CHAPTER 18

2.1K 71 0
                                    

18. MAHAL KO NA

 Ngayon ang araw na darating si Mari dito sa Cagayan kaya nagpaalam muna ako kay Jerico na dito muna ko sa starbucks.

 "Ok ka lang dyan Hon?"

 Napangiti ako sa boses nyang pacute.

 "Of course. Dyan ka muna sa school"

 "Hmp. Pwede naman akong magcut ng klase"

 "No. Stay there, aryt?"

 "Yeah, yeah. Bye!"

 Saktong pagkababa ko ng telepono ay ang pagdating ng blooming na si Mari.

 "Gumaganda ka ata?" pabiro kong bati sa kanya.

 "Ikaw talaga. Gusto mo ikaw lang ang palaging maganda" kinuha nya ang menu.

 "Sus. Gaga" ininom ko ang order kong kape.

 "Oh. Move-on na?" nagtaas sya ng kilay sa akin. "New look ka na eh" nginitian nya ko kaya napayuko ako.

 "O-oo"

 "Aba. Ang bilis mo atang nahulog ngayon?" sabi nya pagkaalis ng waiter.

 "Ha?" tanong ko sa kanya matapos umorder ulit.

 "Di'ba 4 months bago ka na-inlove kay Wayne? Ang bilis mo atang nakamove-on. Wala na ba ang pag-ibig na nagsimula sa oblation run?"

 Nagtawanan kami ng maalala yun. Oo nga pala at sa ganun kami nagsimula ni Wayne, tumakbo sya nun kahit di sya taga-up o member ng frat. Ginawa nya lang yun para makapagtapat sa akin. Ewan ko kung bakit di ako agad nagkagusto kay Wayne di tulad ni Boss na unting landi lang kilig na ko.

 "Wala na Mari"

 Dumating na ang order at patuloy lang kami sa pagkikwentuhan ng biglang sumulpot ang hari.

 "Mari?" taas kilay nyang tanong.

 "Couz!" tumayo si Mari at nagbeso sila. "What brings you here?" ngising-ngisi nyang tanong.

 "Her. My fiancé" pagkarinig ko nun ay agad talaga akong na bilaukan, dinaluhan nya ko at kita ko ang masayang ngiti sa mata ni Mari.

 "What? Sya si Multo?" tawang-tawa ang gaga. "Oh, nagsisi ka sa sinabi mo no?"

 Pagkalingon ko kay Jerico ay nakapout lang sya at humila ng isang upuan.

 "Eh ikaw?" sinilip nya ang menu pero parang wala syang natipuhan.

 "Edi sya din. Nandito yung ex nyang gago, must protect her" uminom sya ng kape at parang may naalala. "And for lolo too, hehe"

 "I can protect her myself. Besides, nakwento mo nanaman ang lahat kaya no need" tumingin sya sa cellphone nya dahil mukang may nagtext. "At hindi ka talaga magugustuhan ni Arthur. Hahaha!"

 Agad syang sinampal ni Mari, so yun pala ang tinutukoy nyang si Arthur. Shocks, hindi ko manlang naisip. Pagkatingin ko kay Jerico ay naalala ko ang klase nya ngayon.

 "You cut your class? May exam di'ba" sinilip nya ko ng nakangiti, mukhang masaya ata sya sa katext nya.

 "No. Hindi ako naglunch, I take up the exam in advance" tumawa pa sya pagkatingin sa cellphone at nagulat ako ng iharap nya sa akin.

 "Look at those two, nanghihingi ng sagot. Hahaha! Mga loko"

 Kita ko nga ang nanggagalaiting text ni Arthur at Martin, nakagroup message sila.

 "First time ko atang narinig yan kay Lord Jerico Hidalgo. Hindi prinaoritize ang studies" nakasilip sya sa aming dalawa.

 "Didn't you hear me? Maaga kong tinake-up. Tss, uwi" nagtawanan sila at murahan dun bago kami umuwi.

 "She's staying at your house? That's small" nakatanaw lang si Jerico sa binatana ng kotse nya.

 "We're fine here" nginitian ko sya at kinawayan. Pagkaalis nya ay agad umariba si Mari.

 "Kaya pala mabilis, great job at finally ay nakahanap ka na" tinapik nya ang balikat ko at niyakap. "Irereto pa lang kita eh. Ang gagong yun, madaya talaga"

 "Ok lang, kaso-" hindi na nya ko pinatapos.

 "Just don't hurt him Krish, first time nun" at bahagya syang tumawa.

 "I won't. I can't. Mahal ko na sya"

Bibilhin ko ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon