CHAPTER 2

3.4K 89 4
                                    

2. GET A LIFE

Hindi pa din ako makapaniwala. Ilang linggo na din ang dumaan pero parang kanina lang yung nangyari. Haay. Ang sariwa pa ng lahat ng alaala, mula sa lugar na yun hanggang makauwi ako.

"Ooh? Krishna! Anyare?" tumakbo pa punta sa'kin ang kaibigan kong si Mari. Napaupo na lang ako at tumingala bago pumikit.

"Sabi na nga ba eh! Wala talaga kong tiwala dyan kay Wayne!"

Pinaliwanag ko sa kanya lahat ng nangyari. Pagod na ko, masyadong napagod ang katawan ko.

"Matutulog na ko Mari. Bukas na lang ulit natin pag-usapan" pinabayaan nya kong makaakyat.

"Hindi na natin pag-uusapan! Puta! Kaya pala bawal kaibigan at kamag-anak mo! Tuso" sumisigaw lang sya dun at natawa lang ako.

"Mari. Ssshhhsss" pumasok na ko sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nakaramdam ng panghihina. Umiyak na naman ako. Panong umabot sa ganito? I can't believe this. Nakatulog na lang akong umiiyak at suot pa din ang sinira kong gown.

Kinaumagahan ay naligo agad ako. Yun na naman ang naalala ko, lagi akong umiiyak sa twing naaalala ko ang mukha ni Wayne. Yun lang, hindi ang pangyayari, hindi ang mga salita kundi ang nagsusumamong mukha nya ang nagpapaiyak sa'kin. For 4 years, alam ko there's no perfect relationship. May flaws kami, ups and downs. Pero nakaya namin, nalagpasan but this time hindi na malalagpasan, mali. Hindi na pwedeng lagpasan.

Pagkababa ko ay nagbunganga na naman si Mari, kakatapos ko lang mag-mmk eh.

"Ay naku si Wayne! Dumating dito kanina! Ay naku talaga!" tinataas nya pa ang daliri nya.

"Puso mo. Hahaha" umupo ako sa mesa. Iniisip ko din kung bakit napunta si Wayne dito.

"Ayan oh! Dinala nya yung mga naiwan mong gamit" tinignan ko ang tinuturo nya at nakita sa sofa lahat ng gamit ko. Halos makalimutan ko na ang sariling gamit sa gulo ng isip ko.

"Eto lang?" kinuha ko ang cellphone sa bag ko.

"Ano pa? Sinong gusto mong magstay dito? Si Wayne?!" padabog syang nagligpit ng kinainan nya.

"Hahaha! Adik. Punta tayong Amaya?" nakita ko ang milyon-milyon na text sa'kin. Pano kaya 'to?

"Get a new sim! Get a new life Krishna! Don't dwell in the past, don't dwell with him again!" pumiyok sya at naiyak. Agad akong pumunta sa kanya at niyakap sya.

"Actually wala pa kong back-up. Guess, getting a new life would be great" pinunasan ko ang mga luha nya.

"Sorry Krish. I'm so sorry for you, for what happen. Wala ko nung kailangan mo ko" inaayos ko na ang buhok nya.

"It's ok. Amaya?" nakangiti kong anyaya sa kanya.

"Sure thing"

Dumating agad kami sa water park, this is what I need. Busyng busy akong naglalakad at may hawak pa kong juice nang bigla akong matulak ng mga bunch of jerks na naghaharutan.

"Whooa! Sorry missy!" lingon sa'kin ng isang lalaking mahaba ang buhok. Napangisi sya ng makita ko.

"Never thought that your so gorgeous! Jerico!"

Napatingin din ako sa lalaking tinawag nya at nagulat ako, sila yun! Yung mga lalaking nagpasakay sa'kin.

"Oh? Multo? She's not gorgeous Mart" at tinapik ang katabi at biglang tumakbo, napamura na lang yung long-haired bago umalis.

"Sino yun?" may dala na ring juice ang kakarating lang na si Mari.

"Yung mga nagpasakay sa'kin" nagkibit balikat na lang ako at pumunta na sa spa. This is what I need. Me time.

Habang nagbabad ako dito sa lavander jacuzzi ay nag-iisip-isip ako. Did I do the right thing? Tama bang naniwala ako sa sinabi ng mama nya? Dapat bang naniwala ako dun sa babae? Nah! Hindi uusad ang buhay ko nito. Sabi nga, pagnagsara ang pinto may bintana. Kailangan ko ng lumabas sa comfort zone ko, kailangan kong umalis dito sa Manila. Pumikit ako.

Tama! Hahanapin ko ang sarili ko sa ibang lugar. Yung tahimik, walang nakakakilala sa'kin. I need time, I need to make my mind back to shape again. Napatalon ako ng biglang may pumasok sa kwarto.

"We need to go!" natatarantang nagsusuot ng tshirt si Mari.

"Bakit?" nasa jacuzzi pa din ako.

"He's here!"

Bibilhin ko ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon