9. BASTA LIBRE
Tahimik lang kami pagkabalik sa vip room. Ewan ko kung anong gusto nyang iparating sa sinabi nya kanina. Baka warning nya lang na bawal may ma-inlove sa aming dalawa. Tama sya!
"Hard liquors Rics? What's the matter" tumabi sa kanya yung lalaking blue ang buhok at may tinawag.
"Drake! Tanungin mo kung anong problema ng tropa natin dito" yung Drake pala ay itong naka-kpop style ang buhok.
"Tropa. Anong problema mo?" nagtawanan sila at nakita ko naman na ngumiti sya kahit papaano.
"Ewan ko sa inyo mga tarantado" tumawa na din sya at pinagsusuntok ang dalawang katabi.
"Dude! Minumura mo kami sa harap ng FIANCÉ mo!" si long-haired ang bumanat. Kitang-kita kong umiling lang sya.
"You know what. You need a make-over, makikilala at makikilala ka ng mga nakahalubilo mo noon" nakatitig lang sya sa baso nya pero alam kong ako ang tinutukoy nya.
"Who? Me or her?" hinawi ni long-haired ang buhok nya.
"Of course her. Asshole" tumawa sya at tumayo na.
"I thought I'm your fiancé" nagboses bakla pa sya kaya sinugod sya ng dalawang kaibigan.
"Utot ka! Hahaha" kinokonyatan sya ni blue-haired.
"Asshole!" kinukurot naman sya ni Drake.
Nakangiti lang akong tumititig sa kanila kaya hindi ko namalayan na nakatayo na sya sa tabi ko. Nandito kasi ako sa mini bar counter.
"What do you think?" nakatingin lang sya sa mga kaibigan.
"Kung walang bawas sa sahod why not?" nginitian ko sya.
"Hahaha. You're really different" nginisian na naman nya ako at inistraight ang iniinom nya ewan ko kung ano. "Tara" hinila nya ko pero pinigilan ko sya.
"I can drive. Dalawa pa nga tong nakikita ko eh" niloko pa ko ng itaas nya ang isang daliri. "Losers. We'll go" hinawakan na naman nya ang kamay ko at lumabas na kami.
Ayan na naman ang tingin ng mga tao. Alam ko may Lord sya sa pangalan pero hindi naman kailangang tratuhin pa sya ng ganoon. Pag pasok namin sa kotse ay agad ko syang tinanong.
"Ano ka ba dito? Aside sa owner ng isang kompanya?" kinuha ko ang phone ko at nakita ang mga text ni Mari.
"Don't text while you are talking to me" malamig nyang sabi kaya tinapon ko agad sa bag ko yung cellphone ko.
"I'm sorry" tumingin na lang ako sa labas para madistract.
"I'm the only son of the Governor. The future owner and acting ceo of H.J. Group of Companies. I own the Lemon and Bar and co-owner of half of the bars at Lifestyle District, some chain hotels and condominium. I'm powerful, I rule"
Napalunok na lang ako sa mga sinabi nya. Akala ko sila Wayne na ang pinakamayaman, pero ngayong nakilala ko na si Jerico ay parang naiba ang paniniwala. Nakajackpot ata ako.
"Kaya pala kulang na lang ay halikan nila ang paa mo" biglang may tumawag sa akin kaya agad kong kinuha yung phone ko at baka si Mari yun.
Nagulat ako sa nagregister na pangalan, agad naman akong nilingon ni Jerico at dahil off guard ako ay wala akong nagawa ng kunin nya at basahin kung sinong tumatawag.
"Wayne Syjuengco? Fvck!"
Chinop-chop nya ang cellphone ko at kinuha ang memory card. Nagulat ako at inatake ata ako sa puso ng ibato nya sa labas ang cellphone ko.
"What's that!?" pinalo ko ang braso nya ng paulit-ulit.
"That garbage! You still love him?! That's enough!" muntikan akong humagis sa salamin dahil sa lakas ng break nya.
Katahimikan.
"Ano naman ngayon?" unang araw palang ay nakicarried away na ang isang 'to.
"Ok" pinaandar nya na ulit ang kotse nya. Anong problema ng isang 'to? "I'll just buy you a new phone habang nasa salon ka"
Tinignan ko na lang ang memory card kong bara-bara nyang binigay.
"Ok. Basta libre" pagkaharap ko sa kanya para sana ngitian sya ay nakita ko na naman ang ngisi nya na hindi ko alam kung nakakakilabot o ano.
"Sure"
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomantiekShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...