"Ganyan kayong mga dukha! Nagpapapikot para lang maikasal sa mayaman! Wag mo syang siputin, hayaan mong maghintay sya dun!"
Dinuro-duro ako ng nanay ni Wayne. Bakit ngayon pa nag-iinarte ang matandang 'to? Kinse minutos na lang bago ang kasal namin ng anak nya.
"Pero po. Hindi ko sya pinikot, apat na taon na po kaming magkarelasyon" nakatayo lang ako sa harap ng salamin. Hindi pwede, hindi ako bibigay sa matandang ito.
"Wag kang sumulpot sa kasal nyo. Di ba at wala naman na ang ANAK nyo? Ano pang silbe nito? Pinapahiya mo ang unico hijo ko!"
Hindi pa din sya tapos sa rant nya. Ang kulit na talaga! Nalulusaw na ang make-up ko eh hindi pa din nya ko tinatantan!
"By the way, meet Emma Cojuangco" humarap na ako sa kanya at tinignan ang katabi nyang babaeng malaki ang tyan. Wag mong sabihing?
"I think your conclusion right now is correct. Naanakan din sya ni Wayne, at sa tingin ko eh mas deserving silang dalawa. Just look, 7months na sya at ikaw? 3weeks palang nalaglag na"
Nahulog ang panga ko at hindi ko alam ang sasabihin. Panong nangyari 'to? Bluff lang ba to ng nanay nya para hindi kami maikasal? Pero kung totoo nga, ano ba ang dapat gawin? Tinitigan ko lang si Emma at nagulat ako ng humagulgol sya.
"So-sorry. Hindi ko alam" todo hikbi lang sya at punas sa luha nya. Hindi man lang sya madaluhan ng matandang to!
"Iwan nyo na muna ako" matigas kong sinabi.
Lumabas din naman sila ng wala ng sinasabi pa. Bigla akong napaupo, ngayon ko lang napansing nanlambot na pala ako. Napayuko ako, ano bang dapat gawin? Shit! Niloko nya ko! Sa realization na yun eh bigla na lang bumuhos ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala. Bakit nangyayari sa'kin ang mga bagay na 'to?
"How do I?
Get through one night without you?
How do live without you?
What kind of life would that be?"
Naririnig ko na ang bulungan sa loob, ilang minuto na din kasi at hindi pa ko pumapasok gayong how do I ang cue ko. Habang papalakad ako papuntang pintuan ay nararamdaman ko na ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko.
"Oh I,
I need you in my arms,
Need you to hold.
You're my world, my hear, my soul
If you ever leave"
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay tumulo na ang mga luha ko. Napatingin ako kay Wayne na nakangiti lang habang tinitignan ako.
"Baby you would take away everything
Good in my life.
And tell me now"
Habang nararamdaman kong papalapit na ko sa kanya ay todo iyak na ko. Parang namatayan ulit ang itsura ko, marinig ko na halos ang bulungan ng mga kamag-anak nya na sinasabihan ako ng oa. Tama bang naging desisyon ko? Tama bang ako ang nandito? Sa sobrang pag-iisip ko eh mas lalo lang akong naiyak. Inangat ko ang tingin ko at nakita kong naluluha na rin sya. Is this right Wayne? For you to marry me?
"How do I live without you?
I want to know.
How do breathe without you?
If you ever go.
How do I ever, ever survive?"
Papalapit na ko ng papalapit sa kanya at lalo kong napagtatantong tama ang naging desisyon ko. Lumingon ako sa mama nya at nakita kong nakataas pa ito ng kilay habang umiiling. Kita ko din ang pagbuka ng bibig nyang nagsasabing desperada.
"How do I?
Oh how do I live?"
Eto na. Nilahad na ni Wayne ang kamay nya sa akin pero ang bulaklak na hawak ko lang ang inabot ko sa kanya. Tinakban ko ang bibig ko habang umiiling sa kanya para hindi ako mapahagulgol. Tatalikod na sana ako sa kanya kaso hinigit nya ang braso ko.
"What is wrong Krish? Ano 'tong ginagawa mo?" galit na nagtataka ang tono nya pero pag-iling lang ang sinagot ko sa kanya.
"Are you fucking serious? Please, tell me what's wrong?" nagmamakaawa na ang boses nya at nadudurog ang puso ko. Pwede bang sabihin kong joke lang ang lahat? Pero mali, maling ipagpatuloy ko 'to.
"I-i ca-can't Wayne" napahagulgol na naman ako at kasabay nito ay ang biglang pagbuhos ng ulan. Naramdaman kong bigla syang nanghina at lumuwag ang kapit nya sa akin dahilan para mabawi ko sa kanya ang braso ko.
Tinalikuran ko na sya at tumakbo palayo. Nandyan na naman ang bulungang ng mga kamag-anak nya pero hindi ko na inintindi yun, mas nangingibabaw ang pagsamo ni Wayne sa pandinig ko. Walang lakas nyang sinisigaw ang pangalan ko. Gusto kong bumalik at hagkan sya, pero mali yun.
Mali dahil may isang babaeng mas nangangailangan ng pagmamahal nya kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomanceShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...