CHAPTER 24

2.2K 57 0
                                    

24. BLAME ME

"Huy! Pansinin mo naman ako! Jerico!"

Sa sobrang gulat ng mga kaklase at ng prof ko ay basta na lang akong umalis. Ang lintek na yun talaga! Ay na ko! Napalunok ako sa naisip ko.

"When you was mine,

You know.

We had it all fall apart,

You are the one I was loved.

You always warn your heart,

Like you can't get enough."

Sa wakas ay napahinto ko din sya at ramdam ko din ang tingin ng lahat ng nasa corridor na kasalukuyang walang klase.

"Do what every thing that's left for me,

Make no apologies.

I'll cross black and blue,

But you know I do it all again for you"

Nakatayo lang ako sa likuran nya at unti-unti din syang humarap sa akin. Napangiti ako lalo na sa mukha nyang sobrang gulat. San ka ngayon Mr. Hidalgo?

"Para sa akin yun?" curious nyang tanong sa akin.

"Ay?" sarkastiko kong sagot.

"Hahaha. That's korny" at nakuha pang magbiro?! Sasagot na sana ako pero inunahan nya ako.

"But I love it"

Lumapit sya sa akin at inakbayan ako. Napangisi din ako ng makita ang ngisi nya. Ang dali namang bilhin ang atensyon nito, sunod ang puso mo Hidalgo.

Pumunta na kami sa canteen at mas pinili naming sa labas na lang umupo. Sumandal sya at nagbiro na naman.

"Following you is the best decision ever"

"Ewan ko sayo" ininom ko na ang inorder kong wintermelon milktea.

"Sus. Ikaw talaga" uminom din sya ng kanya.

"Ikaw din talaga. Tsk" tinignan ko ang schedule ko.

"Wala ka ng klase"

Tinignan ko sya ng matalim. Talaga ito! Lahat kayang gawin. Hanggang dito sa Maynila ay sya pa din ang batas! Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Napatayo din sya.

"San ka?"

"Edi uuwi. Babush" tinalikuran ko na sya.

"Oh sabay ka na sa akin" kinuha nya ang kamay ko.

"Eh. Ayoko!" nagpupumiglas ako.

"Ang hilig mong lumayo sa akin" binitawan nya ang kamay ko.

"Aba?! Sinong nang iwan?"

And he's back with his cold stares. Ang kapal talaga nito. Kaasar.

"Ok. Blame me. We're not yet through"

Pagkabitaw nya sa akin ay umalis agad sya. Tama. Di pa tayo tapos. Di pa ko tapos sayo, pai-ibigin pa kita ulit.

Pagkauwi ko ay nahiga agad ako sa kama ko. Ay paano ko sya mabibili kung lagi ko syang tinatarayan? Dapat ata ay maging mabait ako sa kanya. Tama! Simula bukas I'll be as sweet as candy.

"Goodmorning hon!"

Napatalon sya ng marinig ako. Magkakasama pa sila ng mga kaibigan nya.

"Goo-goodmorning hon" bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Kumain ka na?"

"Ah? O-oo. Dinaanan lang kita para batiin" biglang sumipol si Martin. "Sige. Late na ko"

"Bakit? We're on the same class" kinuha nya ang bag nya at nakipagfistbump sa mga kaibigan.

"Sus! Wala na talaga itong si Rics. Hulog na hulog!" pabirong sabi ni Drake.

"Oh ms. Gorgeous. Saluhin mo yan at kawawa naman"

Minura muna sila ni Jerico bago kami umalis. As usual ang mga tingin ng mga tao. Ganito ba naman kagwapo ang kasama mong maglakad eh.

"So. Nagsisi ka na sa ginawa mo kahapon?" pinalo ko sya ng dala kong notebook.

"Ang kapal. Hindi 'no"

Inirapan ko sya at nauna nang maglakad. Baka kung ano na naman ang masabi ko at mabaliw ng todo ang topak na ito.

Bibilhin ko ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon