27. KISS
"Pero magpapakasal pa din tayo"
Sinabi nya yun habang kumakain kami kanina kaya hindi ako makapagconcentrate ngayon. Not that, ayoko. Pero kasi, basta.
"May hinaharana daw ngayon si Wayne!"
"Sino?"
Ang ingay-ingay ng mga babae dito sa library ngayon, puro Wayne. Todo sita na rin yung librarian at assistant nya pero wala, kumaripas pa ng takbo ang lahat.
"Anong meron? Here's the books" nilapag nya ang mga libro.
"Thanks. Nanghaharana lang si Wayne"
Bigla syang tumawa ng malakas kaya kami ang sinita ngayon ng librarian. Tinakpan nya ang bibig pero tuloy pa rin sya sa paghagikgik.
"Manahimik ka na nga. Tayo lang ang nandito kaya masisita agad tayo" pabulong kong sabi sa kanya habang tinatakpan ng libro ang mukha ko.
Natahimik sya sa pagtawa at tinitigan lang ako na nakatakip pa din ang libro. Unti-unti nyang nilapit ang mukha nya at todo malaki na ang mata ko dahil sa pandidilat sa kanya. Ngumisi lang sya at patuloy na lumapit. Malaking libro pa man din ang nakatakip sa akin ngayon. Magkadikit na ang mga ilong namin at my goodness, ang bango talaga ng hininga nya! Napapikit na ko.
"Get a fvcking room dude!"
Napatalon kaming dalawa nang makita ang tatlong mga kaibigan nya. Binagsak nya ang libro ng sobrang lakas kaya pati mga librarian ay napatayo. Agad kong hinawakan ang braso nya.
"Ay kayo talaga" biniro ko na lang sila.
"We're about to kiss!"
Padabog syang tumayo at naunang maglakad. What? Minsan ang sarap sapakin nito pag ang babaw ng problema.
"Oh Martin. Yari ka" nagbatukan na naman sila.
"Hahaha. Tara na, magsorry kayo"
Naupo sila at hindi ako pinansin. Kinuha pa nila ang mga notebook at parang nagrireview kuno.
"Halikan mo na lang. Yun lang ang problema nun"
Nagtawanan sila ng malakas sa biro ni Arthur. Nasita na naman kami at tuluyan ng pinalabas, pagkalabas namin ay syang balikan at lakaran ng mga tao na nang-intriga sa harana ni Wayne.
"Mas pogi pa kami dun" pabulong na sabi ni Drake.
Nagkibit-balikat na lang ako at hinanap na ang abnoy na unggoy. Parang yun lang nagtampo na agad. Oops! Parang may lumabas na light bulb sa ulo ko.
"Ako na lang ang maghahanap. Pasok na kayo sa next class nyo" tumakbo na ko paalis
May kumpulan ng mga tao sa may tapat ng Business Ad building pero hindi ko na lang pinansin. Nakita ko syang papuntang parking lot kaya tumakbo agad ako.
"Hon!"
Sumandal sya sa itim na cadillac na kotse at nginisian lang ako. Huminto ko half way at naghalukipkip.
"New car?"
"No. Nasa repair shop kasi si Purity"
Nang marinig ko ang pangalan ng kotse nya ay patawa akong lumapit na nagpakunot ng noo nya.
"That was so gay!" tinapik ko sya.
"Sabi kasi ni mama, so sorry" at nang-irap pa!
Nauna akong pumasok sa front seat kaya pumasok din sya. Tinted itong kotse nya ngayon ah.
"I'll sleep" asar ko sa kanya.
"My God! I just want to ki-"
Pinutol ko na sya ng agad ko syang hinalikan, napangiti ako ng makita ang gulat nyang mukha. Bibitaw na sana ako sa paghalik ng itulak nya ako pasandal sa bintana. Pinaulanan nya ako ng malalalim at nakakalasing na halik, I can't help myself but to gasp.
Binaba nya ang halik papunta sa leeg ko kaya naipilig ko ang ulo ko I bit my lip ng marinig ko ang malakas kong moan at pinulupot ko ang braso ko sa leeg nya. Binalik nya sa labi ko ang uhaw nyang mga halik.
"I love you so much. Don't hate me please" he said in between our kisses.
"I love you too"
Bungisngis na bungisngis sya ng pumasok ako sa susunod kong klase at hindi ko mapigilang hindi madistract. Tawa pa ng tawa ng magrecite ako na parang big deal. Pagkaupo ko ay may binulong sya sa akin.
"Let's go to your apartment later"
BINABASA MO ANG
Bibilhin ko ang Pag-ibig Mo
RomanceShe thought it was perfect. Wedding bells, gowns, vows and everything that shouts almost there. Almost there to hell. Akala ni Krishna ay nakita na nya ang lalaking magpapasaya sa kanya but she's so wrong. Nangako syang maghihiganti and...