1. MULTO
Hindi ko na alam kung nasaan ako. Tumigil lang ako sa pagtakbo ng sumakit ang paa ko, tinanggal ko yung sapatos ko at umupo. Naiiyak nanaman ako sa alaala kanina, naiwan ko sya ng ganun lang di bale, puro kamag-anak naman nya yun. Shit! Ang sakit sa puso! Pagkatayo ko ay may naaninag akong lalaki sa gilid ko, madilim dito at hindi ko alam kung multo ba 'to oh ano.
May biglang dumaang taxi kaya pinara ko agad, nakita kong napatalon yung multo sa tabi ko. May ganun? Natakot ang multo? Tinitigan ko yung lalaking matangkad at napaatras sya, habang papalapit ako ay paatras din sya ng paatras. Mukhang poging multo ito ah, kahit madilim nakikita kong may itsura sya.
"Get off me! May holy water ako dito!"
What?!
"Edi inumin mo! Tse!" bumalik ako dun sa dati kong pwesto. Hindi pala multo itong kasama ko, buhay pala.
"Fvck! Nasan na kayo?! Puta! After 5minutes at wala pa kayo tatanggalin ko mga bayag nyo! Oo, totoo gago!"
Hala sige, magmura! Teka, anong sinabi nya? Ba? Bayabas? My goodness! Of all the people!
"Te-teka?" tatanungin ko sana sya kung paano makakaalis dito pero di ako pinansin.
"Pano ba makaalis dito?" hindi nya pa din ako pinansin.
Tahimik na naman, nauubusan na ko ng pag-asang maka-alis dito, baka makita ako ni Wayne! Pabigla akong tumakbo papunta sa kanya at hinawakan ang braso nya.
"Sir. Pakisagot naman ako! Nakakaintindi ka naman ng tagalog di'ba? Please, paano makaalis dito!" nagtatalon na ko sa nerbyos at hindi ko na din sya tinitignan. Hinawi nya lang ang kamay ko.
"Hoy multo. Hindi ko din alam ang lugar na 'to" tinalikuran ako ng unggoy!
Natataranta na ko, saktong may humintong sasakyan na grandia. Eto na ata ang sundo nitong baliw na 'to, bago pa sya makapasok ay hinila ko sya ulit.
"Pasabay naman" naiiyak na ko. "Please, kahit doon lang sa may masasakyan ako. My God! Please"
Nakatitig lang sya sa'kin. Ilang segundo bago sya nagsalita.
"Oh pasakayin nyo 'tong multo"
Sa likod nila ko pinaupo at ngayon ko lang napansin na ang haggarda ko na! Kung hindi ko pa tinignan ang sarili ko sa bintana, hindi ko malalamang ganito na ang itsura ko.
"Miss oh, tissue. Ok ka lang?" tanong sa akin nitong lalaking kulay blue ang buhok. Blue talaga?
"Tha-thanks"
Pinunasan ko ang mukha ko at halos puro itim ang makita ko sa tissueng pinapahid ko sa mukha ko. Hay, may gunting kaya sila? Hindi ko alam kung paano sisingit kasi ang saya ng kwentuhan nila. Pero kanina pa naman makapal ang mukha ko eh. Push ko na.
"A-ano. Ano? May gunting ba kayo?" dinungaw ko sila sa kabilang upuan kaya napatalon sila sa gulat. Nakita ko ding nilingon ako nung lalaki kanina.
Naghanap naman sila agad at kinalkal ang mga gamit nila. May biglang binato ang unggoy!
"Ah?" napakamot pa si blue-haired. "Marunong ka ng swiss knife?"
Nakatingin lang ako sa inaabot nya, pwede na din kesa wala.
"Salamat"
Agad ko ng pinunit itong mahabang gown na suot ko. Gagawin ko na lang cocktail dress ito, nilugay ko na din yung buhok ko at sinuklayan ng daliri. Hindi pa din ako makapaniwala, fairy tales huh?
"Multo. Bakit mo sinira yang gown mo?" napatalon ako sa gulat at nilingon naman ako nung dalawa pang nasa likod ko.
"A-ano? Kasi nadumihan na at mahaba, dibale na" napadungaw ako sa labas at mukhang nasa syudad na ulit kami. "Di-dito na lang ako. Malapit na ko dito"
"Sigurado ka?" ang kulit ng pacool na unggoy na 'to!
"Ah, oo. Salamat ah"
Hininto na nila yung kotse dito sa bandang Balintawak kaya bumaba na ko at nagpara agad ng taxi. Bago ako makasakay ay nakita ko pa syang nakadungaw sa bintana bago sila tuluyang umalis.
Ngayon lang nagsink-in sa'kin na multo ang tawag nya sa'kin! Nak ng tokwa!
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomanceShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...