CHAPTER 29

2.5K 64 1
                                    

29. KEEP THE CHANGE

Kwinento sa akin ni Jerico ang lahat. Nakita pala sya nun ni Wayne at inunahan.

"Binantaan ko syang babawiin ka pero sinabi nya agad na magpapakasal na kayo" huminto sya para uminom ng j.d.

"Pumunta ako nun sa kasal to ruin it. Pero nung ilang minuto na ay di ka pa lumalabas ay umalis na ako. Hahanapin sana kita, tumigil ako saglit doon sa pinagkitaan natin para sana magpatila. Kaso ilang minuto ay di pa kita natatanaw ay tinawagan ko na sila Martin, napatalon ako ng bigla kang huminto sa tabi ko" bigla syang tumawa ng malakas kaya pinalo ko sya ng unan.

"Ok sorry, mukha ka talagang corpse bride nun at defense mechanism na lang siguro kaya kita tinawag na multo. Seeing you liked that gives me hope, you both ruined your own wedding" sumandal sya at uminom.

"At nung nakita kita sa waterpark. Natural sabihin kong di ka maganda. Hindi naman alam ng mga gagong yun na ikaw ang gusto ko, nilihim ko yun. And hearing those puking words from Wayne, gusto ko syang sapakin. Kaya nag-isip ako, first time kong kuntsabahin si Mari. We're not the close type. At ayun kaya ka napadpad ng cagayan. Ako din pala yung nagbigay ng bulaklak bago ka umalis, kaya nga L.J. yun eh. Kasi ako"

Ngumiti sya pero pinagpapalo ko sya ng unan. Ang lokong ito! Ang daming ginawang kalokohan. Naalala ko yung bulaklak pero di ko na lang tinanong yung sa trace.

"Hahaha! Wait! Kasi sa tingin ko buying you back is my last option. And it work! Sa akin ka kasi talaga in love, not with that bastard" uminom ulit sya.

"OC na?" tinignan ko sya ng maarte.

"Uy aminin. Nain-love ka" ngumiti lang sya.

"Oo nga, nabili mo ko. Eh ikaw? Di ko pa nabibili ang pag-ibig mo" sumandal ako at pumikit.

"Nabili mo na, keep the change pa. O di'ba, ikaw ng bumili, ikaw pang may sukli"

Nagtawanan kami sa sinabi nya. Ang loko! Ang gulo ng logic dun sa sinabi nya. Sinabunutan ko sya.

"Talaga namang akin dapat ang sukli"

"Aray. Kaya nga. Susuklian ko ng bongga ang pagmamahal mo" hinalikan nya ako sa noo pero tumawa lang ako ng malakas.

"Ok. Enough, ang korni sobra"

Natulog na din kami after ng kwentuhan namin. Mga alas dos na siguro ng maramdaman kong may tumabi sa akin.

"I love you Hon"

Niyakap ko na lang sya at ang bango nya talaga at na-iinsecure na ako ng sobra.

"I love you more"

"Wait. Hindi ka ba galit sa akin?"

"Saan? Tsaka simula ng magkakilala tayo ay galit na ko sayo. Ano pa?" sinandal nya ang ulo sa ulo ko.

"Wala. Ang taray nito" pipikit na sana ako ng bigla na naman syang magthrowback.

"Di'ba cashier ka sa Rodics noon?"

"Oh ano ngayon?" pumikit na ko.

"Sobrang panget ko talaga siguro nun at di mo ko matandaan"

At napaangat ako dun. Ateneo ito eh, bakit kakain pa sa UP?

"Hmp. Ako yung araw-araw na kumakain ng tapsi twing hapon! Porke't nerd ako nun"

Oh em! Sya yun!? Crush ko yun eh. Sya yung pinakapoging nerd ever pero walang pumapansin sa kanya. Napasugod pa ako nun sa registrar para hanapin ang pangalan nya. IMBA!

"Weh! Crush ko yun eh"

"Crush din kita. Kaya nga lagi kang keep the change eh"

Crap sya nga. Tinapik ko na lang ang noo nya at sumandal akong nakangiti. Shit, define nyo nga sa akin yung salitang DESTINY.

Kasama ko na naman silang magkakaibigan at ang mga babae oa lang. Pero infairness ay di pa din ako makamove-on sa naging kwentuhan namin. Nagulat ako ng biglang magtawanan ang tatlo.

"Grabe! Ang panget mo talaga Ric noon, nerd!" nagfunny face pa si Martin.

"Sus! Ikaw nga ang payatot pa" si Drake na inagaw ang phone.

"Sus. Si Arthur black pa ang buhok! Gago kasi, blue? Seryoso?"

"Hindi mo maiintindihan. Shut up" nagbad finger naman itong si Arthur.

"Oh look. Si miss keep the change"

Pagkatingin ko ay agad kong nakita ang nakayuko kong haggard na mukha sa Rodics noon.

"Ganya yang si Ric, since nerdy days nya binibili na ang lahat"

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na ngumiti.

Bibilhin ko ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon