built ng katawan. Naikurap niya ang mga mata at huminga ng malalim para kalmahin sa pagwawala ang puso niya. Lumapit na siya kay Calvin. Tumigil ito sa ginagawa nang makita siya. Binitiwan nito ang palakol at nakangiting humarap sa kaniya.

“Hi!” masiglang bati nito.

Kinagat niya ang likod ng mga pisngi at pinagkrus niya ang mga braso sa bandang dibdib saka binigyan ito ng blangkong tingin. Pero sa halip na maintimidate ay ngumiti lang ulit ito at tinitigan pa siya. Nawala tuloy sa tamang posisyon ang puso niya dahil sa pagngiti ni Calvin.

“Alam mo ba na hindi ka dapat na nagpunta dito? Hindi mo kilala ang lolo ko.” Seryosong sabi ni Laurice.

Kumibot ang mga labi ni Calvin at ginaya ang posisyon niya. Napatingin siya sa nakaumbok na mga braso nito. Naalala niya ang gabing ginawa niyang unan ang mga brasong iyon at mahimbing na natulog siya. Mabilis na nag init ang mga pisngi niya. Gusto na niyang magpakain sa lupa at mawala na parang bula dahil kung ano-ano ang naiisip niya ngayon.

“Kaya nga ako nagpunta dito sa probinsiya ninyo para kilalanin sila, wala naman masama na makilala ko ang pamilya ng anak ko, 'di ba?”

Natigilan siya at biglang napangiwi nang maramdaman ang paggalaw ng bata sa tiyan niya. Masakit iyon dahil may kasama pang sipa ang paggalaw ng baby. Para na siyang pangangapusan ng paghinga dahil dalawang beses iyong sumipa.

“Aray…” kagat labing anas niya habang hinahagod ang malaking tiyan.

Nataranta si Calvin at mabilis na inalalayan siyang maupo sa mahabang kahoy na upuan sa ilalim ng malaking puno.

“Are you okay? Gusto mo bang tawagin ko ang mga nurse mo o ihahatid na kita sa ospital?” namumutlang tanong nito sa kaniya.

Umiling lang siya at ilang beses na huminga ng malalim. Tumitigas pa rin ang tiyan niya at parang maiiyak na siya sa sakit.

“Sumisipa kasi si baby…” pawisan ang noong sabi niya.

Namilog naman ang mga mata nito at agad na naupo sa tabi niya. Nagulat siya nang hawakan nito ang tiyan niya.

“Baby, huwag mo nang pahirapan si mommy, please? Pagod siya sa biyahe kaya kailangan ninyong magpahinga.” Malambing ang boses na pagkausap nito sa anak nila habang nakangiti ito at maingat na hinahaplos ang tiyan niya.

Himalang nakinig ang anak nila dahil tumigil na ito sa paggalaw. Nawala na ang sakit ng tiyan niya at bumalik na rin sa normal ang paghinga niya.

Parang gusto tuloy niyang magtampo dahil sa isang sabi lang ni Calvin ay sinunod agad ito ng anak nila. Samantalang siya na ina ay hindi nito magawang pakinggan kapag nakikiusap siya na huwag siyang pahirapan sa tuwing nagigising siya sa gabi na panay ang galaw at sipa nito.

Nakagat niya ng mariin ang ibabang labi at naipikit ang mga mata nang maramdaman ang pagpatak ng mga luha niya. Natural lang sa buntis ang maging emosyonal pero hindi niya akalain na kahit sa ganoon kasimpleng bagay ay maiiyak na siya.

“Masakit ba talaga?” nag aalalang tanong ulit ni Calvin.

Hinaplos nito ang mga pisngi niya at masuyong pinunasan nito ng palad ang mga luha niya. Iminulat niya ang mga mata at sinalubong ito ng tingin. Binalot ng hindi maipaliwanag na emosyon ang dibdib niya nang makita ang mga mata nito.

Isa lang ang nasa isip niya ngayon, tama si Calvin dahil kailangan ito ng anak nila. Kailangan ng anak niya ng isang ama. Ngayon pa lang ay nagagawa na nitong mapaamo ang anak nila. Hindi pa man ipinapanganak ang baby nila ay nasasabik na agad ito sa daddy nito.

Paano niya magagawang ipagdamot sa anak niya na makasama nito ang sariling ama kung ngayon pa lang na nasa tiyan niya ito ay palaging si Calvin na ang hinahanap hanap nito?

“My god! You’re crying..” natitigilang sabi ng lalaki. “I’ll take you to the hospital—”

“No.” mabilis na pinigilan niya ito sa braso nang akmang tatayo ito. Nagtatakang naupo ulit ito sa tabi niya. “Okay na ako, medyo napagod lang siguro ako sa biyahe.”

“Sigurado ka ba?” 

Nakangiting tumango naman siya. Halatang nagulat ito sa pagngiti niya.

“Laurice…”

“Please, don’t ask me anything.” Pigil niya kay Calvin. “Sorry kung may mga pagkakataon na sobrang sungit ko tapos biglang ang bait ko ngayon. Ganito talaga kapag buntis, pabago bago ng mood.” Mabilis na paliwanag niya.

Mabagal na tumango ito.

“Naiintindihan ko.”

“So, huwag mong bigyan ng ibang meaning kung biglang mabait ako sa'yo ngayon. Papasok na muna ako sa loob para ipagtimpla ka ng juice. Mukhang nauuhaw ka na 'eh.”
Nagmamadaling tumayo na siya.

Tinalikuran na niya ito at balak na sanang bumalik sa loob ng bahay nang marinig niya ang pagtawag nito.

“Yes? May sasabihin ka pa ba?” kinakabahang sabi niya at pumihit ulit paharap kay Calvin.

Nang ngitian siya nito ay tuluyan na yata niyang nakalimutan na huminga. Parang nagkaroon ng fireworks display at biglang lumiwanag ang buong paligid dahil sa matamis na ngiti ng lalaki. 

“Thank you.” anito.

Hindi niya mapigilan ang paglambot ng puso niya dahil sa ngiting iyon. Tumango lang siya at tumalikod na ulit, saka siya ngumiti ng sobrang tamis. Marahang tinapik tapik niya ang dibdib para sawayin ang puso niya sa pagwawala. Nangingiting hinaplos niya ang tiyan.

Kasalanan mo ito, anak. Kung hindi ka nagpasaway kanina ay hindi sana ako magiging mabait sa daddy mo.

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon